Alam Mo Ba ang Malubhang Kahihinatnan ng Kamangmangan na Paghihintay sa Pagdating ng Panginoon sa Ulap?
Tanong: Pinatototohanan mo na ang Diyos ay naging tao na bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, subalit pinaninindigan ng karamihan sa mga relihiyosong pastor at elder na babalik ang Panginoon na sakay ng mga ulap. Ibinabatay nila ito lalo na sa mga talata sa Biblia na: “Itong si Jesus … ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata” (Pahayag 1:7). At bukod pa riyan, itinuturo din sa atin ng mga pastor at elder ng relihiyon na sinumang Panginoong Jesus na hindi pumaparito na sakay ng mga ulap ay huwad at kailangang tanggihan. Kaya, hindi tayo nakatitiyak kung naaayon ba ang pananaw na ito sa Biblia o hindi; tama ba ang ganitong klaseng pagkaunawa o hindi?
Sagot: Pagdating sa paghihintay na bumaba ang Panginoon na sakay ng mga ulap, hindi tayo kailangang umasa sa mga paniwala at imahinasyon ng tao! Nakagawa ng malaking pagkakamali ang mga Fariseo sa paghihintay sa pagdating ng Mesiyas. Ginamit nila mismo ang mga paniwala at imahinasyon ng tao upang sukatin ang Panginoong Jesus na dumating na. Sa huli, ipinako nila ang Panginoong Jesus sa krus. Hindi ba ito totoo? Kasingsimple ba ng iniisip natin ang paghihintay sa pagdating ng Panginoon? Kung bumalik ang Panginoon at gumawa sa sangkatauhan sa paraang nagawa ng Panginoong Jesus sa laman, at walang sinuman sa atin ang nakakilala sa Kanya, hahatulan at parurusahan din kaya natin Siya tulad ng ginawa ng mga Fariseo at ipapako Siyang muli sa krus? Posible ba ito? Ipinropesiya ng Panginoong Jesus na babalik Siya at marami Siyang sinabi tungkol dito, ngunit nananangan lamang kami sa propesiya na bababa ang Panginoon na sakay ng mga ulap at hindi namin hinahanap o sinisiyasat ang iba pang mas mahahalagang propesiyang sinambit ng Panginoon. Pinadadali nito ang pagtahak sa maling landas at mapabayaan ng Panginoon! Hindi lamang talaga propesiya tungkol sa “pagbaba na sakay ng mga ulap” ang nasa Biblia. Marami ring propesiya na katulad ng paparito ang Panginoon na gaya ng magnanakaw at bababa nang palihim. Halimbawa, Pahayag 16:15, “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.” Mateo 25:6, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.” At Pahayag 3:20, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.” Lahat ng propesiyang ito ay tumutukoy sa pagiging tao ng Diyos bilang Anak ng tao at pagbaba nang palihim. Ang “gaya ng magnanakaw” ay nangangahulugan ng pagdating nang tahimik at palihim. Hindi natin malalaman na Siya ang Diyos kahit nakikita o naririnig natin Siya, tulad noong magpakita ang Panginoong Jesus at gumawa ng Kanyang gawain nang Siya ay magkatawang-tao bilang Anak ng tao. Sa tingin, ang Panginoong Jesus ay isang ordinaryong Anak ng tao lamang at walang nakaalam na Siya ang Diyos, kaya nga ginamit ng Panginoong Jesus ang “gaya ng magnanakaw” bilang isang analohiya para sa pagpapakita at gawain ng Anak ng tao. Talagang angkop na angkop ito! Yaong mga hindi nagmamahal sa katotohanan, paano man magsalita o gumawa ang Diyos sa laman, o gaano man karaming katotohanan ang Kanyang ipinapahayag, hindi nila iyon tinatanggap. Sa halip, itinuturing nila ang Diyos sa laman na isang normal na tao at pinarurusahan at pinababayaan Siya. Kaya nga nagpropesiya ang Panginoong Jesus na kapag pagbalik Niya: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). Batay sa propesiya ng Panginoon, ang Kanyang pagbabalik ay magiging “pagdating ng Anak ng tao.” Ang “Anak ng tao” ay tumutukoy sa Diyos sa laman, hindi sa espirituwal na katawan ng nabuhay na mag-uling Panginoong Jesus na bumababang sakay ng mga ulap upang hayagang magpakita sa lahat ng tao. Bakit ganoon? Kung espirituwal na katawan iyon ng nabuhay na mag-uling Panginoong Jesus na bumababa sa publiko na sakay ng mga ulap, magiging lubhang makapangyarihan iyon at gugulatin ang mundo. Dadapa sa lupa ang lahat at walang sinumang mangangahas na lumaban. Kung gayon, titiisin pa rin ba ng nagbalik na Panginoong Jesus ang maraming paghihirap at tatanggihan Siya ng henerasyong ito? Talagang hindi. Kaya nga nagpropesiya ang Panginoong Jesus na ang Kanyang pagbabalik ay magiging “pagdating ng Anak ng tao” at “gaya ng magnanakaw.” Ang totoo, tumutukoy ito sa Diyos na nagkatawang-tao bilang Anak ng tao na dumarating nang palihim.
