Ang 6,000 taong gawain ng pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto: ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan, na ang ibig sabihin, ang mga ito ay para sa kaligtasan ng isang sangkatauhan na labis na pinasama ni Satanas. Ngunit, kasabay nito, ang mga ito ay para rin makapagsagawa ang Diyos ng pakikidigma kay Satanas. Kaya, yamang ang gawain ng pagliligtas ay nahahati sa tatlong yugto, kaya ang pakikidigma kay Satanas ay nahahati rin sa tatlong yugto, at ang dalawang aspeto ng gawain ng Diyos ay sabay na pangangasiwaan. Ang pakikidigma kay Satanas ay talagang para sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan, at dahil sa ang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay hindi isang bagay na maaaring matagumpay na makumpleto sa iisang yugto, ang pakikidigma kay Satanas ay hinati rin sa mga bahagi at yugto, at isasagawa ang digmaan kay Satanas alinsunod sa mga pangangailangan ng tao at sa lawak ng katiwalian ni Satanas sa kanya. Marahil, sa imahinasyon ng tao, siya ay naniniwala na sa digmaang ito ay maghahandang makipagsagupaan ang Diyos laban kay Satanas, sa parehong paraan na ang dalawang hukbo ay maglalaban sa isa’t isa. Ito lamang ay bagay na kayang guni-gunihin ng talino ng tao, at ito ay lubos na malabo at di makatotohanang mga ideya, ngunit ito ang pinaniniwalaan ng tao. At sapagkat sinasabi Ko rito na ang paraan ng ikaliligtas ng tao ay sa pamamagitan ng pakikidigma kay Satanas, iniisip ng tao na sa ganitong paraan isasagawa ang pakikidigma. Sa gawain sa kaligtasan ng tao, tatlong yugto na ang natupad, ito ay upang sabihin na ang pakikidigma kay Satanas ay hinati sa tatlong yugto bago pa ang lubos na pagkatalo kay Satanas. Ngunit ang panloob na katotohanan ng kabuuang gawain sa pakikidigma kay Satanas ay ang mga epekto nito ay matatamo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng biyaya sa tao, at pagiging alay sa kasalanan ng tao, pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao, paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao. Sa katunayan, ang pakikidigma kay Satanas ay hindi ang paghandang makipagsagupaan laban kay Satanas, ngunit ang kaligtasan ng tao, ang paggawa sa buhay ng tao, at ang pagbabago sa disposisyon ng tao upang siya ay maglahad ng patotoo sa Diyos. Sa ganito natalo si Satanas. Si Satanas ay matatalo sa pamamagitan ng pagbabago sa tiwaling disposisyon ng tao. Kapag natalo na si Satanas, ito ay, kapag ang tao ay lubos nang ligtas, sa gayon ang napahiyang si Satanas ay tuluyan nang magagapos, at sa ganitong paraan, ang tao ay lubos nang maliligtas. At kaya, ang diwa ng kaligtasan ng tao ay ang pakikidigma kay Satanas, at ang digmaan kay Satanas ay unang-unang masasalamin sa kaligtasan ng tao. Ang yugto sa mga huling araw, kung saan ang tao ay lulupigin, ay ang huling yugto sa digmaan kay Satanas, at ito rin ang gawain sa lubos na kaligtasan ng tao sa sakop ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng paglupig sa tao ay ang pagbabalik ng sagisag ni Satanas, ang tao na pinasama ni Satanas, sa Lumikha kasunod ng kanyang paglupig, sa pamamagitan nito ay pababayaan niya si Satanas at tuluyang magbabalik sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay tuluyan nang maliligtas. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa pakikidigma laban kay Satanas, at ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Kung wala ang gawain na ito, ang lubos na kaligtasan ng tao sa huli ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi kailanman makapapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makalalaya sa impluwensya ni Satanas. Dahil dito, ang gawain sa pagliligtas ng tao ay hindi maaaring matapos hanggang ang pakikidigma kay Satanas ay matapos, sapagkat ang buod ng gawain sa pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa tukso at katiwalian ni Satanas, ang tao ay nagapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging bagay na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inari ni Satanas, at dahil ang tao ang produkto sa lahat ng pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang siyang agawin sa mga kamay ni Satanas, ito ay upang sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos nitong mabihag ni Satanas. Si Satanas ay natalo sa pamamagitan ng mga pagbabago sa lumang disposisyon ng tao na nagpanumbalik sa kanyang orihinal na pakiramdam, at sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaaring maagaw muli sa mga kamay ni Satanas. Kung mapalalaya ang tao sa impluwensya at pagkaalipin ni Satanas, mapapahiya si Satanas, ang tao sa huli ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, at ang tao ang magiging samsam sa lahat ng mga labanang ito, at si Satanas ay magiging bagay na parurusahan sa oras na matapos ang labanang ito, pagkatapos na ang kabuuang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay makumpleto na.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan