Kapag mayroong nangyayari sa iyo sa iyong pang-araw-araw na buhay, paano mo dapat alamin kung ito ay mula sa gawain ng Banal na Espiritu o mula sa gawain ni Satanas? Kapag ang mga kalagayan ng mga tao ay normal, ang kanilang mga espirituwal na buhay at ang kanilang mga buhay sa laman ay normal, at ang kanilang katwiran ay normal at maayos. Kapag sila ay nasa ganitong kalagayan, ang kanilang nararanasan at nalalaman sa loob ng kanilang mga sarili ay masasabi sa pangkalahatan na nagmumula sa pagiging naantig ng Banal na Espiritu (ang pagkakaroon ng mga kabatiran o pagtataglay ng mababaw na kaalaman kapag kinakain at iniinom nila ang mga salita ng Diyos, o pagiging tapat sa ilang bagay, o pagkakaroon ng lakas upang ibigin ang Diyos sa ilang bagay—ang lahat ng ito ay nagmumula sa Banal na Espiritu). Ang gawain ng Banal na Espiritu sa tao ay natatanging normal; ang tao ay walang kakayahan na madama ito, at tila dumarating sa pamamagitan ng tao mismo, bagaman ito sa katunayan ay gawain ng Banal na Espiritu. Sa pang-araw-araw na buhay, ang Banal na Espiritu ay gumagawa kapwa ng malaki at ng maliit na gawain sa bawa’t isa, at ang lawak lamang ng gawaing ito ang nagkakaiba. Ang ilang tao ay may mahusay na kakayahan, at nauunawaan nila ang mga bagay-bagay nang mabilis, at ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu ay talagang matindi sa loob nila. Samantala, ang ilang tao na may mahinang kakayahan, at mas matagal bago nila maunawaan ang mga bagay-bagay, nguni’t inaantig sila ng Banal na Espiritu sa loob at nagagawa rin nila na maging tapat sa Diyos—ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa lahat ng taong naghahabol sa Diyos. Kapag, sa pang-araw-araw na buhay, hindi kinakalaban ng mga tao ang Diyos o naghihimagsik laban sa Diyos, hindi gumagawa ng mga bagay na salungat sa pamamahala ng Diyos at hindi nanghihimasok sa gawain ng Diyos, sa bawa’t isa sa kanila ang Espiritu ng Diyos ay gumagawa sa mas malaki o mas maliit na saklaw; inaantig Niya sila, nililiwanagan sila, binibigyan sila ng pananampalataya, binibigyan sila ng lakas, at pinakikilos sila upang mas maagap na pumasok, hindi maging tamad o mag-imbot sa mga kasiyahan ng laman, maging handang magsagawa ng katotohanan, at nananabik para sa mga salita ng Diyos. Lahat ng ito ay gawain na nagmumula sa Banal na Espiritu.
Kapag ang kalagayan ng mga tao ay hindi normal, sila ay tinatalikdan ng Banal na Espiritu; sa kanilang mga isipan sila ay malamang na magreklamo, ang kanilang mga pangganyak ay mali, sila ay tamad, nagpapasasa sila sa laman, at ang kanilang mga puso ay naghihimagsik laban sa katotohanan. Lahat ng ito ay nagmumula kay Satanas. Kapag ang mga kalagayan ng mga tao ay hindi normal, kapag sila ay madilim sa loob at naiwala na ang kanilang normal na katwiran, napabayaan na ng Banal na Espiritu, at hindi nararamdaman ang Diyos sa loob ng kanilang mga sarili, ito ay kung kailan gumagawa si Satanas sa loob nila. Kung ang mga tao ay palaging mayroong lakas sa loob nila at palaging minamahal ang Diyos, sa pangkalahatan, kapag may mga nangyayari sa kanila, ang mga iyon ay mula sa Banal na Espiritu, at sinumang makatagpo nila, ang pagtatagpo ay ang resulta ng pagsasaayos ng Diyos. Na ang ibig sabihin, kapag ikaw ay nasa isang normal na kalagayan, kapag ikaw ay nasa loob ng dakilang gawain ng Banal na Espiritu, imposible para kay Satanas na gawin kang nag-aalinlangan. Sa saligang ito, masasabi na ang lahat ay nagmumula sa Banal na Espiritu, at bagama’t maaaring mayroon kang hindi tamang mga iniisip, nagagawa mong itakwil ang mga ito at hindi mo sinusunod ang mga ito. Lahat ng ito ay nagmumula sa gawain ng Banal na Espiritu. Sa anong mga sitwasyon nanghihimasok si Satanas? Madali para kay Satanas na gumawa sa loob mo kapag ang iyong mga kalagayan ay hindi normal, kapag ikaw ay hindi pa naaantig ng Diyos at walang gawain ng Diyos, kapag ikaw ay tuyo at tigang sa loob, kapag ikaw ay nananalangin sa Diyos nguni’t walang natatarok na anuman, at kapag kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos nguni’t hindi naliliwanagan o napapalinaw. Sa ibang pananalita, kapag ikaw ay iniwan na ng Banal na Espiritu at hindi mo nararamdaman ang Diyos, nangyayari sa iyo ang maraming bagay na nagmumula sa tukso ni Satanas. Habang gumagawa ang Banal na Espiritu, si Satanas ay kasabay ring gumagawa. Inaantig ng Banal na Espiritu ang loob ng tao, habang kasabay na nanghihimasok si Satanas sa tao. Gayunpaman, ang gawain ng Banal na Espiritu ang nangunguna, at ang mga tao na normal ang mga kalagayan ay nakapagtatagumpay; ito ang tagumpay ng gawain ng Banal na Espiritu laban sa gawain ni Satanas. Habang gumagawa ang Banal na Espiritu, naroon pa rin ang tiwaling disposisyon sa loob ng mga tao; gayunpaman, sa panahon ng gawain ng Banal na Espiritu, madali para sa mga tao na tuklasin at kilalanin ang kanilang pagkamapanghimagsik, mga motibo, at mga karumihan. Saka pa lamang nakakaramdam ang mga tao ng pagsisisi at nagiging handang magsisi. Sa gayon, ang kanilang mapanghimagsik at tiwaling mga disposisyon ay unti-unting naitatakwil sa loob ng gawain ng Diyos. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay natatanging normal; habang Siya ay gumagawa sa mga tao, mayroon pa rin silang mga suliranin, lumuluha pa rin sila, nagdurusa pa rin sila, mahihina pa rin sila, at marami pa rin ang hindi malinaw sa kanila, nguni’t sa ganitong kalagayan nagagawa nilang pigilan ang kanilang mga sarili na dumausdos pabalik, at naiibig nila ang Diyos, at bagama’t lumuluha sila at nababalisa sa loob, nagagawa pa rin nilang purihin ang Diyos; ang gawain ng Banal na Espiritu ay natatanging normal, at kahit katiting ay hindi higit sa natural. Karamihan sa mga tao ay naniniwala na, sa sandaling magsimulang gumawa ang Banal na Espiritu, ang mga pagbabago ay mangyayari sa kalagayan ng mga tao at ang mahahalagang bagay sa kanila ay tinatanggal. Ang gayong mga paniniwala ay may kamalian. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng tao, ang mga balintiyak na bagay ng tao ay naroroon pa rin at ang kanyang tayog ay nananatili gaya nang dati, nguni’t nakakamit niya ang pagpapalinaw at kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at kaya ang kanyang kalagayan ay nagiging mas maagap, ang mga kalagayan sa loob niya ay nagiging normal, at nagbabago siya nang mabilis. Sa mga tunay na karanasan ng mga tao, pangunahin nilang nararanasan ang gawain ng Banal na Espiritu o ni Satanas, at kung hindi nila kayang tarukin ang mga kalagayang ito at hindi inaalam ang pagkakaiba, ang pagpasok sa mga tunay na karanasan ay hindi maaari, lalo pa ang mga pagbabago sa disposisyon. Kaya, ang susi sa pagdanas sa gawain ng Diyos ay ang magawang makaaninag sa gayong mga bagay; sa ganitong paraan, mas magiging madali para sa kanila na danasin ito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas