Ang Diyos ay dumating sa lupa upang isagawa ang Kanyang gawain sa mga tao, upang personal na ibunyag sa tao ang Sarili Niya, at tulutan ang tao na mapagmasdan Siya; Ito ba ay maliit na bagay? Ito ay tunay na mahalagang bagay! Hindi ito gaya ng iniisip ng tao na ang Diyos ay dumating nang sa gayon ay makita Siya ng tao, nang upang maunawaan ng tao na ang Diyos ay tunay at hindi malabo o hungkag, na ang Diyos ay mataas ngunit mapagkumbaba din. Ganoon lang ba ito kasimple? Ito ay tiyak na dahil pinasama ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ang siyang binabalak iligtas ng Diyos, na kailangang maging tao ang Diyos upang makidigma kay Satanas at personal na maging pastol ng tao. Ito lamang ang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Ang dalawang katawang-tao ng Diyos ay lumitaw nang upang matalo si Satanas, at lumitaw din nang upang higit na mailigtas. Iyon ay dahil ang tanging maaaring makidigma kay Satanas ay ang Diyos, maging ito man ay sa Espiritu ng Diyos o sa katawang-tao ng Diyos. Sa madaling sabi, hindi maaaring ang mga anghel ang siyang makidigma kay Satanas, lalong hindi maaaring ito ay ang tao, na ginawang tiwali ni Satanas. Walang kapangyarihan ang mga anghel na gawin ito, at ang tao ay lalo namang mas inutil. Sa gayon, kung nanaisin ng Diyos na trabahuin ang buhay ng tao, kung nanaisin Niyang personal na pumunta sa lupa upang trabahuin ang tao, kung gayon ay kailangan Niyang personal na maging tao, iyon ay, kailangan Niyang personal na suutin ang katawang-tao, at sa Kanyang likas na pagkakakilanlan at sa gawain na kailangan Niyang gawin, pumunta sa tao at personal na iligtas ang tao. Kung hindi, kung ang Espiritu ng Diyos o ng tao ang gumawa sa gawaing ito, kung gayon ang digmaan na ito ay mabibigo magpakailanman na makamit ang epekto nito, at hindi matatapos kailanman. Kapag ang Diyos ay naging tao upang personal na makidigma laban kay Satanas doon pa lamang magkakaroon ng pagkakataon ang tao sa kaligtasan. Bilang karagdagan, sa gayon lang mapapahiya si Satanas, at maiiwang walang kahit anumang pagkakataon na magsamantala o anumang mga plano na isasakatuparan. Ang gawain na isinasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay di maaaring makamtan ng Espiritu ng Diyos, at lalo pang hindi makakayang gawin sa pangalan ng Diyos ng sinumang tao na makalaman, sapagkat ang gawain na kanyang ginagawa ay para sa kapakanan ng buhay ng tao, at upang baguhin ang tiwaling disposisyon ng tao. Kung ang tao ay makikisali sa digmaang ito, tatakas lamang siya sa kahabag-habag na kaguluhan, at basta na lang hindi kakayaning mapagbago ang tiwaling disposisyon ng tao. Siya ay mawawalan ng kakayahan sa pagliligtas sa tao mula sa krus, o ang panlulupig sa lahat ng mapaghimagsik na katangian ng sangkatauhan, ngunit makakaya lamang na gumawa ng kaunting lumang gawain batay sa tuntunin, o ng anupamang gawain na walang kaugnayan sa pagkatalo ni Satanas. Kaya bakit mag-aalala? Ano ang kabuluhan ng gawain na hindi makakayang matamo ang tao, lalong hindi matalo si Satanas? At kaya, ang digmaan kay Satanas ay maipatutupad lamang ng Diyos Mismo, at hindi basta makakayang gawin ng tao. Ang tungkulin ng tao ay tumalima at sumunod, sapagkat hindi makakayang gawin ng tao ang gawain sa pagbubukas ng bagong panahon, ni, higit pa rito, hindi niya kayang ipatupad ang gawain ng pakikidigma kay Satanas. Maaari lamang mapasaya ng tao ang Lumikha sa ilalim ng pangunguna ng Diyos Mismo, sa pamamagitan nito ay natalo si Satanas; ito lang ang isang bagay na kayang gawin ng tao. At kaya, sa bawat sandaling magsisimula ang isang bagong digmaan, na ang ibig sabihin, sa bawat sandaling magsisimula ang gawain sa bagong panahon, ang gawaing ito ay personal na isasagawa ng Diyos Mismo, sa pamamagitan nito pangungunahan Niya ang buong panahon, at magbubukas ng isang bagong landas para sa kabuuan ng sangkatauhan. Ang pasimula ng bawat bagong panahon ay isang bagong simula sa pakikidigma kay Satanas, sa pamamagitan nito makapapasok ang tao sa mas bago, mas magandang kaharian at isang bagong panahon na personal na pinangungunahan ng Diyos Mismo. Ang tao ang dalubhasa sa lahat ng mga bagay, ngunit silang mga natamo ay magiging mga bunga ng lahat ng digmaan kay Satanas. Si Satanas ang nagpapasama sa lahat ng mga bagay, ito ang talunan sa katapusan ng lahat ng digmaan, at siya ring maparurusahan pagkatapos ng mga digmaan na ito. Sa pagitan ng Diyos, ng tao at ni Satanas, tanging si Satanas ang siyang kasusuklaman at itatakwil. Ang mga natamo ni Satanas ngunit mga hindi nabawing muli ng Diyos, samantala, yaon ang siyang mga makatatanggap ng kaparusahan sa pangalan ni Satanas. Sa tatlong ito, tanging ang Diyos ang dapat sambahin ng lahat ng mga bagay. Yaong mga pinasama ni Satanas subalit mga nabawing muli ng Diyos at mga sinusundan ang landas ng Diyos, samantala, sila ang makatatanggap ng pangako ng Diyos at hahatol sa mga masasamang tao para sa Diyos. Ang Diyos ang tiyak na magiging matagumpay at tiyak na matatalo si Satanas, ngunit sa mga tao ay mayroong mga mananalo at mayroong mga matatalo. Yaong mga mananalo ay mapapabilang sa Matagumpay, at yaong mga matatalo ay mapapabilang sa sawi; ito ang pag-uuri sa bawat isa alinsunod sa uri, ito ang huling kalalabasan ng lahat ng gawain ng Diyos, ito rin ang layunin ng lahat ng gawain ng Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Ang sentro ng pangunahing gawain sa plano sa pamamahala ng Diyos ay nakatuon sa kaligtasan ng tao, at ang Diyos ay naging tao sa kapakanan unang-una ng lahat ng kaibuturang ito, para sa kapakanan ng gawaing ito, at nang upang matalo si Satanas. Ang unang pagkakataon na naging tao ang Diyos ay dahil din upang matalo si Satanas: Personal Siyang naging tao, at personal Siyang ipinako sa krus, upang makumpleto ang gawain ng unang digmaan, na siyang gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Gayundin, ang yugto na ito ng gawain ay personal ding ginawa ng Diyos, na naging tao upang isagawa ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, upang personal na sabihin ang Kanyang salita at tulutan ang tao na makita Siya. Mangyari pa, hindi maiiwasan na gagawa rin Siya ng ilang ibang gawain habang Siya ay naglalakbay, ngunit ang pangunahing dahilan kung kaya personal Niyang isinasakatuparan ang Kanyang gawain ay upang matalo si Satanas, upang lupigin ang kabuuan ng sangkatauhan, at upang matamo ang mga taong ito. At kaya, ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay tunay na mahalaga. Kung ang Kanyang layunin ay upang ipakita lang sa tao na ang Diyos ay mapagpakumbaba at nakatago, at ang Diyos ay tunay, kung ito ay para lamang sa kapakanan ng pagsasagawa sa gawaing ito, kung gayon ay hindi na kakailanganin pa na maging tao. Kahit na hindi naging tao ang Diyos, maibubunyag Niya ang Kanyang pagpapakumbaba at pagkatago, ang Kanyang kadakilaan at kabanalan, sa tao nang tuwiran, ngunit ang gayong mga bagay ay walang kinalaman sa gawain ng pamamahala sa tao. Ang mga ito ay walang kakayahan na mailigtas ang tao o gawin siyang ganap, lalong hindi nila kayang talunin si Satanas. Kung ang pagtalo kay Satanas ay kinabibilangan lamang ng pakikipaglaban ng Espiritu laban sa isang espiritu, kung gayon ang ganoong gawain ay magkakaroon nang higit pang mas mababang halaga; wala itong kakayahang matamo ang tao at wawasakin lang ang kapalaran at mga inaasam ng tao. Dahil dito, ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan ay may malalim na kabuluhan. Ito ay hindi lang upang makita Siya ng tao, o nang sa gayon ay mabuksan ang mga mata ng tao, o upang bigyan siya ng kaunting pagpapakilos at pampalakas ng loob; ang gayong gawain ay walang kabuluhan. Kung kaya mo lang magsalita ukol sa ganitong uri ng karunungan, kung gayon ay pinatutunayan nito na hindi mo alam ang tunay na kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan