Menu

Natupad Na ang Mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon: Bakit Hindi Pa Siya Nakikita ng Mga Tao na Dumarating Kasama ng Mga Ulap?

Tanong: Nananabik tayong makita ang pagdating ng Panginoong Jesus sa mga ulap upang dalhin tayo sa kaharian ng langit. Gayunman, ngayon, lahat ng uri ng mga sakuna ay nagdatingan at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay malawakang natutupad na, subalit hindi pa natin nasalubong ang Panginoon. Naguguluhan tayo at nalilito: Bakit hindi pa natin nakikita ang Panginoong Jesus na dumarating sa mga ulap? Paano ba talaga natin Siya sasalubungin?

hindi-dumarating-sa-mga-ulap

Sagot: Hello! Ang mga problemang itinanong mo ay talagang tunay at ang mga ito ay ang mga bagay na agaran nating kailangang maunawaan. Una, dapat nating malaman na ang Panginoong Jesus ay matapat, at dahil iprinopesiya sa Biblia na ang Panginoong Jesus ay darating sa mga ulap, dapat itong lubos na matupad at maganap. Gayunman, ang mga pangitain ng pagbabalik ng Panginoon ay naglitawan na at hindi pa rin natin nakikita ang Panginoon na dumarating sa mga ulap o nasalubong Siya. Kaya mayroong katotohanan na dapat hanapin dito.

Katunayan, kailangan lamang nating magsiyasat sa Biblia nang maingat at madali nating madidiskubre na hindi lamang ang pagdating ng Panginoong Jesus sa mga ulap ang propesiya, at mayroon ding maraming propesiya tungkol sa Kanyang pagdating nang lihim, gaya ng “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw(Pahayag 3:3), “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15), “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6), “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip(Mateo 24:44), at “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25).

Ang sanggunian ng mga kasulatang “Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” at “pagkahating gabi ay may sumigaw” ay nagpapahiwatig na sa pagbabalik ng Panginoon, gagawin Niya nang tahimik, sa lihim. At ang “Anak ng tao” na nabanggit sa mga talata ay tumutukoy sa Diyos na nagkatawang-tao. Tanging ang katawan na ipinanganak ng tao na may normal na katauhan ang maaaring matawag na Anak ng tao. Halimbawa, ang Panginoong Jesus ay Anak ng tao, at Siya ang Espiritu ng Diyos na nagkakatawang-tao bilang isang ordinaryong tao na dumating sa gitna ng tao nang palihim upang gumawa. Samantalang kung Siya ay magpapakita sa espirituwal na katawan, hindi Siya matatawag na Anak ng tao. Halimbawa, Ang Diyos na si Jehova ay ang Espiritu at hindi tinawag na Anak ng tao. Ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus matapos ang Kanyang muling pagkabuhay ay nakatatagos sa mga dingding, nagpapakita ngayon, naglalaho ngayon. Nararamdaman ng mga tao na Siya ay higit sa karaniwan at misteryoso, at samakatuwid hindi rin Siya matatawag na ang Anak ng tao.

Sinasabi rin ng mga Kasulatan na sa pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw, magbabata Siya ng maraming paghihirap at itatakwil ng lahing ito. Kung ang Panginoong Jesus ay hayagang dumating sa mga ulap sa matayog na Espiritu, walang sinumang maglalakas loob na kalabanin Siya. Kung gayon paano Siya magbabata ng maraming paghihirap at matatanggihan ng lahing ito? Tanging kapag bumabalik ang Diyos sa katawang-tao upang palihim na maglakad sa gitna ng sangkatauhan para magmukha Siyang ordinaryong tao mula sa panlabas, na ang tao ay mabibigo na makilala ang Kanyang pagkakakilanlan, at pagkatapos ay itatakwil Siya at magbabata ng paghihirap. Kung gayon makukumpirma natin na sa pagbabalik ng Panginoon, magkakatawang-tao muna Siya at darating nang lihim at pagkatapos ay hayag na magpapakita sa tao. Ganito matutupad ang lahat ng mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon.

Matagal na panahon ng ipinropesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Sinasabi sa 1 Pedro 4:17, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” At ito’y nakatala sa Ebanghelyo ni Juan, “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol(Juan 5:22). “Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan(Juan 17:17). Makikita natin mula sa mga talatang ito na sa pagparito nang palihim ng Diyos na nagkatawang-tao, ipahahayag Niya ang katotohanan at isasagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, gamit ang katotohanan upang dalisayin at iligtas ang tao. Sa panahon ng palihim na pagdating ng nagkatawang-taong Diyos upang magpahayag ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan, lahat ng mga nakakikilala sa tinig ng Diyos mula sa katotohanan na ipinahayag ng Diyos at tumanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay mga matatalinong dalaga, at madadala sa harap ng trono ng Diyos. Gayunpaman, sa panahon ng palihim na pagbaba at paggawa ng nagkatawang-taong Diyos, ang yaong mga tumatanggi na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ang mga kumalaban pa, tumatanggi at kumokondena sa Kanya, pagkaraang matapos ang Kanyang lihim na gawain, ay tatangayin ng malalaking sakuna nang may lubos na pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin. Tutuparin nito ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoong Jesus sa mga ulap, “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Mateo 24:30). “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kaniya(Pahayag 1:7).

Samakatuwid, kung nais nating batiin ang Panginoon, gayon kapag narinig natin ang sinuman na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik sa katawang-tao, dapat tayong aktibong maghanap at magsiyasat nang nakaayon sa mga salita ng Panginoon, upang makita kung mayroong pagpapahayag ng katotohanan o wala. Sa gayong paggawa lamang natin maaaring kumpirmahin kung pagpapakita nga ito ng Panginoon at maiwasan na mapalampas ang ating pagkakataong masalubong ang Panginoon.

Kasalukuyan, sa buong mundo tanging ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang hayagang nagpapatotoo na nagbalik na sa lupa ang Panginoong Jesus sa katawang-tao upang gumawa at iligtas ang sangkatauhan, at na Siya ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Ang salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay hindi lamang tumutupad sa mga propesiya na ang Panginoon ay magbabalik bilang Anak ng tao at paparitong palihim, ngunit tinutupad rin ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon upang magpahayag ng katotohanan at upang isagawa ang gawain ng paghatol. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng milyun-milyong mga salita at isinasakatuparan ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Itinustos din Niya sa atin ang lahat ng mga katotohanang ipinropesiya ng Panginoong Jesus na ibibigay Niya sa sangkatauhan, tulad ng layunin ng Diyos sa Kanyang pamamahala sa sangkatauhan, ang kwento sa loob ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang pangunahing sanhi ng kasalanan ng sangkatauhan, paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, paano isinasakatuparan ng Diyos ang gawain ng paghatol upang gawing perpekto ang isang grupo ng mga tao bilang mananagumpay, paano paghihiwa-hiwalayin ang tao ayon sa kanilang uri, paano matutupad ang kaharian ni Cristo, at higit pa. Inilahad sa atin ng Diyos ang lahat ng mga hiwagang ito. Bilang karagdagan, sinabi rin sa atin ng Makapangyarihang Diyos kung anong uri ng mga tao ang nais at hindi nais ng Diyos, paano tayo magsasagawa upang malutas ang ating mga tiwaling disposisyon at ang ating makasalanang kalikasan, upang ganap na makatakas mula sa impluwensya ni Satanas, at madalisay at makamit ang ganap na kaligtasan ng Diyos, paano tayo magiging mga taong gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit, at kung ano ang totoong pagsunod sa Diyos at tunay na pagmamahal sa Diyos. Ang mga nagmamahal ng katotohanan sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon ay nakarinig ng mga pahayag ng Makapangyarihang Diyos, at kinikilala na ang Kanyang mga salita ay katotohanan, ang tinig ng Diyos. Isa-isa, lumapit sila sa trono ng Makapangyarihang Diyos at dumalo sa piging ng kasal ng Cordero. Ito ang tumpak na katuparan ng mga sumusunod na propesiya, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Naitaas sila sa harap ng Diyos at naranasan ang paghatol ng mga salita ng Diyos, at ang kanilang mga disposisyon sa buhay ay nabago sa iba’t ibang antas. Ang mga taong ito ang pinakapinagpala sa lahat at papatnubayan ng Diyos sa susunod na panahon at mamanahin ang Kanyang mga pangako at pagpapala.

Ngayon ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay paparating na sa pagtatapos nito. Kapag ang mga tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos ay nagawa na bilang mga mananagumpay, ang gawain ng Diyos upang iligtas ang tao sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan bago ang mga malalaking sakuna ay magtatapos. Pagkatapos ay ibabagsak ng Diyos ang malalaking sakuna sa buong mundo at magsisimula Siyang gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama. Pagkatapos ang Diyos ay magpapakita nang hayagan sa lahat ng mga bansa at mga tao. Sa oras na iyon, ang mga hindi tumanggap ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at ang mga tumanggi pa, kumondena at kumalaban sa Makapangyarihang Diyos sa panahon kung saan ang Diyos ay lihim na pumarito, lahat ay ihahayag bilang mga panirang damo at masasamang lingkod. Makikita nila na ang Makapangyarihang Diyos, na kanilang nilabanan, ay walang iba kundi ang Panginoong Jesus na bumalik sa katawang-tao. Huli na ang lahat para sa mga pagsisisi. Magagawa lamang nilang tumangis at magngalit ng kanilang mga ngipin. Tiyak na natutupad nito ang Pahayag 1: 7, “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kaniya.

Maaari nating makita mula sa lahat ng ito na ang yugto kung saan ang Makapangyarihang Diyos ay nagkatawang-tao at lihim na pumarito upang gumawa ay tiyak na ang pinakamahalagang oras nang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Lahat ng mga tumatanggap sa natatagong gawain ng Makapangyarihan Diyos at nagawang mga mananagumpay ay ang pinakapinagpala sa lahat. Kung maghihintay lamang tayo sa Panginoong Jesus na dumating sa mga ulap, at hindi kailanman siniyasat o tinanggap ang gawain ng lihim na pagparito ng Makapangyarihang Diyos, tiyak na mahuhulog tayo sa mga sakuna at maparurusahan. Tulad ng babala sa atin ng Makapangyarihang Diyos, “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at gagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng paghatol. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mayabang, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang.

Nauunawaan natin ngayon na ang oras kung kailan nagpapakita ang Panginoon nang hayagan ay ang oras na gagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Iyon ang dahilan kung bakit, bago dumating ang oras na iyon, dapat tayong maging matatalinong dalaga, siyasatin at tanggapin ang salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa Kanyang lihim na pagparito sa mga huling araw. Sa gayon lamang tayo magkakaroon ng pagkakataon na makamit ang buong kaligtasan ng Diyos at madala sa Kanyang kaharian.

Tala ng Patnugot:

Matapos basahin ang sanaysay na ito, nakakuha tayo ng kalinawan sa kung bakit hindi pa natin nakikita ang Panginoong Jesus na dumarating sa mga ulap at kung paano tayo dapat magsagawa upang salubungin Siya. Kung mayroon kang anumang iba pang mga katanungan o pagkalito tungkol sa pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin gamit ang mga online chat button sa ibaba. Sasagutin namin ang anumang mga katanungan na maaaring mayroon ka.

Mag-iwan ng Tugon