Menu

12 Talata ng Bibliya tungkol sa Pagkakaibigan

Lahat tayo ay nagnanais na magkaroon ng mga tunay na kaibigan. Gayunman, kapag nahaharap sa mga bagay na may kinalaman sa mukha at interes, madalas tayong lumalayo mula sa iba at nagiging kalaban sa iba. Kaya paano natin maitatatag ang tunay na pakikipagkaibigan sa iba? Ano ang itinuturo sa atin ng Bibliya tungkol sa aspektong ito? Ang 12 mga talata ng Bibliya tungkol sa pagkakaibigan ay magiging malaking tulong sa iyo. Basahin na ngayon.

Bible Verse About Friendship Tagalog,Pagkakaibigan

Awit 15:1-3

Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo? Sinong tatahan sa iyong banal na bundok? Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran, at nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso. Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila, ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan, ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.

Kawikaan 13:20

Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara.

Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.

Kawikaan 18:24

Ang nagpaparami ng mga kaibigan ay sa kaniyang sariling kapahamakan: nguni't may kaibigan na mahigit kay sa isang kapatid.

Kawikaan 19:6

Marami ang mamamanhik ng lingap sa magandang-loob: at bawa't tao ay kaibigan ng nagbibigay ng mga kaloob.

Kawikaan 20:19

Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi.

Kawikaan 22:24

Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama.

Kawikaan 27:6

Tapat ang mga sugat ng kaibigan: nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis.

Kawikaan 27:9

Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso: gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo.

Kawikaan 27:17

Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal; gayon ang tao ay nagpapatalas sa mukha ng kaniyang kaibigan.

1 Corinto 5:11

Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo.

1 Pedro 3:8

Katapustapusan, kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, mangagibigang tulad sa magkakapatid, mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip.

Mag-iwan ng Tugon