Ang 10 nangunguna na mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Pagpapasalamat
Tayo ay madalas na makakasalamuha ng mga nakakapagpabagabag na mga bagay,o malungkot na mga pangyayari, o malaki at maliit na mga pagsubok. Gayunman, kung gusto natin na madalas na magpasalamat sa Diyos, kailangan natin na tumingin sa Diyos, umasa sa Diyos at hanapin ang paraan ng pagsasagawa. Ang 10 mga sumusunod na talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapasalamat ay magtuturo sa atin kung paano madalas na magpasalamat sa Diyos at nang mamuhay sa pag-ibig ng Diyos.
1 Tesalonica 5:16-18
Mangagalak kayong lagi; Magsipanalangin kayong walang patid; Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo.
Mga Hebreo 12:28
Kaya't pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw, ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios.
Filipos 4:6
Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
Awit 28:7
Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kalasag; ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan: kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam; at aking pupurihin siya ng aking awit.
Awit 34:1
Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon: ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.
Awit 95:2-3
Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan. Sapagka't ang Panginoon ay dakilang Dios, at dakilang Hari sa lahat ng mga dios.
Colosas 4:2
Manatili kayong palagi sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na may pagpapasalamat.
1 Paralipomeno 16:34
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: Sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.
Awit 118:28
Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
Awit 100:4
Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri: mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan.
Rekomendasyon: