Mag-subscribe

Menu

Ano ang pagsunod sa Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pangunahing kahalagahan ng pagsunod sa Diyos ay na dapat alinsunod ang lahat sa mga salita ng Diyos ngayon: Maging ikaw ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ng katuparan ng kalooban ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa mga salita ng Diyos ngayon. Kung ang iyong pakikipagniig at hinahangad ay hindi nakasentro sa palibot ng mga salita ng Diyos ngayon, kung gayon isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang gusto ng Diyos ay ang mga taong sumusunod sa Kanyang mga yapak. Hindi alintana kung gaano man kahanga-hanga at kadalisay ang naunawaan mo noong una, ayaw ito ng Diyos, at kung hindi mo magagawang isantabi ang gayong mga bagay, kung gayon ang mga ito ay napakalaking hadlang sa iyong pagpasok sa hinaharap. Lahat niyaong nagagawang sumunod sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Sinunod din ng mga tao sa mga kapanahunang lumipas ang mga yapak ng Diyos, ngunit hindi sila nakasunod hanggang sa kasalukuyan; ito ang pagpapala ng mga tao sa mga huling araw.

—mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ano ang pagsunod sa Diyos

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawat araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pahayag ng bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi makakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan. Ang dating kapanahunan ay nakalipas na; ito ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat na magawa. Lalung-lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, ang Diyos ay gaganap ng bagong gawain nang lalo pang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang pagsunod sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sundan ang mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa anumang mga alituntunin, ni itinuturing Niya ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi-nababago. Bagkus, ang gawaing ginagawa Niya ay laging mas bago at laging mas mataas. Ang Kanyang gawain ay nagiging higit na praktikal sa bawat hakbang, paayon nang paayon sa tunay na mga pangangailangan ng tao. Pagkatapos lamang na nararanasan ng tao ang ganitong uri ng gawain na maaabot niya ang huling pagpapabago ng kanyang disposisyon. … Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay nag-iiba sa bawat tagal ng panahon. Kung ikaw ay nagpapakita ng matinding pagkamasunurin sa isang yugto, datapwa’t sa susunod na yugto ay nagpapakita ng kaunti lamang o wala pa nga, kung gayon iiwanan ka ng Diyos. Kung ikaw ay sumasabay sa Diyos sa Kanyang pag-akyat sa hakbang na ito, kung gayon kailangan mong magpatuloy sa pagsabay kapag umakyat Siya sa susunod. Doon ka lamang nagiging isa na masunurin sa Banal na Espiritu. Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manatiling nagpapatuloy sa iyong pagkamasunurin. Hindi ka basta lamang maaaring sumunod kapag gusto mo at sumuway kapag ayaw mo. Ang ganitong uri ng pagkamasunurin ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi ka makakasabay sa bagong gawain na Aking ibinabahagi at nagpapatuloy sa paghawak sa mga dating kasabihan, kung gayon paano magkakaroon ng pag-unlad sa iyong buhay? Ang gawain ng Diyos ay upang tustusan ka sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Kapag ikaw ay sumusunod at tumatanggap sa Kanyang mga salita, kung gayon tiyak na gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa nang eksakto sa kung paano Ako nagsasalita. Gawin mo kung ano ang Aking nasabi na, at ang Banal na Espiritu ay gagawa kaagad sa iyo.

—mula sa “Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Alam mo ba kung ano ang pagsunod sa Diyos? Kung walang mga pangitain, anong landas ang iyong lalakaran? Sa gawain sa kasalukuyan, kung wala kang mga pangitain lubos na hindi mo makakaya talagang magawang ganap. Kanino ka naniniwala? Bakit ka naniniwala sa Kanya? Bakit ka sumusunod sa Kanya? Naniniwala ka ba bilang isang uro ng laro? Pinangangasiwaan mo ba ang iyong buhay bilang isang uri ng laruan? Ang Diyos ng kasalukuyan ang pinakadakilang pangitain. Gaano na ang tungkol sa Kanya ang iyong nakilala? Gaano na ang tungkol sa Kanya ang iyong nakita? Yamang nakita mo na ang Diyos ng kasalukuyan, ang pundasyon ba ng iyong paniniwala sa Diyos ay matibay? Palagay mo ba na basta sumusunod ka sa malabong paraang ito, magkakamit ka ng kaligtasan? Palagay mo ba ay makakahuli ka ng isda sa maputik na tubig? Ito ba ay ganyan kasimple? Ilan sa iyong mga pagkaunawa tungkol sa kung ano ang sinasabi ng Diyos ng kasalukuyan ang nabitawan mo na? May pangitain ka ba tungkol sa Diyos ng kasalukuyan? Saan nakabatay ang iyong pagkaunawa sa Diyos ng kasalukuyan? Lagi kang naniniwala na sa pamamagitan ng pagsunod makakamtan mo Siya, na sa pagkakita sa Kanya makakamtan mo Siya,[a] at na walang sinuman ang makapagpapaalis sa iyo. Huwag isipin na ang pagsunod sa Diyos ay napakadali. Ang susi ay na dapat mo Siyang makilala, dapat mong makilala ang gawain Niya, at dapat magkaroon ka ng kalooban na magtiis ng paghihirap para sa Kanya, magkaroon ng kalooban na isakripisyo ang iyong buhay para sa Kanya, at magkaroon ng kalooban na magawa Niyang perpekto. Ito ang pangitain na dapat mayroon ka. Hindi maaari kung lagi mong iniisip na tamasahin ang biyaya. Huwag akalain na ang Diyos ay nariyan para lamang sa pagtatamasa ng mga tao, at pagkakaloob ng biyaya sa mga tao. Mali ang inakala mo! Kung ang isa ay hindi maitataya ang kanilang buhay upang sumunod, kung ang isa ay hindi matatalikuran ang makamundong pag-aari upang sumunod, kung gayon sila ay walang-pasubaling hindi makakayang sumunod hanggang sa katapusan!

—mula sa “Dapat Ninyong Maunawaan ang Gawain—Huwag Sumunod nang may Pagkalito!” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sumunod si Pedro kay Jesus nang ilang taon at maraming bagay siyang nakita kay Jesus na wala sa mga tao. Pagkatapos sumunod sa Kanya sa loob ng isang taon, napili siya bilang pinuno ng labindalawang disipulo ni Jesus. (Siyempre ito ay isang bagay ng puso ni Jesus, at lubos itong hindi nakita ng mga tao.) Bawat galaw ni Jesus ay nagsilbing halimbawa para sa kanya sa kanyang buhay, at ang mga sermon ni Jesus ay lubos na nakaukit sa kanyang puso. Siya ay napakamaalalahanin at nakaalay kay Jesus, at hindi siya nagkaroon ng anumang hinaing kay Jesus. Ito ang dahilan kung bakit siya ay naging tapat na kasama ni Jesus saanman Siya magpunta. Minasdan ni Pedro ang mga pagtuturo ni Jesus, ang Kanyang marahang mga salita, at kung ano ang kinain Niya, isinuot, ang Kanyang pang-araw-araw na buhay, at Kanyang mga paglalakbay. Sinundan niya ang halimbawa ni Jesus sa lahat ng paraan. Hindi siya mapagmagaling, nguni’t iwinaksi niya ang lahat ng kanyang dating makalumang mga bagay at sinundan ang halimbawa ni Jesus sa salita at gawa. Noon niya nadama na ang mga kalangitan at lupa at lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat, at sa kadahilanang ito hindi siya nagkaroon ng kanyang sariling pagpili, nguni’t kinuha ang lahat ng kung ano si Jesus upang magsilbing kanyang halimbawa. Nakita niya mula sa buhay niya na si Jesus ay hindi mapagmagaling sa Kanyang ginawa, ni ipinagyabang man Niya ang tungkol sa Kanyang Sarili, sa halip, inantig Niya ang mga tao nang may pag-ibig. Sa iba’t ibang mga kalagayan nakita ni Pedro kung ano si Jesus. Iyan ang dahilan kung bakit ang lahat kay Jesus ay naging ang bagay na ginawa ni Pedrong huwaran ng kanyang sarili.

—mula sa “Tungkol sa Buhay ni Pedro” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang kahit anong bagay sa buhay ni Pedro na hindi nagbibigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos ay bumabagabag sa kanya. Kung hindi nito natugunan ang kagustuhan ng Diyos, kung gayon makakaramdam siya ng taos na pagsisisi, at maghahanap ng isang angkop na paraan kung paano niya mapagsusumikapan na mapasaya ang puso ng Diyos. Sa kahit na pinakamaliit at pinaka-walang-kabuluhang aspeto ng kanyang buhay, kinailangan niya pa rin sa kanyang sarili na katagpuin ang ninanasa ng Diyos. Ganoon din siya katindi pagdating sa kanyang dating disposisyon, laging mahigpit sa kanyang mga kinakailangan sa kanyang sarili upang umusad nang mas malalim pa sa katotohanan. … Sa kanyang pananampalataya sa Diyos, hinanap ni Pedro na mapasaya ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinanap na sundin ang lahat ng nagmula sa Diyos. Nang wala ni katiting na reklamo, kinaya niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, pati na rin ang pagpipino, kapighatian at kakulangan sa kanyang buhay, kung saan wala sa mga nabanggit ang makapagbabago ng kanyang pag-ibig sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pag-ibig sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Sa pagkastigo, paghatol, o kapighatian, laging may kakayahan kang makamit ang pagsunod hanggang kamatayan, at ito ang dapat na makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang pagiging dalisay ng pagmamahal ng Diyos.

—mula sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Ang pagsunod sa Diyos ay pangunahing tumutukoy sa pagsunod sa kasalukuyang gawain ng Diyos, pagpapasakop at pagsasagawa sa mga kasalukuyang salita ng Diyos, nakakayang sundin ang mga utos ng Diyos, hinahanap ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay, nagsasagawa alinsunod sa salita ng Diyos, at lubos na nagpapasakop sa gawain at pamamatnubay ng Banal na Espiritu. Panghuli, tumutukoy ito sa pagiging isang taong nagsasagawa ng katotohanan at sumusunod sa kalooban ng Diyos. Tanging sa paggawa ng mga bagay na ito na masasabing sinusunod ng isang tao ang Diyos at maging isang tao na nakakakamit ng pagliligtas ng Diyos. Kung panlabas nating ibinabatay ang ating pananampalataya sa Biblia at pinararangalan ang Biblia, ngunit sa katunayan ay isinasagawa at nararanasan natin ang lahat alinsunod sa mga salita at itinuturo ng mga tao sa Biblia sa halip na nagpapasakop sa at isinasagawa ang salita ng Diyos mula sa Biblia. Isa pa, hindi natin nauunawaan ang mga intensyon ng Diyos at sa halip ay sinusunod lang ang mga relihiyosong seremonya at patakaran, ito ay pagsunod sa tao, hindi sa Diyos. Kung susundin at isasagawa natin ang mga salita ng mga tao mula sa Biblia na para bang ang mga iyon ay mga salita ng Diyos, datapwa’t itinuturing ang Panginoong Jesus bilang tau-tauhan lamang, binabalewala ang mga salita ng Panginoong Jesus at walang ginagawa upang sundin ang Kanyang mga utos, kung gayon siguradong itatakwil at isusumpa tayo ng Panginoong Jesus, na katulad ng nangyari sa mga mapagpaimbabaw na Fariseo. Maraming tao na may pananampalataya sa Panginoon, ngunit bulag na sumasamba sa mga kilalang tao ng relihiyon o mga pastor o elder-iginagalang nila ang mga mapagpaimbabaw na mga Fariseo. Anuman ang nangyayari sa kanila tumatakbo sila sa mga pastor at elder upang humingi ng patnubay at ganoon din ang ginagawa nila pagdating sa pag-aaral sa totoong daan. Ang resulta ay nililinlang at inililigaw sila ng mga mapagpaimbabaw na Fariseo at relihiyosong pinuno at nagsisimula nilang tahakin ang landas tungo sa paglaban sa Diyos—ito ang mga kahihinatnan at katapusan ng pagsunod sa tao sa halip na sa Diyos. Ang tanging paraan upang tunay na sundin ang Diyos ay ang ibatay lamang ang ating pananampalataya sa pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu, pagsunod sa mga kasalukuyang salita ng Diyos, pagsunod sa mga yapak ng gawain ng Banal na Espiritu, at pagbibigay ng lahat sa atin upang tuparin ang ating mga tungkulin. Lalo na’t ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, nawala na ng relihiyosong mundo ang gawain ng Banal na Espiritu at ito’y naging malungkot. Kapag napipilitan tayong hanapin ang totoong daan, kailangan nating magtuon pa lalo sa paghahanap sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, kailangan nating hanapin ang mga salita at pagbigkas ng Diyos at ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung hindi natin hahanapin ang mga salita at gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi natin maririnig ang tinig ng Diyos, kung hindi natin makakamit ang ibinibigay sa atin ng kasalukuyang mga salita ng Diyos, kung gayon maaalis tayo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at isasantabi sa kadiliman ng pagdadalamhati at kalungkutan. Ang mga taong tunay na sumusunod at nagpapasakop sa Diyos ay hindi Niya kailanman iiwan. Ang mga sumasamba sa mga relihiyosong pastor at elder ay nagpapasakop sa tao at naging mga tagasunod na ng tao. Ang mga taong ito ay ibubunyag ng gawain ng Diyos sa katapusan-sila ay maaalis at isasantabi.

Kahit na sinasabi ng ating mga labi na tayo ay naniniwala sa Diyos at na dapat nating sundin lamang ang Diyos at magpasakop sa Kanya, subalit, iba ang tunay na nangyayari. Malinaw natin itong nakikita sa pagkakaiba ng paraan ng pagtrato sa Panginoong Jesus ng mga may pananampalatayang Judio sa Kapanahunan ng Biyaya at sa pagtrato nina Pedro at Juan at mga iba pa. Isinagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang bagong gawain, inilabas ang katotohanan, at dinala ang daan ng pagsisisi, ngunit karamihan sa mga Judio sa panahong iyon ay nakinig lamang sa mga itinuturo ng mga punong sasardote at Fariseo. Hindi nila tinanggap ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus, at sa katapusan ay nawala nila ang pagliligtas ng Panginoong Jesus. Sa salita, naniwala sila sa Diyos, ngunit sa katunayan naniwala sila sa mga punong saserdote, eskriba at Fariseo. Subalit, nakita nina Pedro, Juan, Mateo, Felipe, at iba pa ang awtoridad at kapangyarihan na dala ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus at na ang mga ito ang katotohanan. Nakita nila na ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay mula sa Diyos kaya talagang sinundan nila Siya. Hindi sila sakop kahit kaunti lang ng pagkontrol ng mga Fariseo at sila ang tunay na sumunod at tumalima sa Diyos. Sa mga huling araw, ang tanging daan upang tunay na sundin at magpasakop sa Diyos ay ang tanggapin at magpasakop sa gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos, dahil isinasakatuparan nito ang propesiyang matatagpuan sa Aklat ng Pahayag: “Ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon” (Pahayag 14:4).

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Ano ang ibig sabihin ng pagsunod sa Diyos? At paano mo ito isasagawa? Ang pagsunod sa Diyos ay hindi lamang kinabibilangan ng pagdarasal sa Diyos at pagpupuri sa Diyos; ang pinaka-importante ay ang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, ang kumilos ayon sa katotohanan, ang humanap ng landas ng karanasan sa buhay sa mga salita ng Diyos, tanggapin ang tagubilin ng Diyos, isagawa nang tama ang bawat isa sa iyong mga tungkulin, at lumakad sa landas na nasa harapan mo ayon sa gabay ng Banal na Espiritu. Lalo na, sa kritikal na mga sugpungan, kapag may pangunahing mga problema na sumapit sa iyo, may higit pang mas malaking pangangailangan na maghanap sa mga layunin ng Diyos, maging maingat na hindi maloko ng mga doktrina ng tao, at hindi mahulog sa ilalim ng kontrol ninuman. “Ang nagmumula sa Diyos ang aking sinusunod at sinusundan, nguni’t kapag ito’y nanggaling mula sa kalooban ng tao matatag kong tinatanggihan ito; kung ang ipinangangaral ng mga pinuno at mga manggagawa ay salungat sa mga pagsasaayos ng Diyos, samakatuwid ako’y walang pasubali na sumusunod sa Diyos at tinatanggihan ang mga tao. Kung ito’y ganap na ayon sa mga pagsasaayos at kalooban ng Diyos, kung gayon maaari akong makinig dito.” Ang mga taong nagsasagawa sa ganitong paraan ay yaong mga sumusunod sa Diyos.

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Talababa:
a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “Lagi kang naniniwala na sa pamamagitan ng pagsunod makakamtan mo, na sa pagkakita makakamtan mo.”

Mag-iwan ng Tugon