Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 337

807 2020-08-30

Ako ay nagsagawa at nagsalita sa ganitong paraan kasama ninyo, Ako ay gumugol ng napakaraming lakas at pagsisikap, ngunit kailan ba kayo nakinig sa mga malinaw Kong sinasabi? Saan kayo yumukod sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat? Bakit ninyo Ako tinatrato nang ganito? Bakit lahat ng inyong sinasabi at ginagawa ay pinupukaw ang Aking galit? Bakit napakatigas ng inyong mga puso? Pinabagsak Ko ba kayo kahit minsan? Bakit wala kayong magawa kundi gawin Akong nalulungkot at nababalisa? Hinihintay ba ninyo ang araw ng poot Ko, si Jehova, na dumating sa inyo? Hinihintay ba ninyo na ipadala Ko ang galit na pinukaw ng inyong pagsuway? Hindi ba ang lahat ng Aking ginagawa ay para sa inyo? Ngunit laging ang turing ninyo sa Akin, si Jehova, ay ganito: ninanakaw ang Aking mga alay, kinukuha ang mga handog sa Aking altar pauwi upang pakainin ang mga anak at apo sa loob ng tirahan ng lobo; lumalaban sa isa’t isa ang mga tao, humaharap sa isa’t-isa na may galit sa mga mata at mga tabak at sibat, itinatapon ang mga salita Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, sa palikuran upang maging kasing-dungis ng dumi. Nasaan ang inyong integridad? Ang inyong pagkatao ay naging kahayupan! Ang inyong mga puso ay matagal nang naging bato. Hindi ba ninyo alam na kung dumating ang araw ng Aking galit ay kung kailan Ko hahatulan ang masasamang ginawa ninyo sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat, ngayon? Akala ba ninyo na sa pamamagitan ng panlilinlang ninyo sa Akin sa ganitong paraan, sa pagtapon ng Aking mga salita sa putikan at hindi pagdinig sa mga ito—naiisip ba ninyo na sa pamamagitan ng pagkilos nang ganito sa Aking likuran kayo ay makatatakas sa Aking nagngangalit na tingin? Hindi ba ninyo alam na kayo ay nakita na ng mga mata Ko, si Jehova, nang ninakaw ninyo ang Aking mga alay at pinagnasaan ang Aking mga pag-aari? Hindi ba ninyo alam na noong ninakaw ninyo ang Aking mga alay, ito ay sa harapan ng altar kung saan ang mga alay ay inihandog? Paano ninyo nagawang paniwalaan na sapat ang inyong katusuhan para malinlang Ako nang ganoon na lang? Paano ba maaalis ang Aking nagngangalit na poot sa inyong mga karumal-dumal na kasalanan? Paano ba palalampasin ng Aking ngitngit ang inyong masasamang gawain? Ang kasamaan na inyong ginagawa ngayon ay hindi magbibigay ng daang palabas para sa inyo, bagkus ito ay mag-iipon ng pagkastigo para sa inyo sa kinabukasan; ito ay pinupukaw ang pagkastigo mula sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat, patungo sa inyo. Paano makatatakas ang inyong masasamang gawain at masasamang salita sa Aking pagkastigo? Paano makararating ang inyong mga panalangin sa Aking mga tainga? Paano Ako magbubukas ng labasan para sa inyong di-pagkamatuwid? Paano Ko pababayaan ang inyong masasamang gawain na pagsasalungat sa Akin? Paano Ko hindi puputulin ang inyong mga dilang makamandag kagaya ng sa ahas? Hindi kayo tumatawag sa Akin para sa kapakanan ng inyong pagkamatuwid, bagkus iniipon ang Aking galit dahil sa inyong di-pagkamatuwid. Paano Ko kayo mapapatawad? Sa mga mata Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, ang inyong mga salita at kilos ay marungis. Ang mga mata Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, ay nakikita ang inyong di-pagkamatuwid bilang walang tigil na pagkastigo. Paano maaalis ang Aking matuwid na pagkastigo at paghatol sa inyo? Dahil ginagawa ninyo ito sa Akin, ginagawa Akong malungkot at napopoot, paano Ko papayagang makawala kayo sa Aking mga kamay at mahiwalay sa araw na Ako, si Jehova, ay kastiguhin at isumpa kayo? Hindi ba ninyo alam na ang lahat ng masasama ninyong salita at binigkas ay nakarating na sa Aking mga tainga? Hindi ba ninyo alam na ang inyong di-pagkamatuwid ay dinungisan na ang Aking banal na balabal ng pagkamatuwid? Hindi ba ninyo alam na ang inyong pagsuway ay nakapukaw na sa Aking matinding galit? Hindi ba ninyo alam na noon pa ninyo Ako iniwang nagngingitngit, at noon pa ninyo sinusubukan ang Aking pasensiya? Hindi ba ninyo alam na nasira ninyong parang basahan ang Aking katawan? Nagtiis Ako hanggang ngayon, anupat pinakakawalan Ko ang Aking galit, hindi na nagiging mapagparaya sa inyo kailanman. Hindi ba ninyo alam na ang inyong masasamang gawain ay nakarating na sa Aking mga mata, at ang Aking mga hinagpis ay narinig na ng Aking Ama? Paano Niya papayagang gawin ninyo ito sa Akin? Hindi ba ang Aking mga ginawa ay para sa inyong kapakanan? Ngunit sino sa inyo ang naging mas mapagmahal sa gawain Ko, si Jehova? Ako ba ay magiging di-tapat sa kalooban ng Aking Ama dahil marupok Ako, at dahil sa pighating napagdusahan Ko? Hindi ba ninyo nauunawaan ang Aking puso? Kinakausap Ko kayo gaya ng ginawa ni Jehova; hindi ba Ako maraming tinalikuran para sa inyo? Kahit na Ako ay nakahanda na pasanin ang lahat ng mga pagdurusang ito para sa kapakanan ng gawain ng Aking Ama, paano kayo makaliligtas sa pagkastigo na Aking ipapataw sa inyo dahil sa Aking pagdurusa? Hindi ba ninyo Ako natamasa nang sobra-sobra? Ngayon, Ako ay ipinagkaloob sa inyo ng Aking Ama; hindi ba ninyo alam na mas marami kayong natatamasa kaysa sa Aking mapagbiyayang mga salita? Hindi ba ninyo alam na ang Aking buhay ay ipinagpalit sa inyong buhay at sa mga bagay na inyong kinalulugdan? Hindi ba ninyo alam na ginamit ang buhay Ko ng Aking Ama upang labanan si Satanas, at ipinagkaloob din Niya ang Aking buhay sa inyo, upang matanggap ninyo ito nang makasandaang beses, at pinayagang makaiwas kayo sa napakaraming tukso? Hindi ba ninyo alam na sa pamamagitan lamang ng Aking gawain kayo ay nakalaya sa maraming tukso, at sa maraming nagliliyab na kaparusahan? Hindi ba ninyo alam na dahil lamang sa Akin na pinayagan kayo ng Aking Ama na magsaya hanggang sa ngayon? Paano nananatiling matigas ang inyong mga puso ngayon, na parang naging manhid na? Sa paanong paraan ang inyong mga masamang ginawa ngayon ay makatatakas sa araw ng poot na susunod sa Aking pag-alis sa lupa? Paano Ko papayagan silang napakatigas ang puso na makaligtas sa galit ni Jehova?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Walang Sinumang May Katawan ang Makakatakas sa Araw ng Poot

Mag-iwan ng Tugon