Menu

Ano ang pagsunod sa tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang ilang tao ay hindi nagagalak sa katotohanan, lalo na sa paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at mga kayamanan; ang mga taong ito’y tinatawag na mga taong gustong maging makapangyarihan. Hinahanap lamang nila ang mga denominasyon sa mundo na may impluwensya at ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Sa kabila ng pagtanggap ng daan ng katotohanan, nananatili silang may pag-aalinlangan at hindi nila mailaan ang kanilang mga sarili nang lubusan. Nagsasalita sila ng pagsasakripisyo para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatitig sa mga dakilang pastor at mga guro, at isinasantabi si Cristo. Punong-puno ang kanilang mga puso ng kasikatan, kayamanan at karangalan. Talagang hindi sila naniniwala na ang isang ganoong kaliit na tao ay may kakayahan ng panlulupig ng napakarami, na ang isang hindi kapansin-pansin ay may kakayahang gawing perpekto ang mga tao. Talagang hindi sila naniniwala na itong mga walang saysay na taong kasama sa mga alikabok at mga tambak na dumi ay ang mga taong pinili ng Diyos. Naniniwala sila na kung ang mga tulad ng mga taong ito ang layunin ng pagliligtas ng Diyos, kung ganoon ang langit at lupa ay mababaliktad at lahat ng tao ay magtatawanan nang malakas. Naniniwala sila na kung pinili ng Diyos ang gayong walang saysay na mga tao na maging perpekto, kung ganoon ang mga dakilang taong iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang kanilang mga pananaw ay nababahiran ng di-pananampalataya, sa katunayan, sa halip na di-pananampalataya, ang mga ito ay malaking kahibangang mga halimaw. Sapagkat ang pinahahalagahan lamang nila ay posisyon, reputasyon at kapangyarihan; kanilang pinag-uukulan ng mataas na pagpapahalaga ang malalaking grupo at mga denominasyon. Talagang wala silang pagsasaalang-alang para sa mga pinangungunahan ni Cristo; sila ay mga traydor lamang na tumalikod kay Cristo, sa katotohanan, at sa buhay.

Paul,preaching

Hindi ang pagpapakumbaba ni Cristo ang iyong hinangaan, kundi ang mga huwad na pastol na may prominenteng katayuan. Hindi mo minamahal ang pagiging kaibig-ibig o karunungan ni Cristo, kundi ang mga walang pakundangang nauugnay sa malaswang mundo. Tinatawanan mo ang mga pasakit ni Cristo na walang lugar para pagpatungan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan ang mga bangkay na kumakamkam ng mga pag-aalay at namumuhay sa kahalayan. Hindi ka handang magdusa sa tabi ni Cristo, kundi masayang pumupunta sa mga bisig ng mga padalus-dalos na anticristo bagama’t tinutustusan ka lamang nila ng laman, mga titik at pagkontrol. Kahit ngayon, tumatalima pa rin patungo sa mga ito ang iyong puso, sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan, at sa kanilang impluwensya. Ngunit patuloy ang ugali mo na nahihirapan kang paniwalaan ang gawain ni Cristo at ayaw mong tanggapin ito. Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na wala kang pananampalataya ng pagkilala kay Cristo. Sinusunod mo lamang Siya magpahanggang ngayon dahil wala ka nang ibang magagawa. Nag-uumapaw sa puso mo ang matatayog na larawan magpakailanman; hindi mo makakalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, maging ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at mga kamay. Nasa puso ninyo sila, kataas-taasan magpakailanman at mga bayani magpakailanman. Ngunit hindi ito para sa Cristo sa panahong ito. Wala Siyang kabuluhan magpakailanman sa iyong puso at di-karapat-dapat sa paggalang magpakailanman. Sapagka’t napaka-karaniwan Niya, may lubhang napakaliit na impluwensya, at malayo sa napakatayog.

—mula sa “Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kaya may ilang tao na madalas nalilinlang ng mga taong sa panlabas ay mukhang espirituwal, mukhang kagalang-galang, mukhang may matayog na mga imahe. Para sa mga tao na may kakayahang magpaliwanag ng mga titik at mga doktrina, at ang pananalita at pagkilos ay lumalabas na karapat-dapat para sa paghanga, hindi kailanman tumingin ang mga tagahanga nila sa diwa ng kanilang mga pagkilos, sa mga prinsipyo sa likod ng kanilang mga gawa, kung ano ang kanilang mga layunin. At hindi sila kailanman tumingin sa kung tunay ba na sumusunod sa Diyos ang mga taong ito, at kung tunay ba silang may takot sa Diyos at nilalayuan ang kasamaan o hindi. Hindi nila kailanman naunawaan ang substansya ng pagkatao ng mga taong ito. Sa halip, mula sa unang antas ng pagkakilala, unti-unti, sila’y humanga sa mga taong ito, iginalang ang mga taong ito, at sa katapusan naging mga diyus-diyusan nila ang mga taong ito. Dagdag pa rito, sa isip ng ilang tao, ang mga diyus-diyusan na kanilang sinasamba, na pinaniniwalaan nila na kayang iwanan ang kanilang mga pamilya at mga trabaho, at kunwari’y nakahandang magdusa—ang mga diyus-diyusan na ito ang tunay na makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos, ang mga talagang makatatanggap ng isang magandang kalalabasan at isang mahusay na hantungan. Sa kanilang mga isip, ang mga diyus-diyusan na ito ay ang mga taong pinupuri ng Diyos. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng mga tao ng ganitong uri ng paniniwala? …

… Mayroon lamang isang pinakasanhi na nagdudulot sa mga tao para gawin ang mga ignoranteng pagkilos, mga ignoranteng pananaw, o mga isahang-panig lamang na pananaw at mga gawi, at ibabahagi Ko sa inyo ngayon ang tungkol dito. Ang dahilan nito ay bagaman maaaring sundin ng mga tao ang Diyos, manalangin sa Kanya araw-araw, at basahin ang salita ng Diyos araw-araw, hindi nila talaga nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Ito ang ugat ng problema. Kung may nakauunawa sa puso ng Diyos, nakauunawa sa mga gusto ng Diyos, kung ano ang kinasusuklaman ng Diyos, kung ano ang mga kagustuhan ng Diyos, kung ano ang tinatanggihan ng Diyos, kung anong uri ng tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng tao ang ayaw ng Diyos, kung anong uri ng pamantayan ang sumasaklaw sa mga hinihingi Niya sa tao, kung anong uri ng pamamaraan ang ginagamit Niya sa pagperpekto sa tao, maaari pa rin bang magkaroon ang taong iyan ng pansariling mga ideya? Maaari ba silang basta na lang pumunta at sambahin ang ibang tao? Puwede ba na ang isang ordinaryong tao ay maging diyus-diyusan nila? Kung nauunawaan ng isang tao ang kalooban ng Diyos, ang kanilang pananaw ay mas makatwiran kaysa diyan. Hindi nila sasambahin nang basta na lang ang isang tiwaling tao, at habang naglalakad sila sa landas ng pagsasagawa sa katotohanan, hindi rin sila maniniwala na kapantay ng pagsasagawa sa katotohanan ang basta na lang sumusunod sa ilang simpleng alituntunin o prinsipyo.

—mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Pinakamabuti para sa mga taong yaon na nagsasabing sumusunod sila sa Diyos na buksan ang kanilang mga mata at tingnang mabuti upang makita kung sino talaga ang pinaniniwalaan nila: Ang Diyos ba talaga ang iyong pinaniniwalaan, o si Satanas? Kung nalalaman mo na hindi ang Diyos ang iyong pinaniniwalaan kundi ang iyong sariling mga diyus-diyusan, kung gayon pinakamabuting huwag sabihing ikaw ay isang mananampalataya. Kung talagang hindi mo alam kung sino ang iyong pinaniniwalaan kung gayon, uli, pinakamabuting huwag sabihing ikaw ay isang mananampalataya. Ang sabihin yaon ay magiging kalapastanganan! Walang sinuman ang pumipilit sa iyo na maniwala sa Diyos. Huwag sabihin na kayo ay naniniwala sa Akin, sapagka’t sapat na ang mga salitang yaon na Aking narinig matagal na panahon na ang nakararaan at ayaw Kong marinig ulit ang mga iyan, sapagka’t ang inyong pinaniniwalaan ay ang mga diyus-diyusan sa inyong mga puso at ang lokal na mga tampalasang ahas sa gitna ninyo. Yaong mga umiiling kapag naririnig nila ang katotohanan, na ngumingiti nang maluwang kapag naririnig nila ang usapan tungkol sa kamatayan ay mga lahi ni Satanas, at ang mga iyon ay mga bagay lahat na aalisin. Umiiral sa iglesia ang maraming tao na walang pagtalos. Kapag ang isang mapanlinlang na bagay ay nangyayari, naninindigan lamang sila sa panig ni Satanas, at kapag tinawag sila na mga sunud-sunuran kay Satanas ay nadarama pa nila na masyado silang minamasama. At maaaring sabihin ng isa na wala silang pagtalos, nguni’t palagi silang naninindigan sa panig ng walang katotohanan; hindi pa nagkaroon ng kahit isang alanganing pagkakataon na sila’y nanindigan sa panig ng katotohanan, wala kahit isang pagkakataon nang sila’y nanindigan at nakipagtalo para sa katotohanan-kaya wala ba talaga silang pagtalos? Bakit palagi silang naninindigan sa panig ni Satanas? Bakit hindi sila kailanman nagsasabi ng isang salita na makatarungan o makatwiran para sa katotohanan? Ang kalagayan bang ito ay talagang nilikha ng kanilang panandaliang pagkalito? Mas kaunti ang pagtalos ng mga tao, mas hindi sila nakakapanindigan sa panig ng katotohanan. Ano ang ipinakikita nito? Hindi ba nito ipinakikita na yaong mga walang pagtalos ay umiibig sa kasamaan? Hindi ba nito ipinakikita na yaong mga walang pagtalos ay mga tapat na anak ni Satanas? Bakit ba palagi silang nakakapanindigan sa panig ni Satanas at sinasalita ang kaparehong wika nito? Ang kanilang bawat salita at gawa, at ang kanilang mga ekspresyon ng mukha ay sapat na patunay na sila ay hindi anumang uri ng mangingibig ng katotohanan, bagkus, sila ay mga taong namumuhi sa katotohanan. Na makakapanindigan sila sa panig ni Satanas ay nagpapatunay nang husto na iniibig talaga ni Satanas ang mga maliliit na diyablong ito na nakikipaglaban para sa kapakanan ni Satanas sa buong buhay nila. Hindi ba’t ang lahat ng katunayang ito ay napakalinaw?

—mula sa “Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Ano ang ibig sabihin ng pagsunod sa mga tao? Ang pagsunod sa mga tao ay nangangahulugan na ang isa ay sumusunod sa isa na kanyang sinasamba. Ang Diyos ay walang gaanong katayuan sa kanyang puso; may suot lamang siyang tanda ng pagiging naniniwala sa Diyos. Sa lahat ng ginagawa niya ginagaya niya ang mga tao at sinusunod ang kanilang halimbawa. Lalo na sa mga pangunahing bagay, hinahayaan niya ang mga tao na magpasya at hinahayaan ang mga tao na manduhan ang kanyang kapalaran. Siya mismo ay hindi naghahanap sa ninanais ng Diyos, at hindi niya iniintindi ang mga salitang sinasabi ng mga tao. Habang ang sinasabi nila ay mukhang may katwiran, hindi alintana kung ito ay sumasang-ayon sa katotohanan, tinatanggap niya ang lahat ng ito at sinusunod ito. Ito ang pag-uugali ng isang sumusunod sa mga tao. Ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay walang prinsipyo, at walang katotohanan sa kanyang mga pagkilos. Sumusunod siya sa sinumang nagsasalita nang may katwiran. Kung ang kanyang idolo ay maling landas ang tinatahak, siya ay susunod hanggang sa dulo. Kung kinokondena ng Diyos ang kanyang idolo, siya ay magkakaroon ng mga pagkaintindi sa Diyos, mahigpit na kumakapit sa kanyang idolo. Ang kanyang katuwiran ay na dapat siyang sumunod sa sinumang namumuno sa kanya. Ang mataas na opisyal ay walang laban sa malapit na tagapamahala. Ito ay ang lohika ng isang hangal. Ang mga sumusunod sa tao ay talagang ganito kalito. Ang mga taong sumusunod sa mga tao ay walang lugar sa puso nila para sa Diyos at wala silang katotohanan, at sila ay sumasamba sa mga diyus-diyusan, sila’y nailigaw na ng ibang tao, at hindi mga tunay na mananampalataya sa Diyos. Tanging yaong mga sumusunod sa Diyos ang tunay na naniniwala sa Diyos.

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Sinuman ang sinasamba mo sa iyong puso ay iyong diyus-diyusan. Sinumang sumasamba sa mga pinuno ay sumasamba sa mga diyus-diyusan. Kapag sumasamba ka sa isang tao, sasapuso mo ang kanyang katayuan, at talagang magkakaroon siya ng kapangyarihan sa iyo at magiging alipin ka niya. Sa pagpapalaganap natin ng ebanghelyo, natuklasan na natin na ang mga tao sa iba’t ibang denominasyon ay sumasambang lahat sa mga diyus-diyusan, at kontroladong lahat ng kanilang mga pinuno. Malakas pa ang loob nilang hindi tanggapin ang katotohanan, at nagkukunwari silang nakakaawang mga alipin. Ang mga taong sumasamba sa kanilang mga pinuno ay mga taong sumasamba sa mga diyus-diyusan, at siguradong walang katotohanan sa kanilang puso. Hindi nila kilala ang Diyos kahit bahagya, kaya walang puwang ang Diyos sa kanilang puso. Sila ay mga taong kinasusuklaman at isinusumpa ng Diyos. Ang Diyos ay isang matuwid na Diyos, at Siya ay isang selosong Diyos. Labis na kinamumuhian ng Diyos ang pagsamba ng mga tao sa diyus-diyusan. Napakalaking kalapastanganan sa Diyos kapag ipinantay ng isang tao ang kanilang pinuno sa Diyos. Sa katunayan, dapat ay Diyos lamang ang nasa puso ng mga taong nagbabalik sa Kanyang harapan; dapat ay walang puwang sa puso nila ang sinumang tao. Kahit nasa isipan at ideya pa nila ito, marumi at tiwali ito, at kinasusuklaman at kinamumuhian ito ng Diyos. Halos lahat ng tao ay nalilito sa bagay na ito, at humigit-kumulang ay may puwang sa puso nila ang taong sinasamba nila. Ayon sa disposisyon ng Diyos, kung may kahit kaunting puwang sa puso ng isang tao ang ibang tao, hindi ito katanggap-tanggap. Kung sa simula pa lang hanggang sa huli ay hindi mapapadalisay ang kanyang puso, ang resulta ay isusumpa siya.

May tiyak na mga palatandaan sa lahat ng sumasamba sa kanilang mga pinuno sa kanilang puso. Matutukoy sila mula sa sumusunod na mga aspeto: Kung ang pagsunod mo sa iyong pinuno ay higit pa sa pagsunod mo sa Diyos, sumasamba ka sa mga diyus-diyusan; kung ang mga taong sinasamba mo ay minimithi at pinananabikan mo nang higit kaysa sa Diyos, sumasamba ka sa mga diyus-diyusan; kung mas tapat ka sa iyong pinuno kaysa sa Diyos, sumasamba ka sa mga diyus-diyusan; kung, sa puso mo, malapit ka sa mga sinasamba mo at malayo ka sa Diyos, sumasamba ka sa mga diyus-diyusan; kung, sa puso mo, ang mga sinasamba mo ay kapantay ng Diyos, mas malaki pang katunayan ito na tinatrato mong parang Diyos ang mga taong sinasamba mo; at anuman ang mangyari sa iyo, handa kang makinig sa iyong pinuno, at hindi ka handang humarap sa Diyos para hanapin ang katotohanan, sapat na patunay ito na hindi ka naniniwala sa Diyos, kundi sa mga tao. Susubukan marahil na ipagtanggol ng ilang tao ang kanilang sarili, sinasabing: “Hanga ako talaga kay ganito’t ganoon, talagang may puwang sila sa puso ko. Hindi ko alam na medyo napalayo na ako sa Diyos sa pakikipag-ugnayan ko sa Kanya.” Ipinapakita ng mga katagang ito ang totoong sitwasyon; kapag nagkaroon ng puwang ang ibang tao sa puso ng isang tao, napapalayo ang taong iyon sa Diyos. Mapanganib ito, pero binabalewala ito ng ilang tao, wala sila ni kaunting malasakit, na nagpapakita na hindi nila alam ang disposisyon ng Diyos. … ang pagsamba sa mga tao ay malaking kamangmangan at kabulagan, napakatiwali at napakasama nito. Ang pagsamba sa mga tao ay pagsamba kay Satanas at sa mga demonyo, ito ay pagsamba sa mga anticristo, at ang mga sumasamba sa mga tao ay wala ni katiting na katotohanan. Ang ganitong mga tao ay tiyak na wala ni katiting na kaalaman tungkol sa Diyos; sila ay masasamang tao na isinumpa ng Diyos.

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Mag-iwan ng Tugon