Matapos maisagawa ang Kanyang anim-na-libong-taon ng gawain hanggang sa araw na ito, naipakita na ng Diyos ang marami sa Kanyang mga kilos, na ang layunin una sa lahat ay ang matalo si Satanas at maghatid ng kaligtasan sa buong sangkatauhan. Ginagamit Niya ang pagkakataong ito upang tulutan ang lahat sa langit, lahat sa lupa, lahat ng sakop ng karagatan, at lahat ng huling bagay na nilikha ng Diyos sa lupa na makita ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat at masaksihan ang lahat ng Kanyang kilos. Sinusunggaban Niya ang pagkakataong ibinibigay ng pagtalo Niya kay Satanas upang ipakita ang lahat ng Kanyang gawa sa mga tao, at magawa nilang purihin Siya at dakilain ang Kanyang karunungan sa pagtalo kay Satanas. Lahat sa lupa, sa langit, at sa ilalim ng karagatan ay naghahatid ng kaluwalhatian sa Diyos, pinupuri ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat, pinupuri ang bawat isa sa Kanyang mga gawa, at ipinagsisigawan ang Kanyang banal na pangalan. Ito ay patunay ng Kanyang pagtalo kay Satanas; patunay ito ng Kanyang paglupig kay Satanas. Ang mas mahalaga, patunay ito ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan. Ang buong paglikha ng Diyos ay naghahatid sa Kanya ng kaluwalhatian, pinupuri Siya sa pagtalo sa Kanyang kaaway at pagbalik na matagumpay, at itinatanyag Siya bilang dakila at matagumpay na Hari. Ang Kanyang layunin ay hindi lamang para talunin si Satanas, kaya ang Kanyang gawain ay nagpatuloy nang anim na libong taon. Ginagamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang iligtas ang sangkatauhan; ginagamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang ipakita ang lahat ng Kanyang kilos at Kanyang buong kaluwalhatian. Siya ay magtatamo ng kaluwalhatian, at lahat ng pulutong ng mga anghel ay makikita ang Kanyang kaluwalhatian. Ang mga sugo sa langit, mga tao sa lupa, at lahat ng bagay na nilikha sa lupa ay makikita ang kaluwalhatian ng Lumikha. Ito ang gawaing Kanyang ginagawa. Ang Kanyang nilikha sa langit at sa lupa ay masasaksihang lahat ang Kanyang kaluwalhatian, at babalik Siya nang matagumpay matapos Niyang lubos na talunin si Satanas, at tutulutan ang sangkatauhan na purihin Siya, sa gayon ay magkakamit ng dobleng tagumpay sa Kanyang gawain. Sa huli, buong sangkatauhan ay lulupigin Niya, at Kanyang lilipulin ang sinumang lalaban o susuway; sa madaling salita, lilipulin Niya ang lahat ng nabibilang kay Satanas.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman Kung Paano Umunlad ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw
Purihin ang Diyos na Nagbalik Nang Matagumpay
I
Sa anim na libong taon ng gawain Niya, naipakita ng Diyos ang mga gawa Niya, para talunin si Satanas at iligtas ang lahat ng tao. Hinahayaan ng Diyos lahat sa langit, lahat ng bagay sa lupa, sa dagat, mga nilalang na makakita sa kilos Niya't kapangyarihang walang-kapantay. Sa pagkatalo ni Satanas, kita ng tao'ng gawa ng Diyos. Kaya't Siya'y pinupuri at itinataas ang karunungan Niya. Hayaang lahat sa lupa, lahat sa langit, lahat sa ilalim ng dagat luwalhatiin Siya, luwalhatiin Siya! Hayaang purihin ng lahat ang Kanyang kapangyarihan. Lahat magpuri sa Kanyang gawa, isigaw ang banal Niyang ngalan, isigaw ang banal Niyang ngalan!
II
Gayong papuri'y patunay ng pagtalo kay Satanas, na nalupig ng Diyos ang kaaway Niya at patunay ng pagligtas Niya sa bawat isa, niligtas ang nilikha Niyang tao. Mga nilalang nagpupuri, kalaba'y natalo Niya. Pumaparitong matagumpay, Siya'y dakilang Haring nagwawagi! Hayaang lahat sa lupa, lahat sa langit, lahat sa ilalim ng dagat luwalhatiin Siya, luwalhatiin Siya! Hayaang purihin ng lahat ang Kanyang kapangyarihan. Lahat magpuri sa Kanyang gawa, isigaw ang banal Niyang ngalan, isigaw ang banal Niyang ngalan!
III
Sa pagkatalo ni Satanas, kita ng tao'ng gawa ng Diyos. Kaya't Siya'y pinupuri at itinataas ang karunungan Niya. Hayaang lahat sa lupa, lahat sa langit, lahat sa ilalim ng dagat luwalhatiin Siya, luwalhatiin Siya! Hayaang purihin ng lahat ang Kanyang kapangyarihan. Lahat magpuri sa Kanyang gawa, isigaw ang banal Niyang ngalan, isigaw ang banal Niyang ngalan! Hayaang lahat sa lupa, lahat sa langit, lahat sa ilalim ng dagat luwalhatiin Siya, luwalhatiin Siya! Hayaang purihin ng lahat ang Kanyang kapangyarihan. Lahat magpuri sa Kanyang gawa, isigaw ang banal Niyang ngalan, isigaw ang banal Niyang ngalan!
—Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin