Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Ang dokumentaryong ito ay nagsasalaysay ng totoong karanasan ng Kristiyanong Tsino na si Yu Dehui na inusig hanggang sa mamatay ng CCP. Si Yu Dehui ay dinakip, binugbog, at sinentensiyahang makulong ng CCP dahil sa paniniwala niya sa Diyos at pagganap sa kanyang tungkulin. Habang nakakulong, puwersahan siyang kinuhanan ng dugo ng mga guwardya sa loob ng matagal na panahon; ang matinding pagpapahirap na ito na naranasan niya ay naging sanhi ng kanyang labis na panghihina at sobrang kapayatan. Kalaunan ay nalaman sa pagsusuri na mayroon siyang malubhang hemorrhagic anemia matapos siyang palayain mula sa kulungan; at hinihinalang nagkaroon siya ng malalang tumor dahil dito; bagama’t dinala siya sa iba’t ibang ospital, hindi siya napagaling ng alinman sa mga iyon. Sa huli ay namatay siya nang di-makatarungan. Ang isang dating masayang pamilya ay ganap na nawasak, at ang mga miyembro nito ay naiwang may pasakit at trauma na hindi na maghihilom kailanman …
Ang ilang materyal sa video na ito ay galing sa:
【Wow!視覺特效Show一手!影片素材上傳區! https://www.youtube.com/channel/UCo2WsnnMMdo4x9FqETfHJ3g】