Menu

Susunod

Mga Serye ng Sermon: Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya | Tinubos ng Panginoong Jesus ang Sangkatauhan, Kaya Bakit Niya Gagawin ang Gawain ng Paghatol Pagbalik Niya sa mga Huling Araw?

5,818 2021-11-15

Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao para tubusin ang mga kasalanan ng sangkatauhan, nagsisilbing handog para sa kasalanan at kinukumpleto ang Kanyang gawain ng pagtubos. Iniisip ng lahat ng mananampalataya ng Panginoon na napatawad na ang kanilang mga kasalanan, kaya hindi na sila nakikita ng Panginoon bilang makasalanan, at pagbalik Niya'y direkta silang dadalhin sa kaharian ng langit. Kung kaya, palaging nakatanaw sa kalangitan ang mga tao, inaasam ang araw na sila'y biglang dadalhin sa langit at makakatagpo ang Panginoon. Pero sa laking gulat nila, habang pinapanood nilang mangyari ang malalaking sakuna sa kanilang harapan, hindi pa nila nakikita ang Panginoon na bumababa sakay ng isang ulap. Sa halip, patuloy na nagpapatotoo ang Kidlat ng Silanganan na ang Panginoon ay nagbalik na, na Siya ay ang Makapangyarihang Diyos sa katawang-tao, nagpapatotoo na nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos, at gumawa na Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay. Ito'y ganap na salungat sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao. Kaya maraming tao ang nagtatanong: Natubos na ng Panginoong Jesus ang sangkatauhan at ang Kanyang dakilang gawain ay nakumpleto na. Bakit gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Hanapin natin ang katotohanan tungkol dito sa episode ngayong araw ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya at sama-samang hanapin ang mga kasagutan.

Mag-iwan ng Tugon