Ang ilang tao ay ’di nagagalak sa katotohanan, lalo na sa paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at kayamanan; ang mga taong ito ay pinaniniwalaang mga magpagmataas na tao. Hinahanap lamang nila ang mga sekta sa mundo na may impluwensya at ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Sa kabila ng pagtanggap ng daan ng katotohanan, nananatili silang may pagaalinlangan at hindi nila mailaan ang kanilang mga sarili nang lubusan. Sila ay nagsasalita ng pagsasakripisyo para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatitig sa mga dakilang pastor at mga guro, at si Cristo ay isinantabi. Ang kanilang mga puso ay punong-puno ng kasikatan, kayamanan at karangalan. Talagang hindi sila naniniwala na ang isang ganoong kahinang tao ay may kakayahan ng panlulupig sa karamihan, na ang isang hindi kapansin-pansin ay may kakayahang gawing perpekto ang mga tao. Talagang hindi sila naniniwala na itong mga walang saysay na taong kasama sa mga alikabok at mga tambak na dumi ay ang mga taong pinili ng Diyos. Sila ay naniniwala na kung ang mga tulad ng mga taong ito ang layunin ng kaligtasan ng Diyos, kung ganoon ang langit at lupa ay mababaliktad at lahat ng tao ay magtatawanan nang malakas. Sila ay naniniwala na kung pinili ng Diyos ang gayong walang saysay na mga tao na maging perpekto, kung ganoon ang mga dakilang taong iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang kanilang mga pananaw ay nababahiran ng di-pananampalataya, sa katunayan, sa halip na di-pananampalataya, ang mga ito ay malaking kahibangang mga halimaw. Sapagkat ang pinahahalagahan lamang nila ay posisyon, reputasyon at kapangyarihan; kanilang pinaguukulan ng mataas na pagpapahalaga ang mga malalaking grupo at mga sekta. Talagang wala silang pagsasaalang-alang para sa mga pinangungunahan ni Cristo; sila ay mga traydor lamang na tumalikod kay Cristo, sa katotohanan, at sa buhay.
Hindi ang kababaang-loob ni Cristo ang iyong hinangaan, kundi ang mga huwad na pastol na may prominenteng katayuan. Hindi mo minamahal ang pagiging kaibig-ibig o karunungan ni Cristo, kundi ang mga walang pakundangang nauugnay sa malaswang mundo. Tinatawanan mo ang mga pasakit ni Cristo na walang lugar para pagpatungan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan ang mga bangkay na kumakamkam ng mga pag-aalay at namumuhay sa kahalayan. Ikaw ay hindi handang magdusa sa tabi ni Cristo, kundi masayang pumupunta sa mga bisig ng mga walang taros na mga anticristo bagama’t tinutustusan ka lamang ng laman, mga letra at pagkontrol. Kahit ngayon, tumatalima patungo sa mga ito ang iyong puso, sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan sa puso ng mga Satanas, sa kanilang impluwensya, at sa kanilang awtoridad, ngunit patuloy kang nagkakaroon ng saloobin ng paglaban at hindi pagtanggap sa gawain ni Cristo. Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na wala kang pananampalataya ng pagkilala kay Cristo. Ang dahilan ng pagsunod mo sa Kanya magpahanggang ngayon ay sa kadahilanang ikaw ay pinilit. Namumukod magpakailanman sa puso mo ang matatayog na mga larawan; di mo makalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, maging ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at gawa. Nasa puso ninyo sila, kataas-taasan magpakailanman at mga bayani magpakailanman. Ngunit ito ay hindi para sa Cristo sa panahong ito. Siya ay walang kabuluhan magpakailanman sa iyong puso at di-karapat-dapat sa paggalang magpakailanman. Sapagka’t Siya ay napaka-karaniwan, may lubhang napakaliit na impluwensya, at malayo sa napakatayog.
Magkagayunman, masasabi Ko na lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay lahat mga di-mananampalataya at mga taksil sa katotohanan. Ang mga ganitong tao ay hindi kailanman makatatanggap ng papuri ni Cristo. Napagtanto mo na ba ngayon kung gaano ang di-pananampalatayang nasa kalooban mo? At gaano ang pagtataksil kay Cristo? Ikaw ay Aking pinapayuhan nang ganito: Dahil pinili mo ang daan tungo sa katotohanan, dapat mong ilaan ang iyong sarili nang buong puso; huwag maging bantulot o panghinaan ng loob. Dapat mong maintindihan na ang Diyos ay hindi kabilang sa mundo o sinumang tao, ngunit sa lahat ng mga totoong nanampalataya sa Kanya, sa lahat ng sumasamba sa Kanya, at lahat ng mapagmahal at tapat sa Kanya.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?