Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 354

390 2020-09-05

Sa simula, ninais Kong tustusan kayo nang higit pang mga katotohanan, ngunit habang ang inyong saloobin ay masyadong malamig at walang pakialam, kailangan Ko nang sumuko. Hindi Ko nais masayang ang Aking mga pagsisikap, ni hindi Ko rin nais makita na hawakan ng mga tao ang Aking mga salita ngunit sa lahat ng lugar ay ginagawa ang paglaban sa Akin, sinisiraan Ako, at nilalapastangan Ako. Dahil sa inyong mga saloobin at pagkatao, binibigyan Ko lamang kayo ng maliit na bahagi ng mga salitang napakahalaga sa inyo bilang Aking pagsubok sa sangkatauhan. Ngayon Ko lamang tunay na nakumpirma na ang mga desisyon at planong ginawa Ko ay ayon sa inyong kailangan, at bukod dito, nakumpirma na ang Aking saloobin sa sangkatauhan ay tama. Ang inyong maraming taon ng mga pagkilos sa Aking presensya ay nagbigay sa Akin ng sagot na hindi Ko natanggap noong una. At ang tanong sa sagot na ito ay: “Ano ang saloobin ng tao sa harap ng katotohanan at sa totoong Diyos?” Ang pagsisikap na ibinubuhos Ko sa tao ay nagpapatunay ng Aking diwa ng pagmamahal sa tao, at ang mga pagkilos at gawa ng tao sa harap ng Aking presensya ay pinatunayan din ang diwa ng tao na pagkamuhi sa katotohanan at pagsalungat sa Akin. Sa lahat ng oras Ako ay nag-aalala sa lahat ng sumunod sa Akin, ngunit walang oras na ang mga taong sumunod sa Akin ay magagawang makatanggap ng Aking salita; lubos nilang hindi matanggap kahit na anumang mga mungkahi na nanggaling sa Akin. Ito ang nagpapapalungkot sa Akin higit sa lahat. Walang sinuman ang kayang umunawa sa Akin at, higit pa rito, walang may kakayahang tanggapin Ako, kahit na ang Aking saloobin ay taimtim at ang Aking mga salita ay banayad. Ang lahat ay ginagawa ang gawain na ipinagkatiwala Ko alinsunod sa kanilang mga orihinal na intensyon; hindi nila hinahanap ang Aking mga saloobin, lalo na ang hingin ang Aking mga kahilingan. Sinasabi pa rin nilang naglilingkod sila sa Akin nang tapat, habang ang lahat ay nagrerebelde laban sa Akin. Marami ang naniniwala na ang mga katotohanan ay hindi katanggap-tanggap sa kanila o ang hindi nila kayang isagawa ay hindi mga katotohanan. Dahil sa ganitong uri ng mga tao, ang Aking mga katotohanan ay nagiging bagay na dapat tanggihan at isantabi. Kasabay nito, Ako rin pagkatapos ay naging isa na kinilala ng tao sa salita lamang bilang Diyos, ngunit itinuring na isang tagalabas na hindi ang katotohanan, daan, o ang buhay. Walang nakaaalam sa katotohanang ito: Ang Aking mga salita ay ang walang hanggang di-nagbabagong katotohanan. Ako ang panustos ng buhay para sa tao at ang tanging gabay para sa sangkatauhan. Ang kahalagahan at kahulugan ng Aking mga salita ay hindi pinagpapasyahan kung ang mga ito man ay kinikilala at tinatanggap ng sangkatauhan, ngunit sa pamamagitan ng diwa ng mga salita mismo. Kahit na wala ni isang tao sa daigdig na ito ang maaaring makatanggap ng Aking mga salita, ang halaga ng Aking mga salita at ang tulong nito sa sangkatauhan ay hindi masusukat ng sinumang tao. Samakatuwid, kapag nahaharap sa maraming tao na nagrerebelde, tumatanggi, o lubos na nilalait ang Aking mga salita, ang Aking paninindigan ay ito lamang: Hayaang Aking maging saksi ang panahon at mga katunayan at ipakita na ang Aking mga salita ay ang katotohanan, daan, at buhay. Hayaang ipakita ng mga ito na lahat ng Aking nasabi ay tama, at iyon ang dapat ipagkaloob sa tao, at, higit pa rito, ang dapat tanggapin ng tao. Hahayaan Ko ang lahat ng sumusunod sa Akin na malaman ang katunayang ito: Sa mga hindi kayang tanggapin nang lubos ang Aking mga salita, ang mga hindi kayang isagawa ang Aking mga salita, ang mga hindi makahanap ng layunin sa Aking mga salita at ang mga hindi kayang tanggapin ang kaligtasan dahil sa Aking mga salita, ay ang mga taong nahusgahan ng Aking mga salita, bukod dito, nawalan ng Aking kaligtasan, at hindi kailanman nalilihis ang Aking pamalo sa kanila.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa

Mag-iwan ng Tugon