Ang Paghatol Ba sa Dakilang Puting Trono ay Para Lamang sa Di-Mananampalataya?
Sabi ng Pahayag 20:11–12, “At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.”
Kapag tinatalakay ang paghatol sa dakilang puting trono, maraming mga kapatid ang naniniwala base sa dalawang talatang ito ng Bibliya na ito ay para lamang sa mga di-mananampalataya na walang pananampalataya sa Diyos. Iniisip nila na kapag dumating ang katapusan ng mundo, hahatulan ng Panginoong Jesus ang bawat tao ayon sa kanilang mga gawa, at ang lahat ng mga di-mananampalataya ay kokondenahin at parurusahan. Gayunpaman, ang lahat ng mga mananampalataya ay pinatawad sapagkat kanila nang natanggap ang pagtubos ng Panginoong Jesus, kaya hindi na nila kinakailangan pang sumailalim sa paghatol, ngunit maaaring direktang makapasok sa kaharian ng langit. Ngunit ito ba talaga ang mangyayari? Ito ang magiging pokus ng ating fellowship ngayon.
Una, kailangan nating maging malinaw na ang dalawang talatang ito mula sa Aklat ng Pahayag ay mula sa isang pangitain na nakita ni Juan. Kung paano natutupad ang mga pangitain ay hindi isang bagay na lubos nating maipaliwanag batay sa literal na kahulugan ng banal na kasulatan. Ito ay isang bagay na tunay lamang nating mauunawaan pagkatapos magsimulang gumawa ng Diyos. Ang nasa isip ng Diyos ay napakalayo sa ating kakayahan bilang mga tao; Ang kanyang gawain ay kamangha-mangha at hindi maaarok, kaya hindi dapat natin ito limitahan batay sa ating sariling mga paniwala at haka-haka. Kung gayon, ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa gawain ng paghuhukom ng Diyos sa mga huling araw? Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Bibliya. “Sapagka’t Siya’y dumarating upang hatulan ang lupa: Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng karapatan ang mga bayan” (Awit 98:9). “At Siya’y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao” (Isaias 2:4). “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).
Ang mga propesiya na ito ay nagbabanggit ng mga bagay tulad ng “hahatulan ang sanlibutan,” “hahatulan ... ang mga tao,” “hahatol sa gitna ng mga bansa,” at “ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” Malinaw nating makikita mula rito na kapag ang Panginoon ay bumalik sa mga huling araw, dapat Niyang hatulan ang lahat ng mga bansa at lahat ng mga tao na may matuwid na disposisyon, hindi lamang upang hatulan ang mga di-mananampalataya, tulad ng naiisip natin. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nagsisimula sa bahay ng Diyos, na ilalahad sa pangkat ng mga tao na tumatanggap ng kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw. Ibig sabihin, kapag bumalik ang Diyos sa mga huling araw, ipapahayag Niya ang paraan ng paghatol, at ang lahat ng tumatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay mga tatanggap ng Kanyang paghatol, paglilinis, at ganap na kaligtasan. Ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos ay upang gumawa ng pangkat na ito ng mga mananagumpay bago ang kalamidad. Ito ang pangkat, ang “144,000 matagumpay na mga anak na lalaki,” sa propesiya ng Aklat ng Pahayag. Sila ang mga taong makakapasok sa kaharian ng langit at makakakuha ng buhay na walang hanggan, at ito ang katuparan ng propesiya sa Pahayag: “At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya’y isang daan at apat na pu’t apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo. At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa: At sila’y nangagaawitan na wari’y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu’t apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa. Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis” (Pahayag 14:1–5).
Ang ilan sa inyo ngayon ay maaaring magtaka, “Tayo ay nagkasala, ngunit umamin at nagsisi tayo sa Panginoon, at natubos ang ating mga kasalanan, kaya’t makakapasok tayo sa kaharian ng langit. Bakit kailangan natin din tanggapin ang paghatol ng Diyos?”
Bakit Kailangan Nating Tanggapin ang Paghatol ng Diyos Matapos na Matubos ang Ating mga Kasalanan?
Alam nating lahat na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus upang gawin ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, kaya’t pagkatapos tanggapin Siya bilang ating Tagapagligtas, kapag nagkasala tayo, maaari nating aminin sa Kanya, at pagkatapos ay tutubusin tayo mula sa mga kasalanang iyon. Kung gayon, hindi na tayo hahatulan ng kamatayan sa ilalim ng batas. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na hindi tayo likas na makasalanan, at lalo na hindi nangangahulugang tayo ay mga tao na sumusunod sa kalooban ng Diyos, na maaaring dumiretso lamang sa kaharian ng langit. Tingnan natin ang ilang mga sipi ng mga salita ng Diyos upang mas maunawaan ito. Sabi ng Diyos, “Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, nguni’t hindi ito nangangahulugan na ang tao ay walang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, nguni’t hindi magagawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago.” “Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao na namumuhay sa laman, at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang paghahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon.”
Makikita natin mula sa mga salita ng Diyos na ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay upang tubusin tayo sa ating mga kasalanan; ito ay dahil lamang sa hindi na aalalahanin ng Diyos ang ating mga kasalanan na lumalabag sa batas, ngunit sa katunayan, ang ating makasalanang kalikasan ay hindi pa natanggal. Hindi pa rin natin maiwasan kundi madalas na magkasala at labanan ang Panginoon. Isaalang-alang ang lahat ng mga sumusunod. Tayo ay nagdarasal at nagkukumpisal araw-araw, ngunit pagkatapos ay nagpapatuloy na gumawa ng kaparehong mga kasalanan, na walang kagatol-gatol na nagsisinungaling sa Diyos. Sa ating pakikihalubilo sa ibang tao, tuwing ang sinuman ay may sinasabi o ginagawang isang bagay na sumasaklaw sa ating sariling interes o ating dignidad, nagkakaroon tayo ng sama ng loob laban sa kanila at maaari ring maghiganti kapag nakakuha tayo ng pagkakataon. Kapag nakikita natin na ang isang mangangaral ay mahusay na maghahatid ng mga sermon, nagsisimula tayong tularan sila at kapag nakatagpo tayo ng isang isyu, sa halip na manalangin at maghanap sa Diyos, hinahanap natin ang taong iyon upang malutas ito. Nakikinig tayo sa anumang sasabihin nila, di mahalaga kung nagtataglay man ito ng katotohanan o hindi. Ito ay tiyak na pagsamba sa isang idolo. Higit sa lahat, sa sandaling nakakuha tayo ng isang posisyon sa simbahan, wala tayong pakialam sa sinumang iba o kahit na ang Diyos, ngunit ginagamit lamang ang ating kapangyarihan nang walang pakundangan, na hinihingi na makinig sa atin ang mga kapatid. Nagagalit tayo at naiinis sa sinumang hindi makinig sa atin at kung minsan ay tinitira at tinututulan sila. Kapag nakatagpo tayo ng ilang mga hindi kanais-nais na bagay tulad ng natural at kagagawan ng tao na mga sakuna, nabubuo pa rin sa atin ang mga hinaing, hindi pagkakaunawaan at sinisisi ang Diyos, at maaaring maging nasa panganib nalumayo mula sa Diyos. Nagpapatuloy ang listahan. Lahat tayo ay ginagawa ang mga ganitong uri ng mga bagay sa isang tiyak na lawak. Ipinapakita nito na sa ating pananampalataya, pasalita lamang natin na kinikilala ang pangalan ng Diyos ngunit hindi tayo sumusunod sa landas ng Panginoon. Katulad lamang tayo ng tinukoy ng Panginoong Jesus nang sinabi Niya, “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita.” Ang Diyos ay matuwid at banal, kaya natural ang kaharian ng langit ay banal din, at walang marumi ang maaaring manatili sa loob nito. Ito ay tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34–35). Ang disposisyon ng Diyos ay hindi magpapahintulot sa anumang pagkakasala. Yaong sa atin na hindi sumusunod sa mga salita ng Diyos ay puno ng tiwaling disposisyon at lahat ng mga tagapaglingkod ng kasalanan, kaya paano tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit? Ang Diyos ay tapat; Inililigtas Niya ang sangkatauhan, at sa gayon ay ililigtas Niya ang buong sangkatauhan. Ito ang dahilan kung bakit nagpropesiya ang Diyos ng isa pang yugto ng gawain ng paghatol sa mga huling araw alinsunod sa kung ano ang kailangan nating tiwaling tao, at alinsunod sa Kanyang sariling plano sa paggawa. Ito ay upang lubusang linisin tayo sa ating katiwalian upang tayo ay maging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Tulad ng sinasabi ng propesiya sa Bibliya: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). Makikita natin dito na kapag ang Panginoon ay bumalik sa mga huling araw Siya ay magpapahayag ng mga katotohanan, upang gawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Ito ang dakilang puting trono ng paghuhukom na binanggit sa Aklat ng Pahayag. Ito ay upang lubusang linisin tayo sa ating mga kasalanan at payagan na mabago ang ating mga tiwaling disposisyon, upang maaari tayong maging mga tao na tunay na nagpapasakop at nagmamahal sa Diyos, at sa gayon ay maaari nating matanggap ang buong kaligtasan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga para sa atin na tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, kaya upang maaari tayong ganap na maligtas at makapasok sa kaharian ng langit!
Ang Cristo ng mga Huling Araw ay Sinimulan Na ang Paghatol sa Dakilang Puting Trono
Ang mga larawan ng malaking sakuna ay nangyari na: Ang apat na blood moons ay matagal ng lumitaw; nagkaroon ng kakaibang mga selestiyal na palatandaan; nagkaroon ng mga lindol, mga pagbaha, at salot na mga balang sa buong mundo; ang 2019 Covid-19 ay lumaganap sa buong mundo sa loob lamang ng dalawang maikling buwan. Ang mga propesiya ng Panginoong Jesus tungkol sa mga tanda ng Kanyang pagbabalik ay naganap na: “Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan” (Mateo 24: 7–8). Kaya, bumalik na nga ba ang Panginoon upang isagawa ang gawain ng paghatol? Sa katunayan, matagal ng bumalik ang Panginoong Jesus—Siya ang nagkatawang-taong Cristo, ang Makapangyarihang Diyos. Nagsimula Siyang bumigkas ng mga salita noong 1991, sa gayon nagsimula ang paghatol sa dakilang puting trono, gamit ang Kanyang mga salita upang hatulan at linisin ang bawat isang tagasunod ng Makapangyarihang Diyos. Kung ganoon, paano talaga isinasagawa ng Cristo ng mga huling araw ang gawain ng paghatol?
Sabi ng Diyos, “Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.”
Makikita natin dito na ang Diyos na isinasagawa ang gawain ng paghatol ay hindi lamang nagpapahayag ng ilang mga sipi ng Kanyang mga salita o nagsasabi ng ilang mga bagay upang pagsabihan ang mga tao, ngunit ipinapahayag nito ang lahat ng mga katotohanan na nagpapahintulot sa atin, mga tao, na makamit ang buong kaligtasan. Kasama dito kung paano pinapatiwali ni Satanas ang sangkatauhan, kung anong uri ng mga tiwaling disposisyon na kumokontrol sa atin sa paglaban natin sa Diyos, kung paano natin dapat iakma ang ating kasanayan upang magpasakop at mahalin ang Diyos, kung kanino ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang galit at kung sino ang binibigyan Niya ng awa. Ang mga katotohanang ito ang pangunahin sa paghatol at paglalantad ng katiwalian ng sangkatauhan. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos makikita natin ang katotohanan ng ating katiwalian ni Satanas, mauunawaan ang ugat ng ating pagkakasala at paglaban sa Diyos, at makita kung paano tayo naging imoral sa pamamagitan ng pagpapatiwali ni Satanas—wala tayong anumang pagkakatulad sa tao, at mayroon tayong mga satanikong disposisyon tulad ng pagiging puno ng kayabangan at pagpapahalaga sa sarili, pagiging tuso at mapanlinlang, pati na rin ang pagkamakasarili at kasuklam-suklam. Ang ating mga gawa ay kasuklam-suklam sa Diyos at hindi rin tayo karapat-dapat na tawaging tao, o hindi rin tayo nararapat para sa pagliligtas ng Diyos. Pagkatapos lamang na tanggapin ang gawaing ito maaari tayong bumuo ng isang puso na may tunay na pagsisisi at maging handa na tanggapin ang higit pa sa mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, sa gayon nakakamit ang lubusang pagdadalisay at pagbabago. Sa pamamagitan ng pagdanas sa paghatol ng mga salita ng Diyos maaari din nating matikman ang matuwid, dakilang disposisyon ng Diyos na hindi tumatanggap ng pagkakasala, maunawaan ang saloobin ng Diyos sa mga positibo at negatibong mga bagay, at higit na madama na ang pagkamatuwid ng Diyos ay naglalaman ng Kanyang awa at pagtitiis sa atin. Makikita natin ang maganda, mabait na kakanyahan ng Diyos, na nagagawa tayo na handang magsisi sa Kanya at isinasagawa ang Kanyang mga salita upang matupad ang Kanyang mga kinakailangan. Marami na ngayong mga kapatid na dumaan sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at nakakuha ng ilang totoong pag-unawa sa Diyos. Ang kanilang