Kaya ano ang relasyon sa pagitan ng Anak ng tao na bumababa nang palihim upang magpakita at gawin ang Kanyang gawain at ng Diyos na hayagang nagpapakita sa pamamagitan ng pagbaba na sakay ng mga ulap? Ano ang nakapaloob sa prosesong ito? Pag-usapan natin iyan nang simple. Sa mga huling araw, ang Diyos ay magkakatawang-tao at bababa nang palihim sa mga tao upang bumigkas at magsalita, gagawin ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos, dadalisayin at gagawing perpekto ang lahat ng nakakarinig sa Kanyang tinig at babalik sa harap ng Kanyang luklukan at gagawin silang isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos ay magpapadala ang Diyos ng malaking kalamidad, na magpipino at kakastigo sa lahat ng hindi tatanggap sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos, bababa ang Diyos na sakay ng mga ulap upang hayagang magpakita sa lahat ng tao. Ganap na tutuparin niyon ang propesiya sa Pahayag 1:7: “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya.” Kapag bumaba ang Panginoon na sakay ng mga ulap, makikita pa rin ba Siya ng mga sumaksak sa Kanya? Sino ba ang mga taong sumaksak sa Kanya? Sabi ng ilan, iyon daw mga taong nagpako sa Panginoong Jesus sa krus. Sila nga ba? Hindi ba matagal nang isinumpa at pinuksa ng Diyos ang mga taong nagpako sa Panginoong Jesus sa krus? Ang totoo, yaong mga sumaksak sa Kanya ay yaong mga tao, noong panahon na bumaba nang palihim ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw upang gumawa, hindi naghahanap sa tinig ng Diyos at tumutuligsa at lumalaban sa Makapangyarihang Diyos. Sa panahong iyon, makikita nila na ang Makapangyarihang Diyos na kanilang nilabanan at tinuligsa ay walang iba kundi ang Tagapagligtas na si Jesus na matagal na nilang hinihintay sa haba ng panahon. Kakabugin nila ang kanilang dibdib, iiyak at magngangalit ang kanilang mga ngipin, at kaparusahan lamang ang kahihinatnan nila. Hindi sinasabi sa Aklat ng Pahayag kung mabubuhay o mamamatay ang mga taong iyon sa bandang huli, kaya hindi natin maaaring malaman. Diyos lamang ang nakakaalam. Dapat nating linawin ito: Matatalinong dalaga lamang na nakakarinig sa tinig ng Diyos ang maaaring magkaroon ng pagkakataong sumalubong sa pagbabalik ng Panginoon, madala sa harap ng luklukan ng Diyos upang dumalo sa piging ng kasal ng Cordero, at magawang perpekto ng Diyos bilang isang mananagumpay. Tinutupad nito ang propesiya sa Pahayag 14:4, “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero.” Patungkol sa mga nananangan lamang sa paniwala na bababa ang Panginoon na sakay ng mga ulap ngunit hindi hinahanap at sinisiyasat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, itinuturing silang mga mangmang na dalaga. Lalo na yaong mga galit na lumalaban at tumutuligsa sa Makapangyarihang Diyos, sila ang mga Fariseo at anticristong inilantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sila ang lahat ng taong muling nagpako sa Diyos sa krus. Lahat ng taong ito ay mahuhulog sa malalaking kalamidad at tatanggap ng parusa.
Tingnan natin kung paano hinintay ng mga Fariseo ang pagdating ng Mesiyas at kung bakit nila ipinako ang Panginoong Jesus sa krus. Noong una, puno ng mga paniwala at imahinasyon ang mga Judiong Fariseo pagdating sa Mesiyas. Nakita nila ang propesiya sa Biblia na: “Sapagka’t sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat” (Isaias 9:6). “Nguni’t ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan” (Mikas 5:2). Batay sa mga salita ng mga propesiya sa Biblia at ng iba’t ibang pangmatagalang pantasya at pangangatwiran tungkol sa pagdating ng Mesiyas, tinukoy ng mga Fariseo na tiyak na tatawaging Mesiyas ang Panginoon at siguradong ipapanganak sa isang mayamang pamilya. Bukod doon, magiging tulad Siya ni David at magiging Hari ng Israel, pamumunuan Niya sila upang lumaya mula sa pamamahala ng gobyernong Romano. Ganito marahil ang akala ng halos lahat ng Israelita. Ngunit hindi tinupad ng Diyos ang mga propesiyang ito alinsunod sa kanilang mga paniwala at imahinasyon, kaya sinubukang maghanap ng mga Fariseo ng lahat ng uri ng maipaparatang laban sa Panginoong Jesus at tinuligsa at nilapastangan ang Panginoong Jesus. Kahit nagpahayag pa ang Panginoong Jesus ng maraming katotohanan sa panahong iyon at gumawa ng maraming himala, na lubos na nagpamalas ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, binalewala ng mga Fariseo ang lalim ng mga salita ng Panginoong Jesus o ang kadakilaan ng Kanyang awtoridad. Basta’t hindi ito nakaayon sa kanilang mga paniwala at imahinasyon, basta’t hindi Siya ipinanganak sa isang mayamang pamilya at hindi marangal at kapita-pitagan ang Kanyang pagpapakita, basta’t hindi Mesiyas ang Kanyang pangalan, tutuligsa at lalaban sila. Dahil sa kanilang likas na pagkamuhi sa katotohanan, sa huli ay ipinako nila ang Panginoong Jesus, na naghayag ng mga katotohanan at gumanap sa gawaing pagtubos, sa krus! Kasuklam-suklam ba ang mga Fariseo? Dapat ba silang isumpa? Ang mga kasalanan ng mga Fariseo sa paglaban at pagtuligsa sa Panginoong Jesus ay lubos na naglantad sa kanilang likas na pagkamuhi at pagkapoot sa katotohanan. Ipinapakita nito na ang kanilang puso ay hindi tunay na naghahanap sa Mesiyas na magliligtas sa kanila mula sa kasalanan, kundi sa halip ay hinahanap nila ang Hari ng mga Judio na tutulong sa kanila na lumaya mula sa pamamahala ng gobyernong Romano, upang hindi na sila maghirap na parang mga alipin! Naniwala sila sa Diyos at inabangan ang pagdating ng Mesiyas dahil lamang sa gusto nilang mabigyang-lugod ang kanilang sariling personal na kagustuhan at protektahan ang kanilang katayuan. Anong pagkakamali ang nagawa ng mga Fariseo sa paghihintay sa pagdating ng Mesiyas? Bakit sila isinumpa at pinarusahan ng Diyos? Nakakapukaw talaga ito ng isipan! Bakit nilabanan at tinuligsa ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus nang magpakita Siya upang isagawa ang Kanyang gawain? Anong likas na pagkatao at diwa ng mga Fariseo ang ipinakita rito? Ito ang mga problemang dapat unawain ng mga taong nananabik sa pagpapakita ng Diyos! Kung hindi natin maunawaan ang mga problemang ito, pagdating sa pagtanggap sa nagbalik na Panginoong Jesus, baka humantong tayo sa landas ng paglaban sa Diyos na tinahak ng mga Fariseo!
Paano naghintay ang mga Fariseo sa pagdating ng Mesiyas? Bakit nila ipinako sa krus ang Panginoong Jesus? Ano ba talaga ang pinagmumulan ng mga katanungang ito? Tingnan natin kung ano ang sabi ng Makapangyarihang Diyos! Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Gusto ba ninyong malaman ang ugat kung bakit kinalaban ng mga Fariseo si Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman, at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagkamali silang magbigay ng walang-saysay na parangal sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa anumang paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng pananalig nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito?” (“Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, dapat ay malinaw nang lahat sa atin ngayon ang kakanyahan at pinagmulan ng paglaban ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus sa paghihintay sa Mesiyas. Kaya tungkol sa pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon, kung umaasa ang tao sa kanilang mga paniwala at imahinasyon, at naghihintay lamang na parang mga hangal sa pagbaba ng Panginoon na sakay ng mga ulap, sa halip na hangarin ang katotohanan at makinig sa tinig ng Diyos, hindi ba sila tumatahak sa landas na tinahak ng mga Fariseong lumaban sa Diyos. Kung gayo’y ano ba talaga ang kahihinatnan nila? Malinaw na ito sa lahat.
Ngayon, ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay lumalaganap na sa buong Mainland China nang mahigit 20 taon. Matagal na itong kumalat sa iba’t ibang relihiyon at denominasyon. Sa panahong ito, dahil sa marahas na panunupil at paglusob ng gobyernong CCP, na sinamahan ng propagandang kampanya ng media ng CCP, ang pangalang Makapangyarihang Diyos ay palasak na sa mga sambahayan na alam ng lahat. Kalaunan, lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at ang iba’t ibang video at pelikulang ginawa ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay unti-unting inilabas online, at kumakalat sa buong mundo. Narinig na ng mga taong relihiyoso ang tungkol sa iba’t ibang pamamaraan ng pagpapatotoo ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kaya maraming tao ang nagpatotoo na dumating na ang Diyos. Ganap nitong tinutupad ang propesiya ng Panginoong Jesus na: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). Kung gayo’y bakit galit na galit pa ring tinutuligsa at nilalabanan ng mga pastor at elder ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Napakaraming propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa Biblia, kaya bakit sila masyadong nakatuon sa propesiya tungkol sa pagbaba ng Panginoon na sakay ng mga ulap? Bakit hindi man lang sila naghahanap kapag naririnig nilang may mga patotoo tungkol sa pagdating ng Panginoon? Bakit, gayong alam nila na naipahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang maraming katotohanan at nakita na ang realidad ng gawain ng Diyos, matigas pa rin ang ulo nila sa pagkapit sa kanilang mga paniwala’t imahinasyon sa paglaban at pagtuligsa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Mahal ba ng mga taong ito ang katotohanan at totoong inaasam ang pagdating ng Panginoon o hindi? Sila ba ay matatalinong dalaga o mga mangmang na dalaga? Kung sila ay matatalinong dalaga at totoong inaasam nila ang pagbabalik ng Panginoon, bakit, kapag naririnig nila ang tinig ng Diyos at nakikitang yumayabong ang ebanghelyo ng kaharian, matigas pa rin ang ulo nila sa pagtuligsa at paglaban? Ito kaya ang tapat na pananabik at pag-asam nila sa pagpapakita ng Panginoon? Ito kaya ang kanilang tunay na pagpapahayag ng pagdiriwang sa pagbabalik ng Panginoon? Sa huli, sa totoo lang, ang kanilang pananalig sa Panginoon at pananabik sa pagbabalik ng Panginoong Jesus ay huwad, ngunit ang kanilang pananabik na mapagpala at makapasok sa kaharian ng langit ay totoo! Naniniwala sila sa Panginoon hindi upang mahanap nila ang katotohanan at makamit ang buhay, hindi upang makamit nila ang katotohanan at makalaya mula sa kasalanan. Ano ang pinakamahalaga sa kanila? Ito ay kapag bumaba ang Panginoon upang direkta silang iakyat sa kaharian ng langit at matakasan nila ang paghihirap ng laman at matamasa ang mga pagpapala ng kaharian ng langit. Ito ang kanilang tunay na layunin sa paniniwala sa Diyos! Maliban sa kadahilanang ito, ano ang dahilan nila sa pagtanggi sa Makapangyarihang Diyos, na nagpapahayag ng katotohanan upang iligtas ang sangkatauhan? Maaaring nating pag-isipan iyon. Kung mahal ng isang tao ang katotohanan at tunay silang nananabik sa pagpapakita ng Diyos, paano sila kikilos kapag narinig nila na dumating na ang Panginoon? Hindi ba sila makikinig, maghahanap, makikipag-ugnayan dito? Pikit-mata ba silang tatanggi, tutuligsa at lalaban? Talagang hindi! Dahil ang isang taong taimtim na nananabik sa pagpapakita ng Diyos at sumasalubong sa Kanyang pagdating ay umaasam sa pagpapakita ng tunay na liwanag, katotohanan at katuwiran na naghahari sa kanilang puso. Inaasam nila ang pagdating ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan at tulungan ang mga tao na ganap na makaalpas sa kasalanan upang mapadalisay at makamit ng Diyos. Ngunit yaong mga naghihintay lamang sa pagbaba ng Panginoon na sakay ng mga ulap ngunit ayaw tanggapin at tinatanggihan ang Makapangyarihang Diyos, lalo na ang mga relihiyosong pinuno na galit na galit na tinutuligsa at nilalabanan ang Makapangyarihang Diyos para protektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan—sila ay pawang mga taong namumuhi at napopoot sa katotohanan. Sila ay pawang mga walang-pananampalataya at anticristo na inilantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Matapos kumpletuhin ng nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang gawaing magligtas, mahuhulog ang mga taong ito sa minsan-sa-isang-milyong-taong kalamidad, umiiyak at nagngangalit ang kanilang mga ngipin. Pagkatapos ay ganap na matutupad ang propesiya ng pagbaba ng Panginoon na sakay ng mga ulap upang magpakita sa publiko: “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya” (Pahayag 1:7).
Tingnan natin kung ano ang sinasabi sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga taong hindi tumatanggap ng katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sa ibabaw ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang kategoryang wawasakin. Hinahangad lamang ninyo ang biyaya ni Jesus, at gusto lamang ninyong tamasahin ang napakaligayang dako ng langit, subalit hindi pa naman ninyo nasunod kailanman ang mga salitang sinambit ni Jesus, at hindi pa ninyo natanggap kailanman ang katotohanang ipinahayag ni Jesus kapag bumabalik Siya sa katawang-tao. Ano ang panghahawakan ninyo bilang kapalit ng katunayan ng pagbabalik ni Jesus na nasa ibabaw ng puting ulap? Ang kataimtiman ba ninyo sa paulit-ulit na paggawa ng mga kasalanan, at pagkatapos ay pangungumpisal ng mga iyon, nang paulit-ulit? Ano ang iaalay ninyong sakripisyo kay Jesus na nagbabalik sa ibabaw ng puting ulap? Ang mga taon ba ng paggawa na nagpapadakila sa inyong sarili? Ano ang panghahawakan ninyo para pagkatiwalaan kayo ng nagbalik na si Jesus? Ang inyo bang likas na kayabangan, na hindi sumusunod sa anumang katotohanan?
“… Sinasabi Ko sa inyo, tiyak na yaong mga naniniwala sa Diyos nang dahil sa mga palatandaan ay tiyak na nasa kategorya ng mga daranas ng pagkawasak. Yaong mga hindi kayang tumanggap sa mga salita ni Jesus na nagbalik na sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategorya na sasailalim sa walang-katapusang pagkawasak. Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri?” (“Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian