Saan ang Panginoong Jesus Magbabalik at Magpapakita?
Alam mo ba kung saan ang Panginoong Jesus magbabalik at magpapakita? Naniniwala ako na maraming tao ang maaaring magsabi na, ang Panginoong Jesus ay magbabalik at magpapakita sa Israel dahil ang mga naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos ay ginawa sa Israel at ipinopropesiya sa Biblia, “At ang Kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan” (Zacarias 14:4). Subalit, ngayon ang mga malalaking sakuna ay mangyayari at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay malawakan ng natupad, ngunit hindi pa natin nakikita ang Panginoon na nagpakita sa Israel. Sa halip, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hayagang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na at nagpakita sa Tsina upang gawin ang Kanyang gawain. Sa tingin ng ilang tao ito ay nakakalito: Ito ay ba ay may anumang basehan sa Biblia? Bakit ang Panginoong Jesus ay magpapakita at gagawa sa Tsina sa Kanyang pagbabalik? Tayo ay mag-fellowship sa mga katanungang ito. Mangyaring ipagpatuloy ang pagbabasa.
Ang Pagpapakita ng Panginoon sa Tsina sa mga Huling Araw ay Tinutupad ang mga Propesiya sa Biblia
Mayroon bang basehan sa Biblia para sa pagbabalik at pagpapakita sa Tsina ng Panginoong Jesus? Sa katunayan, para sa kung saan magbabalik ang Panginoong Jesus, maliban sa Zacarias 14:4, ito rin ay ipinropesiya sa Malakias at Mateo. Sa karagdagan, alam nating lahat na ang mga propesiya sa Biblia ay naglalaman ng mga natatagong misteryo ng Diyos, kaya hindi tayo maaaring umasa sa sarili nating personal na pakahulugan upang ipaliwanag ang mga ito, ni hindi rin natin maaaring bigyan ng kahulugan ang mga banal na kasulatan base sa ating literal na pag-unawa sa mga salita. Tanging pagkatapos maisagawa at magkatotoo ang katotohanan ng mga gawain ng Diyos natin mauunawaan ang tunay na kahulugan ng mga propesiya ng malinaw.
Sa Malakias 1:11 sinasabi nito, “Sapagka’t mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang Aking pangalan sa mga Gentil.” Sabi sa Mateo 24:27, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.” Makikita natin ng malinaw mula sa dalawang talatang ito na sa mga huling araw ang Panginoong Jesus ay magbabalik sa Silangan ng mundo at na gagawin Niyang dakila ang Kanyang pangalan sa mga Gentil. Ang nagkatawang-taong ang Makapangyarihang Diyos ay nagsimulang magpakita sa Tsina noong 1991, isinagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos, at ipinahayag ang lahat ng mga katotohanan upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Ito ay katulad ng isang napakalaking ilaw na nagpapakita sa Silangan ng mundo na nagbibigay liwanag dito sa madilim at masamang mundo. Sa loob lamang ng dalawang maikling dekada, ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay kumalat sa buong mainland China, at milyong tao na ang tumanggap sa kaligtasan ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ngayon ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay isinalin na sa mahigit na 20 lengguwahe at nai-post na sa internet. Maraming mga tao na nagmamahal sa katotohanan at nananabik sa pagpapakita ng Diyos ay nakilala na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at ang tinig ng Diyos, at sa gayon ay bumaling na sa Makapangyarihang Diyos, isa-isa. Ang mga katotohanan ay pinatunayan na ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay kumalat mula sa Silangan patungo sa Kanluran. Ito ay ang ganap na katuparan ng propesiya na, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran.” Higit pa, tulad ng batid ng lahat, ang Tsina ay ang nasa Silangan ng mundo at ito rin ay isang Gentil na bansa na pinamamahalaan ng ateistang rehimen. Samakatuwid, mula sa katotohanan ng gawain ng Makapangyarihang Diyos, makikita rito na ang pagbabalik ng Panginoong Jesus at gawain sa Tsina ay lubos na tinutupad ang mga propesiya sa biblia.
Maaaring magtanong ang ilang tao: ang Diyos na si Jehovah ay ginawa ang Kanyang gawain sa Israel, at ang gawain ng Panginoong Jesus ay sa Judea, kaya bakit ang Panginoon ay hindi ipinagpatuloy ang Kanyang gawain sa Israel sa Kanyang pagbabalik? Ang mga salita ng Diyos ay inihayag na ang lahat ng tungkol sa bagay na ito. Ipagpatuloy ang pagbabasa.
Ang Kahulugan ng Pagbabalik ng Panginoong Jesus upang Magpakita at Gumawa sa Tsina (1)
Basahin muna natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung dumating ang Tagapagligtas sa mga huling araw at Jesus pa rin ang tawag sa Kanya, at muli Siyang isinilang sa Judea at ginawa Niya ang Kanyang gawain doon, magpapatunay ito na nilikha Ko lamang ang mga tao ng Israel at tinubos lamang ang mga tao ng Israel, at na wala Akong kinalaman sa mga Gentil. Hindi kaya ito salungat sa Aking mga salita na ‘Ako ang Panginoon na lumikha ng mga kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay’? Nilisan Ko ang Judea at ginagawa Ko ang Aking gawain sa mga Gentil dahil hindi lamang Ako Diyos ng mga tao ng Israel, kundi Diyos ng lahat ng nilalang. Nagpapakita Ako sa mga Gentil sa mga huling araw dahil hindi lamang Ako si Jehova, ang Diyos ng mga tao ng Israel, kundi, bukod diyan, dahil Ako ang Lumikha ng lahat ng hinirang Ko sa mga Gentil. Hindi Ko lamang nilikha ang Israel, Egipto, at Lebanon, kundi lahat ng bansang Gentil na lagpas pa ng Israel. Dahil dito, Ako ang Panginoon ng lahat ng nilalang. Ginamit Ko lamang ang Israel bilang panimulang punto para sa Aking gawain, kinasangkapan ang Judea at Galilea bilang matitibay na tanggulan ng Aking gawain ng pagtubos, at gayon ay ginagamit Ko ang mga bansang Gentil bilang himpilan na kung saan mula roon ay wawakasan Ko ang buong kapanahunan.” “Ipaaalam Ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng bansa ng mga Gentil, kahit na yaong Aking isinumpa. Hahayaan Kong makita ng lahat ng tao na Ako ang Diyos ng buong sangnilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking plano sa paggawa para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na tutuparin sa mga huling araw.”
Mula sa mga salita ng Diyos makikita natin na isang aspeto ng kahulugan sa likod ng pagbabalik ng Diyos upang magpakita at gumawa sa Tsina ay upang hayaan ang mga tao na makita na ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga Israelita, ngunit na Siya rin ay ang Diyos ng lahat ng mga taong Gentil at ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha. Dahil ang mga unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos ay isinagawa sa Israel, maraming tao ang nilimitahan ang Diyos sa pagiging ang Diyos ng mga Israelita at na tanging magagawa lamang ang Kanyang gawain sa Israel, na walang kahit ano pa mang kinalaman sa mga Gentil; tinukoy nila na tanging ang mga Israelita ang tunay na piniling tao ng Diyos. Sa paggawa nito, nililimitahan nila ang Diyos sa loob lamang ng Israel; ang Diyos ay walang lugar upang tumayo sa gitna ng mga Gentil, at walang ni isa na kumikilala na ang Diyos ay ang Diyos ng lahat ng sangkatauhan, na Siya ang nag-iisang tunay na Diyos. Kaya ang Panginoong Jesus ay nagbalik upang magpakita at gumawa sa Tsina upang sirain ang kuru-kuro ng lahat, upang ang mga tao ay talagang makikita na ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga Israelita, ngunit Diyos rin ng lahat ng mga bansang Gentil, at ang Diyos ng lahat ng mga nilikha. Ang Diyos ay ang Diyos ng buong sangkatauhan. Ang Diyos ay hindi lamang nagliligtas ng mga Israelita, ngunit nagliligtas rin ng mga Gentil. Ito ay tinutupad ang gawain na “Ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng nilikha.” Ito ay isa sa aspeto ng kahulugan sa likod ng pagbabalik ng Panginoong Jesus upang gumawa sa Tsina. Makikita natin mula rito na mayroong napakahalagang kahulugan sa likod ng pagpili ng Diyos upang gumawa sa Tsina, at na ang Diyos napakarunong at makapangyarihan!
Ang Kahulugan ng Pagbabalik ng Panginoong Jesus upang Magpakita at Gumawa sa Tsina (2)
Tulad ng batid ng lahat, ang Tsina ay isang bansa na pinamamahalaan ng ateistang rehimen at patuloy nitong nilalabanan ang gawain ng Diyos. Mayroon pang isang kahulugan para sa pagpili ng Diyos upang gumawa sa Tsina. Tingnan natin kung ano ang sabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol dito.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nakatala sa Lumang Tipan ang mga salita ni Jehova sa mga Israelita at ang Kanyang gawain sa Israel; nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa Judea. Ngunit bakit hindi naglalaman ang Biblia ng anumang mga pangalang Tsino? Sapagkat ang unang dalawang bahagi ng gawain ng Diyos ay isinagawa sa Israel, sapagkat ang mga tao ng Israel ay ang mga hinirang—ibig sabihin ay sila ang unang tumanggap sa gawain ni Jehova. Sila ang pinaka-hindi tiwali sa buong sangkatauhan, at sa simula, gusto nilang tingalain ang Diyos at igalang Siya. Sinunod nila ang mga salita ni Jehova, at laging nagsilbi sa templo, at nagsuot ng mga damit pangsaserdote o mga korona. Sila ang mga pinakaunang tao na sumamba sa Diyos, at ang mga pinakaunang pakay ng Kanyang gawain. Ang mga taong ito ang mga uliran at huwaran para sa buong sangkatauhan. Sila ay mga uliran at huwaran ng kabanalan at katuwiran. Ang mga taong katulad nina Job, Abraham, Lot, o Pedro at Timoteo—silang lahat ay mga Israelita, at ang mga pinakabanal sa mga huwaran at uliran. Ang Israel ang pinakaunang bansa sa sangkatauhan na sumamba sa Diyos, at mas maraming matuwid na tao ang nagmula rito kaysa sa ibang lugar. Gumawa ang Diyos sa kanila upang mas mapamahalaan Niya nang maayos ang sangkatauhan sa lahat ng dako ng lupa sa hinaharap. Ang kanilang mga nagawa at ang katuwiran ng kanilang pagsamba kay Jehova ay nakatala, upang sila ay makapagsilbi bilang mga uliran at huwaran sa mga tao sa labas ng Israel sa Kapanahunan ng Biyaya; at pinagtibay ng kanilang mga kilos ang ilang libong taon ng gawain, magpahanggang sa kasalukuyan.”
“Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, ito ang simula; ang yugto na ito ng gawain ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng isang bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa pinakamarumi sa lahat ng bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunan sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay itataboy, dadalhin ang liwanag, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao nitong pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, at ang buong populasyon ay kinilala nang mayroong Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat tao ay lubusan nang nakumbinsi, ang katotohanang ito ay gagamitin upang isagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay mayroong sinasagisag: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain ng anim na libong taon ng pamamahala ay darating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba pang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang pagsagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng mula sa laman, kay Satanas, at sa mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang pinakalubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, ang siyang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamasama at marumi, at kaya sila ang tipikal na halimbawa ng buong tiwaling sangkatauhan. … Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamakatuwiran, pagtutol, at ang pagiging mapanghimagsik. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay kaawa-awa at pinakapaurong. Ang kanilang katayuan ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay may sinasagisag, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusuri na ito sa kabuuan nito, ang susunod na gawain ng Diyos ay magiging higit na mabuti. Kung matatapos ang hakbang na ito ng gawain, ang susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos na ang hakbang na ito ng gawain, lubos nang nakamit ang malaking tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob ay dumating na sa isang ganap na katapusan.”
Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay malinaw na sinabi sa atin na, sa bawat yugto ng gawain ng Diyos, ang uri ng lugar ay pinili base sa pangangailangan ng Kanyang gawain. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, ang Diyos na si Jehova ay gumawa sa Israel; ginamit Niya si Moises upang ipahayag ang Kanyang mga batas at mga kautusan at ginabayan ang mga tao sa kanilang buhay sa lupa. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao sa anyo ng Panginoong Jesus at nagpakita at gumawa sa Judea. Ang Kanyang walang kasalanang katawang-tao ay ipinako sa krus, sa gayon tinubos ang sangkatauhan mula sa kasalanan, upang sila ay mapalaya mula sa paghatol at sumpa ng batas at magpatuloy na mabuhay. Ang mga unang dalawang yugtong ito ay hindi nagsasangkot sa pagbabago ng mga tiwaling disposisyon ng tao, kaya ang Diyos ay pinili na gumawa sa gitna ng mga Israelita na hindi gaanong tiwali, na parehong nanampalataya at sumamba sa Diyos, na mayroong pusong may takot sa Diyos. Sa pagganap sa Kanyang gawain sa gitna nila, pinakamadali para sa Diyos na gumawa ng isang grupo ng mga modelo at uliran upang sambahin Siya. Sa gayon, ang gawain ng Diyos ay maaaring kumalat ng mas mabilis at mas madali, upang ang buong sangkatauhan ay malaman ang pagkakaroon ng Diyos at gawain ng Diyos, at upang mas maraming tao ang maaaring lumapit sa Diyos at magkamit ng kaligtasan ng Diyos. Samakatuwid, iyon ang pinakamabisa, naaangkop at makahulugan para sa Diyos na gawin ang mga unang dalawang yugto ng Kanyang gawain sa Israel.
Ngayon sa mga huling araw, ang pagtiwali ni Satanas sa mga tao ay palalim ng palalim, kaya ang Diyos ay ipinapahayag ang Kanyang mga salita upang humatol at ilantad ang lahat ng iba’t-ibang mala-satanikong tiwaling disposisyon ng sangkatauhan, at nang higit sa lahat Kanya tayong ililigtas mula sa pagkaalipin sa kasalanan at hayaan tayong madalisay. Sa katapusan ay lubos Niyang matatalo si Satanas at maililigtas ang lahat ng sangkatauhan, at tapusin ang kapanahunang ito. Kung ang Diyos ay ginawa ang gawaing ito sa Israel o sa anumang ibang bansa na kung saan ang mga tao ay sinasamba ang Diyos at madaling malupig, kung gayon ang kahalagahan ng gawain ng Diyos na paglupig ay mawawala. Tanging sa paggawa ng Kanyang gawain sa bansa na pinakamadilim at pinakalumalaban sa Diyos, at sa pamamagitan muna ng paglupig at pagbuo sa mga tao na pinakamarumi at tiwali—na katumbas ng paglupig sa lahat ng sangkatauhan—magiging makabuluhan ang gawain ng paglupig, magagawang si Satanas ay lubos na mapahiya at matalo, at magagawang tunay na makamit ng Diyos ang kaluwalhatian. Alam nating lahat na ang Tsina ay ang pinakamadilim, ang pinakamasamang bansa na lubos na tumatangging kilalanin ang pag-iral ng Diyos. Simula ng mamahala ito, ang CCP ay laging tinataguyod ang ateismo, materyalismo at ang aral ng ebolusyon at hindi tinatanggap ang pag-iral ng Diyos. Isinasagawa nito ang mga mala-satanikong masamang kasabihan tulad ng “Ako ang sarili kong panginoon sa buong langit at lupa,” “Ako ay walang batas, at ako ang batas sa aking sarili,” “Mamamatay ang tao para sa pera; mamamatay ang ibon para sa pagkain,” “Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya,” at marami pa. Ginagawa nito ang lahat ng mga ito upang ang mga tao ay hindi maniwala sa pag-iral ng Diyos, at hindi alam na dapat silang manampalataya at sumamba sa Diyos. Sa halip, hinahanap ng lahat ang paghahangad sa kayamanan, katanyagan, mabuting kapalaran at katayuan bilang kanilang mga layunin sa buhay. Sila ay naging makasarili, mapagmataas, sakim, at masama, at para sa kapakanan ng pansarili nilang interes, nakikipagtunggalian sila sa isa’t isa at sinusubukang lokohin ang isa’t isa sa mga panlilinlang. Wala silang konsensya at katwiran na dapat mayroon ang isang normal na tao. Ang mga taong Tsino ang pinakamapaghimagsik at ang may pinakamalalang disposisyon na lumalaban sa Diyos sa lahat ng sangkatauhan, at mga klasikong halimbawa ng tiwaling sangkatauhan. Samakatuwid, ang gawain ng Diyos na paglupig at paghatol sa Tsina ay nagdadala ng makahulugang simbolismo. Ang paglupig ng Diyos at pagkumpleto sa mga taong ito na ginawang pinakatiwali ni Satanas at pinakalumalaban sa Diyos ay ang pinakamagpapahiya kay Satanas at ang katibayan ng ganap na tagumpay ng Diyos kay Satanas. Sa pamamagitan ng paglupig sa mga tao ng Tsina na nagawang pinakamalalim na natiwali, ang mga tao ng ibang bansa sa gayon ay mas madaling malulupig. Ito ay malinaw na ang pagbabalik ng Panginoong Jesus upang gawin ang gawain ng paglupig at paghatol sa Tsina ay napakamakahulugan, at lubos nitong inihahayag ang karunungan at pagkamakapangyarihan ng Diyos.
Mula sa pagbabahagi sa itaas, mauunawaan natin na ang pagbabalik ng Panginoong Jesus upang magpakita at gumawa sa Tsina ay upang salungatin ang kuru-kuro ng tao at hayaan tayong makita na ang Diyos ay ang Diyos ng buong sangkatauhan. Maliban pa, ito rin ay upang ganap na talunin si Satanas at lubusan tayong iligtas mula sa dominyon ni Satanas.
Halos 30 taon na simula noong mag-umpisa ang Makapangyarihang Diyos sa Kanyang gawain sa mga huling araw. Ang Diyos ay nakagawa ng grupo ng mga mananagumpay sa Tsina at sila ay naging halimbawa at modelo para sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ngayon, ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay malapit nang maabot ang pagtatapos nito. Tanging sa pagbitiw ng ating sariling mga kuru-kuro at hindi pagkulong sa gawain ng Diyos sa isang saklaw, at sa pamamagitan ng aktibong paghahanap at pagsunod sa gawain ng Diyos masasalubong natin ang pagbabalik ng Panginoon at makakamit ang kaligtasan na dala ng Panginoong Jesus sa Kanyang pagbabalik. Tulad na lamang ng sabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Ikaw man ay isang Amerikano, Ingles, o anumang iba pang lahi, dapat kang humakbang palabas ng mga hangganan ng iyong sariling lahi, nang hinihigitan ang iyong sarili, at tingnan ang gawain ng Diyos mula sa pananaw ng isang nilalang. Sa ganitong paraan, hindi ka maglalagay ng mga hangganan sa mga yapak ng Diyos. Ito ay dahil, ngayon, maraming tao ang nag-iisip na imposibleng magpapakita ang Diyos sa isang partikular na bansa o sa gitna ng partikular na mga tao. Napakalalim ng kabuluhan ng gawain ng Diyos, at napakahalaga ng pagpapakita ng Diyos! Paano masusukat ang mga ito ng mga palagay at pag-iisip ng tao? At kaya sinasabi Ko, dapat kang kumawala sa iyong mga palagay tungkol sa lahi o katutubong pinagmulan upang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa ganitong paraan ka lamang hindi masisikil ng sarili mong mga palagay; sa ganitong paraan ka lamang magiging karapat-dapat na salubungin ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi, mananatili ka sa walang-hanggang kadiliman, at hindi kailanman makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos.”
- Tala ng Patnugot:
-
Matapos basahin ang artikulong ito, dapat mong makita na ang Panginoong Jesus ay nagbalik upang magpakita at gumawa sa Tsina at malaman ang kahalagahan kung bakit ginawa ito ng Panginoong Jesus. Kung ang artikulong ito ay nakatulong sa iyo, mangyaring ibahagi ito sa iba. Kung nais mo pang may mas malaman tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, malaya kayong makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Messenger.