mga pananaw sa buhay at kanilang mga pagpapahalaga ay nagsimulang magbago, at nagagawa nilang magsanay ng ilan sa mga katotohanan. Ang kanilang mga disposisyon sa buhay ay nagbago din sa iba’t ibang antas. Ito ay nakamit lahat sa pamamagitan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kaya, kung tatanggapin natin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay makikita natin ang katotohanan ng ating katiwalian ni Satanas, makikilala ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at makakabuo ng pusong may paggalang sa Diyos. Ito ang tanging paraan upang unti-unting maiwaksi ang mga gapos ng kasalanan, madalisay, at maging mga taong tunay na nagpapasakop at sumasamba sa Diyos. Ang mga mananagumpay sa huli ay ginagawa sa pamamagitan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay sila ring mga nalinis ang mga tiwaling disposisyon at tunay na nagpapasakop sa Diyos, tulad ng ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag. “At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya’y isang daan at apat na pu’t apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo. … Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis” (Pahayag 14:1, 4–5). Gayunpaman, ang mga masasamang lingkod na iyon, mga antikristo, at lahat ng iba pa na gumagawa ng kasamaan at lumalaban sa Diyos, na hindi tinatanggap ang paghatol ni Cristo sa mga huling araw habang isinasagawa ng Diyos ang gawain ng mga salita, na ang katiwalian ay hindi nalinis at nabago, at kumukondena kay Cristo sa mga huling araw, ay mailalantad bilang mga panirang damo, bilang mga masasamang lingkod. Matapos gawin ng Diyos ang grupo ng mga mananagumpay, ang mga gumagawa ng masasama ay ibababa sa malaking sakuna ng Diyos—ang sakuna ng paghatol, ang pagdating ng katotohanan.
Sa ngayon ay lubusang nauunawaan natin na kapag ang Diyos ng mga huling araw ay nagpapahayag ng katotohanan, ito ang simula ng paghatol sa dakilang puting trono sa mga huling araw na ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag. Una nang ginamit ng Diyos ang Kanyang mga salita upang dalisayin at ganap na mailigtas ang bawat taong sumusunod sa mga yapak ng Kordero. Matapos gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay, Siya ay magpapaulan ng mga sakuna upang parusahan at puksain ang masama, maruming mundo na ito, at pagkatapos lamang nito ay magsisimula Siyang magpakita sa lahat ng sangkatauhan. Kung gayon ang gawain ng paghatol ng Diyos ay matatapos na, at ang kaharian ng Diyos ay lilitaw sa mundo. Ibig sabihin, para sa pangkat na ito ng mga tao na tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ang paghatol ay ginagawa sa pamamagitan ng mga salita, at ito ay upang linisin at mailigtas ang sangkatauhan. Ngunit para sa mga hindi naniniwala at mga lumalaban sa Diyos, ang katotohanan ng paghatol ay darating sa kanila sa pamamagitan ng mga lindol, mga taggutom, mga salot, at iba pang mga sakuna; ito ay upang parusahan at mapuksa ang sangkatauhan. Malinaw na ang dakilang puting trono na paghatol sa mga huling araw ay isang pagpapala para sa mga nagpupursige at tumatanggap ng katotohanan—ito ay kaligtasan. Gayunpaman, para sa mga gumagawa ng kasamaan at lumalaban sa Diyos, nagdadala ito ng pagbubunyag at pag-aalis.
Naniniwala ka pa ba na ang dakilang puting trono na paghatol sa mga huling araw ay para lamang sa paghatol ng mga hindi mananampalataya? Matapos basahin ang artikulong ito, paano sa palagay mo dapat pakitunguhan ang gawain ng paghatol ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik?