Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 66

668 2020-08-21

Naghahari Ako sa kaharian, at, bukod dito, naghahari Ako sa buong sansinukob; Ako’y kapwa Hari ng kaharian at Pinuno ng sansinukob. Mula sa oras na ito, titipunin Ko ang lahat ng mga hindi hinirang at magsisimula ng gawain Ko sa gitna ng mga Gentil, at ibabalita Ko ang mga atas administratibo Ko sa buong sansinukob, upang matagumpay Kong masimulan ang susunod na hakbang ng gawain Ko. Gagamit Ako ng pagkastigo upang ipalaganap ang Aking gawain sa mga Gentil, ibig sabihin, gagamit Ako ng puwersa laban sa lahat ng Gentil. Natural, ang gawaing ito ay isasakatuparan kasabay ng Aking gawain sa mga hinirang. Kapag naghahari at nagka-kapangyarihan sa lupa ang mga hinirang Ko, iyon din ang magiging araw na nalupig na ang lahat ng mga tao sa lupa, at bukod dito, ito ang magiging oras kung kailan mamamahinga Ako—at doon lamang Ako magpapakita sa lahat ng mga nalupig na. Nagpapakita Ako sa banal na kaharian, at itinatago ang sarili Ko mula sa lupain ng karumihan. Ang lahat ng nalupig na at nagiging masunurin sa harapan Ko ay nagagawang makita ang mukha Ko gamit ang kanilang sariling mga mata, at nagagawang marinig ang tinig Ko gamit ang kanilang sariling mga tainga. Ito ang pagpapala ng mga ipinanganak habang nasa mga huling araw, ito ang pagpapalang itinalaga Ko, at hindi ito mababago ng sinumang tao. Ngayon, gumagawa Ako sa ganitong paraan para sa kapakanan ng gawain ng kinabukasan. Magkakaugnay ang lahat ng gawain Ko, sa lahat ng ito, may isang panawagan at pagtugon: Hindi kailanman na biglang tumigil ang anumang hakbang, at hindi kailanman na naisakatuparan ang anumang hakbang nang malaya sa anumang iba pa. Hindi ba ito ganoon? Hindi ba ang gawain ng nakalipas ang saligan ng gawain ng kasalukuyan? Hindi ba ang mga salita ng nakalipas ang pauna sa mga salita ngayon? Hindi ba ang mga hakbang ng nakalipas ang pinagmulan ng mga hakbang ng kasalukuyan? Kapag pormal Ko nang binuksan ang balumbon, iyon ang panahon kung kailan kakastiguhin ang mga tao sa buong sansinukob, kapag isinasailalim ang mga tao sa buong mundo sa mga pagsubok, at ito ang rurok ng gawain Ko; namumuhay ang lahat ng mga tao sa isang lupaing walang liwanag, at namumuhay ang lahat ng mga tao sa gitna ng mga banta ng kapaligiran nila. Sa madaling salita, ito ang buhay na hindi pa kailanman naranasan ng tao mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, at walang sinuman sa buong mga kapanahunan ang kailanma’y “nagtamasa” sa ganitong uri ng buhay, kaya naman sinasabi Kong nagawa Ko na ang gawaing hindi pa kailanman nagawa. Ito ang tunay na kalagayan ng mga pangyayari, at ito ang panloob na kahulugan. Sapagkat papalapit na ang araw Ko sa buong sangkatauhan, sapagkat hindi ito mukhang malayo ngunit nasa mismong harapan ng mga mata ng tao, sino ang hindi matatakot bilang bunga? At sino ang hindi matutuwa dito? Sa wakas, ang maruming lungsod ng Babilonia ay dumating na sa katapusan nito; ang tao ay nakipagtagpo nang muli sa isang bagong mundo, at ang langit at lupa ay binago na at pinanariwa.

Kapag nagpapakita Ako sa lahat ng mga bansa at sa lahat ng mga tao, umiikot ang mga puting ulap sa himpapawid at binabalot Ako. Ganoon din na umaawit at sumasayaw sa galak para sa Akin ang mga ibon sa lupa, na binibigyang diin ang kalagayan ng kapaligiran sa lupa, at sa gayon ay nagiging sanhi na sumigla ang lahat ng mga bagay sa lupa, upang hindi na “dahan-dahang maanod pababa,” kundi sa halip ay mamuhay sa gitna ng kapaligirang puno ng kasiglahan. Kapag nasa gitna Ako ng mga ulap, malamlam na nawawari ng tao ang mukha Ko at ang mga mata Ko, at nakararamdam siya ng bahagyang pagiging matatakutin sa oras na ito. Noong nakalipas, nakarinig na siya ng mga tala ng kasaysayan tungkol sa Akin sa mga alamat, at dahil dito siya’y bahagyang naniniwala lamang at bahagyang nagdududa sa Akin. Hindi niya alam kung nasaan Ako, o kung gaano kalaki ang mukha Ko—kasinglapad ba ito ng dagat, o kasingwalang hangganan ng mga luntiang pastulan? Walang sinuman ang nakaaalam ng mga bagay na ito. Kapag nakikita lamang ngayon ng tao ang mukha Ko sa mga ulap na nakararamdam ang tao na tunay ang Ako ng alamat, at kaya naman nagiging bahagya siyang higit na umaayon sa Akin, at dahil lamang ito sa mga gawa Ko kaya nagiging higit ng bahagya ang paghanga niya sa Akin. Ngunit hindi pa rin Ako kilala ng tao, at nakikita lamang niya sa mga ulap ang isang bahagi Ko. Pagkatapos noon, iuunat Ko ang mga bisig Ko at ipakikita ang mga iyon sa tao. Namamangha ang tao, at itinatakip ang mga kamay niya sa bibig niya, takot na takot na mahampas ng kamay Ko, at kaya naman nagdadagdag siya ng kaunting paggalang sa paghanga niya. Ipinipirmi ng tao ang mga mata niya sa bawat kilos Ko, labis na natatakot na hahampasin Ko siya kapag hindi siya nakatingin—subalit hindi Ako nalilimitahan dahil sa pinapanood Ako ng tao, at patuloy Kong ginagampanan ang gawaing nasa mga kamay Ko. Sa lahat lamang ng mga gawang ginagampanan Ko na nagkakaroon ng kaunting kabaitan ang tao tungo sa Akin, at sa gayon unti-unting dumarating sa harap Ko para makisama sa Akin. Kapag nabubunyag Ako sa tao sa kabuuan Ko, makikita ng tao ang mukha Ko, at mula doon ay hindi Ko na itatago o palalabuin pa ang Sarili Ko mula sa tao. Sa buong sansinukob, magpapakita Ako nang hayag sa lahat ng mga tao, at lahat ng mga nasa laman at dugo ay mapagmamasdan ang lahat ng mga gawa Ko. Lahat ng mga nasa espiritu ay tiyak na mananahan nang payapa sa sambahayan Ko, at siguradong magtatamasa ng kamangha-manghang mga pagpapala kasama Ko. Lahat ng mga kinakalinga Ko ay tiyak na makatatakas sa pagkastigo at tiyak na makaiiwas sa hapdi sa espiritu at sa paghihirap ng laman. Magpapakita Ako nang hayag sa lahat ng mga tao at maghahari at gagamit ng kapangyarihan, upang hindi na lumaganap pa sa sansinukob ang amoy ng mga bangkay; sa halip, lalaganap ang sariwa Kong samyo sa buong mundo, sapagkat papalapit na ang araw Ko, gumigising ang tao, maayos ang lahat-lahat sa lupa, at wala na ang mga araw ng pakikipagbuno para sa kaligtasan sa lupa, dahil nakarating na Ako!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 29

Mag-iwan ng Tugon