Kapag binanggit ang tadhana, karamihan ng tao ay itinuturing na magkapareho ang pagkakaroon ng pera at katayuan, at ang pagiging matagumpay at may magandang tadhana, at iniisip na ang mahihirap, ang nakakubli, 'yong mga dumaranas ng kalamidad at paghihirap, na minamaliit, ay may masamang tadhana. Kaya para mabago ang kanilang tadhana, masigasig nilang hinahangad ang kaalaman, umaasa na makakatulong ito sa kanila na magkamit ng kayamanan at katayuan, at sa gayon ay mabago ang kanilang kapalaran. Talaga bang ang pagkakaroon ng pera, katayuan, at tagumpay sa buhay ay nangangahulugang pagkakaroon ng isang magandang tadhana? Talaga bang ang pagdanas ng kalamidad at kasawian ay nangangahulugang pagkakaroon ng isang masamang tadhana? Walang mahusay na pagkaunawa tungkol dito ang karamihan ng tao at masidhi pa rin nilang hinahangad ang kaalaman para mabago ang kanilang kapalaran. Pero maaari bang mabago ng kaalaman ang tadhana ng isang tao? Sino ba talaga ang makapagliligtas sa sangkatauhan at lubusang makababago sa ating tadhana? Sa episode na ito ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya, tutulungan namin kayong matuklasan ang landas para makamit ng sangkatauhan ang kaligtasan at makapasok sa kaharian ng langit.