Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 346

971 2020-09-01

Kung ang napakalawak na gawain, at napakaraming mga salita, ay hindi tumalab sa iyo, kung gayon kapag dumating ang panahon upang ipalaganap ang gawain ng Diyos hindi mo magagampanan ang iyong tungkulin, at mapapahiya at hahamakin. Sa panahong iyon, madarama mo na napakalaki ang utang mo sa Diyos, na ang iyong kaalaman sa Kanya ay napakababaw. Kung hindi mo hinahabol ang kaalaman sa Diyos ngayon, habang Siya ay gumagawa, kung gayon sa dako pa roon ay magiging masyadong huli na. Sa katapusan, ikaw ay walang kaalamang masasabi—ikaw ay maiiwang hungkag, wala kahit ano. Ano nga, kung gayon, ang iyong gagamitin upang magsulit sa Diyos? Mayroon ka bang lakas-ng-loob na tumingin sa Diyos? Kailangan mong maging masigasig ngayon sa iyong paghahabol, upang sa katapusan, tulad ni Pedro, malalaman mo kung gaano kapakipakinabang ang pagkastigo at paghatol ng Diyos sa tao, at kung wala ang Kanyang pagkastigo at paghatol, ang tao ay hindi maililigtas, at lulubog lamang nang higit na malalim tungo rito sa maruming lupain, higit na malalim tungo sa putikan. Ang mga tao ay ginawang tiwali ni Satanas, naggagamitan laban sa isa’t isa at nagtatapakan sa isa’t isa, nawalan ng kanilang takot sa Diyos, at ang kanilang pagkamasuwayin ay napakatindi, ang kanilang mga pagkaintindi ay napakarami, at ang lahat ay kabilang kay Satanas. Kung wala ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, ang tiwaling disposisyon ng tao ay hindi malilinis at siya ay hindi maililigtas. Kung ano ang inihahayag ng gawain ng Diyos na naging tao sa katawan ay tiyak na yaong inihayag ng Espiritu, at ang gawain na Kanyang ginagawa ay isinasakatuparan ayon doon sa ginagawa ng Espiritu. Ngayon, kung wala kang kaalaman tungkol sa gawaing ito, kung gayon ikaw ay napakahangal at napakalaki ang nawala sa iyo! Kung hindi mo natamo ang pagliligtas ng Diyos, kung gayon ang iyong pananampalataya ay isang relihiyosong paniniwala, at ikaw ay isang Kristiyanong nasa relihiyon. Dahil ikaw ay nanghahawakan sa patay na doktrina, naiwala mo ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; ang iba, na naghahabol sa pag-ibig ng Diyos, ay nakamtan ang katotohanan at buhay, samantalang ang iyong pananampalataya ay hindi kayang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos. Sa halip, ikaw ay naging manggagawa ng kasamaan, isang taong gumagawa ng nakasisira at nakasusuklam na mga gawa, ikaw ay naging tampulan ng mga panunuya ni Satanas, at isang alipin ni Satanas. Ang Diyos ay hindi dapat paniwalaan ng tao, kundi ibigin niya, habulin at sambahin niya. Kung hindi ka naghahabol ngayon, kung gayon ay darating ang araw kung kailan sasabihin mo, “Kung nasunod ko lamang ang Diyos nang wasto at binigyang-kasiyahan Siya nang wasto. Kung naghabol lamang ako para sa mga pagbabago sa aking disposisyon sa buhay. Gaano ang aking pagsisisi sa hindi ko pagpapasakop sa Diyos noon, at sa hindi ko paghahabol na makamit ang kaalaman ng salita ng Diyos. Napakarami ang sinabi ng Diyos noon; bakit hindi ako naghabol? Ako ay napakatanga!” Kapopootan mo ang iyong sarili sa isang tiyak na punto. Ngayon, hindi mo paniniwalaan ang mga salitang Aking sinasabi, at hindi mo binibigyang-pansin ang mga iyon; kapag dumating na ang araw para ang gawaing ito ay lumaganap, at nakita mo ang kabuuan nito, magsisisi ka, at sa sandaling yaon ikaw ay matitigilan. Mayroong mga pagpapala, gayunma’y hindi mo alam kung paano magtamasa sa mga yaon, at naroon ang katotohanan, gayunma’y hindi mo ito hinahabol. Hindi ka ba nagdadala ng sumpa sa iyong sarili? Ngayon, bagaman magsisimula pa lamang ang susunod na hakbang sa gawain ng Diyos, walang anumang katangi-tangi tungkol sa mga hinihingi sa iyo at sa kung ano ang ipinasasabuhay sa iyo. Napakalaki ang gawain, at napakarami ang mga katotohanan; ang mga yaon ba ay hindi karapat-dapat na malaman mo? Hindi ba kayang gisingin ng pagkastigo at paghatol ng Diyos ang iyong espiritu? Hindi ba kaya ng pagkastigo at paghatol ng Diyos na tulutan kang kamuhian ang iyong sarili? Sapat na ba sa iyo na mamuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, may kapayapaan at kagalakan, at kaunting makalamang kaginhawahan? Hindi ba’t ikaw ang pinakamababa sa lahat ng mga tao? Wala nang hihigit pa ang kamangmangan kaysa mga yaong nakakita sa kaligtasan nguni’t hindi hinahabol na makamit ito: Sila ay mga taong nagpapakabusog sa laman at nasisiyahan kay Satanas. Umaasa ka na ang iyong pananampalataya sa Diyos ay hindi magsasanhi ng anumang mga pagsubok o mga kapighatian, o ng kahit katiting na paghihirap. Lagi mong hinahabol ang mga bagay na walang-halaga, at hindi mo pinahahalagahan ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong sariling matataas na mga kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw nga ay walang-halaga! Nabubuhay ka na parang isang baboy—ano nga ba ang pagkakaiba sa pagitan mo, at ng mga baboy at mga aso? Hindi ba’t lahat niyaong mga hindi naghahabol sa katotohanan, at sa halip ay iniibig ang laman, ay mga hayop? Hindi ba’t lahat niyaong mga taong patay na walang mga espiritu ay lumalakad na mga bangkay? Gaano na karaming salita ang nasambit sa gitna ninyo? Kaunting trabaho lamang ba ang nagawa sa gitna ninyo? Gaano na karami ang naipagkaloob Ko sa inyo? At bakit hindi mo ito nakamit? Ano ang iyong mairereklamo? Hindi ba’t wala kang natamo dahil sa iyong labis na pag-ibig sa laman? At hindi ba’t dahil ito sa iyong mga kaisipan na masyadong mataas? Hindi ba’t dahil ito sa ikaw ay napakahangal? Kung hindi mo kayang matamo ang mga pagpapalang ito, masisisi mo ba ang Diyos sa hindi pagliligtas sa iyo? Ang iyong hinahabol ay para matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos—upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang-lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak-na-lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak-na-babae ay makatagpo ng disenteng asawang-lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng mabuting panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunma’y hindi ka naghahabol. Hindi ba isa ka sa mga yaong naniniwala sa Diyos? Ipinagkakaloob ko ang tunay na pantaong buhay sa iyo, gayunma’y hindi ka naghahabol. Hindi ba’t hindi ka naiiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahabol ng buhay ng tao, hindi nila hinahabol na malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawa’t araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay ko na sa iyo ang tamang daan, gayunma’y hindi mo ito nakamtan: Wala kang pag-aari. Payag ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano nga ba ang kahalagahan ng mga gayong tao na nabubuhay? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi ka naghahabol ng anumang layunin; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas-ng-loob na tumingin sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas nang ganito, hindi ba’t wala kang matatamo? Ang tamang daan ay naibigay na sa iyo, nguni’t kung makakamit mo ito sa kasukdulan o hindi ay nakasalalay sa iyong pansariling paghahabol.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Mag-iwan ng Tugon