Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 494

732 2020-09-25

Ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay nanggagaling sa kaibuturan ng puso; ito ay isang pag-ibig na umiiral lamang batay sa kaalaman ng tao tungkol sa Diyos. Kapag ang puso ng isang tao ay ganap na bumabaling sa Diyos, taglay nila ang pag-ibig sa Diyos, ngunit ang pag-ibig na iyon ay maaaring hindi dalisay at hindi lubos. Ito ay dahil mayroon pa ring kaunting agwat sa pagitan ng puso ng isang tao na lubusang bumabaling sa Diyos at ng pagkakaroon ng taong iyon ng tunay na pagkaunawa sa Diyos at tunay na pagsamba sa Kanya. Ang paraan para matamo ng tao ang tunay na pag-ibig sa Diyos at malaman ang disposisyon ng Diyos ay ang ibaling ang kanyang puso sa Diyos. Kapag ibinibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos, nagsisimula siyang pumasok sa karanasan ng buhay. Sa ganitong paraan, ang kanyang disposisyon ay nagsisimulang magbago, ang kanyang pag-ibig sa Diyos ay unti-unting lumalago, at ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay unti-unti ring nadaragdagan. Kaya, ang pagbaling ng puso ng tao sa Diyos ay paunang kondisyon lamang para makapasok sa tamang landas ng karanasan sa buhay. Kapag inilalagay ng mga tao ang kanilang mga puso sa harap ng Diyos, mayroon lamang silang puso na nasasabik sa Kanya ngunit hindi ang pag-ibig para sa Kanya, sapagkat wala silang taglay na pagkaunawa sa Kanya. Bagama’t sa pagkakataong ito ay mayroon silang kaunting pag-ibig para sa Kanya, ito ay hindi kusa at ito ay hindi tunay. Ito ay dahil anumang nanggagaling sa laman ng tao ay isang produkto ng damdamin at hindi nagmumula sa tunay na pagkaunawa. Ito ay isa lamang bugso ng damdamin at hindi ito maaaring magdulot ng pangmatagalang pagsamba. Kapag ang mga tao ay walang pagkaunawa sa Diyos, maaari lamang nila Siyang ibigin batay sa kanilang sariling mga kagustuhan at sa kanilang indibiduwal na mga pagkaunawa; ang ganitong uri ng pag-ibig ay hindi matatawag na kusang pag-ibig, ni matatawag na tunay na pag-ibig. Ang puso ng tao ay maaaring tunay na bumaling sa Diyos, at magkaroon ng kakayahang isipin ang kapakanan ng Diyos sa lahat ng bagay, ngunit kung wala siyang pagkaunawa sa Diyos, hindi siya magkakaroon ng kakayahang magtaglay ng tunay na kusang pag-ibig. Ang tanging magagawa niya ay tuparin ang ilang gampanin para sa iglesia o gawin nang kaunti ang kanyang tungkulin, ngunit gagawin niya ito nang walang batayan. Ang disposisyon ng ganitong uri ng tao ay mahirap baguhin; ang gayong mga tao ay hindi naghahanap ng katotohanan, o hindi ito nauunawaan. Kahit na ganap na ibinabaling ng isang tao ang kanyang puso sa Diyos, hindi ito nangangahulugan na ang kanyang pusong umiibig sa Diyos ay ganap na dalisay, sapagkat yaong mga taglay ang Diyos sa kanilang puso ay hindi tiyak na nagtataglay ng pag-ibig sa Diyos sa kanilang mga puso. Ito ay tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng isang tao na naghahangad o hindi ng pagkaunawa sa Diyos. Sa sandaling ang isang tao ay magkaroon ng pagkaunawa sa Kanya, ipinakikita nito na ang kanyang puso ay ganap nang bumaling sa Diyos, ipinakikita nito na ang kanyang tunay na pag-ibig sa Diyos sa kanyang puso ay kusa. Tanging ang ganitong uri ng tao ang taglay ang Diyos sa kanilang puso. Ang pagbaling ng puso ng isang tao sa Diyos ay isang paunang kondisyon para makapunta siya sa tamang landas, para maunawaan ang Diyos, at para matamo ang pag-ibig sa Diyos. Hindi ito isang pananda ng pagkumpleto ng tungkulin ng isang tao na ibigin ang Diyos, ni isang pananda ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig sa Kanya. Ang tanging paraan para makamit ng isang tao ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang ibaling ang kanyang puso sa Kanya, na siya ring unang bagay na dapat gawin ng isang tao bilang isa sa Kanyang mga nilikha. Yaong mga umiibig sa Diyos ay pawang mga tao na naghahangad ng buhay, iyon ay, mga taong naghahanap sa katotohanan at tunay na ninanais ang Diyos; taglay nilang lahat ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu at naantig na Niya. Nakakamit nilang lahat ang paggabay ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa

Mag-iwan ng Tugon