Ginagamit ng Diyos ang katotohanan at ang pagdating ng mga katotohanan upang gawing perpekto ang mga tao; tinutupad ng mga salita ng Diyos ang bahagi ng Kanyang pagpeperpekto sa tao, at ito ang gawa ng paggabay at pagbubukas ng daan. Na ang ibig sabihin, sa mga salita ng Diyos ay dapat mong mahanap ang daan ng pagsasagawa, at dapat mahanap ang kaalaman ng mga pangitain. Sa pag-unawa ng mga bagay na ito, magkakaroon ang tao ng isang landas at pangitain kapag ito ay aktwal na isinagawa, at magagawang maliwanagan sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, mauunawaan din nila na ang mga bagay na ito ay galing sa Diyos, at mas magagawang maunawaan. Matapos unawain, kailangan nilang pumasok agad sa katotohanang ito, at dapat gamitin ang mga salita ng Diyos upang bigyang kasiyahan ang Diyos sa kanilang aktwal na buhay. Gagabayan ka ng Diyos sa lahat ng bagay, at bibigyan ka ng landas ng pagsagawa, at ipapadama sa iyo na ang Diyos ay kaibig-ibig, at hahayaan kang makita na ang bawat hakbang ng gawa ng Diyos sa iyo ay upang gawin kang perpekto. Kung nais mong makita ang pag-ibig ng Diyos, kung nais mong tunay na maranasan ang pag-ibig ng Diyos, gayon kailangan mong magtungo sa kailaliman ng katotohanan, kailangan mong magtungo sa kailaliman ng tunay na buhay, at makita na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay pag-ibig, at kaligtasan, at nang magawang iwanan ng mga tao kung alin ang hindi malinis, at upang pinuhin ang mga bagay sa loob nila na hindi kayang palugurin ang kalooban ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng mga salita upang makapaglaan sa tao habang lumilikha ng mga kapaligiran sa tunay na buhay na pinahihintulutan ang mga tao na maranasan, at kung kumakain at umiinom ang mga tao ng maraming salita ng Diyos, sa gayon kapag kanilang isinagawa ang mga ito, malulutas nila ang lahat ng mga paghihirap sa kanilang buhay gamit ang mga salita ng Diyos. Na ang ibig sabihin ay, kailangan mayroon kang mga salita ng Diyos upang makarating nang malalim sa katotohanan; kung hindi mo kakainin at iinumin ang mga salita ng Diyos, at walang gawa ng Diyos, sa gayon ikaw ay walang landas sa tunay na buhay. Kung hindi ka pa kailanman nakakain o nakainom ng mga salita ng Diyos, sa gayon ikaw ay malilito kapag mayroong nangyari sa iyo. Alam mo lamang ibigin ang Diyos, at hindi kaya ang anumang pagkakaiba, at walang landas ng paggawa; ikaw ay naguguluhan at nalilito, at kung minsan ikaw ay naniniwala na sa pamamagitan ng pagbibigay kasiyahan sa katawang-tao, ikaw ay nagbibigay kasiyahan sa Diyos—na ang lahat ay resulta ng hindi pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Na ang ibig sabihin, kung ikaw ay walang tulong ng mga salita ng Diyos, at tanging nangangapa sa loob ng katotohanan, sa gayon pangunahin kang walang kakayahang mahanap ang landas ng pagsasagawa. Ang mga tao na tulad nito ay payak na hindi maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng paniniwala sa Diyos, mas lalong hindi nila naiintindihan kung ano ang ibig sabihin kung paano mahalin ang Diyos. Kung, gagamitin ang pagliliwanag at pag-gabay ng mga salita ng Diyos, madalas kang manalangin, at magsiyasat, at maghanap, kung saan matutuklasan mo na kung saan nararapat mong isagawa, maghanap ng mga pagkakataon para sa gawain ng Banal na Espiritu, tunay na makipagtulungan sa Diyos, at hindi naguguluhan at nalilito, sa gayon ay magkakaroon ka ng landas sa tunay na buhay, at talagang magbibigay kasiyahan sa Diyos. Kapag iyong nabigyang kasiyahan ang Diyos, sa loob mo ay magkakaroon ng paggabay ng Diyos, at ikaw ay higit na pagpapalain ng Diyos, na magbibigay sa iyo ng isang pakiramdam ng kasiyahan: Makakaramdam ka ng karangalan na nabigyan mo ng kasiyahan ang Diyos, makakaramdam ka ng higit na liwanag sa kalooban, at sa iyong puso ikaw ay malinis at mapayapa, ang iyong konsensya ay aaliwin at malaya sa mga bintang, at mararamdaman mong magaan ang kalooban kapag nakita mo ang iyong mga kapatid. Ito ang ibig sabihin ng pagkalugod sa pag-ibig ng Diyos, at ito lamang ang tunay na pagtamasa sa Diyos. Ang pagtamasa ng tao sa pag-ibig ng Diyos ay makakamit sa pamamagitan ng pagdanas nito: Sa pagdanas ng paghihirap, at pagdanas ng pagsasagawa ng katotohanan, nakakamit nila ang mga biyaya ng Diyos. Kung sinasabi mo lamang na mahal ka talaga ng Diyos, na ang Diyos ay nagbayad ng malaking halaga sa mga tao, na Siya ay matiyaga at magalang magbigkas ng maraming salita, at laging inililigtas ang mga tao, ang iyong pagbigkas sa mga salitang ito ay isa lamang bahagi ng kasiyahan ng Diyos. Ang mas totoong kasiyahan ay kung ilalagay ng tao ang katotohanan sa pagsasagawa sa kanilang tunay na buhay, at matapos nito sila ay magiging mapayapa at malinaw sa kanilang puso, higit nilang mararamdaman ang kahabagan sa kaloob-looban, at ang Diyos ay kaibig-ibig. Iyong madarama na ang halaga ng iyong binayaran ay kapaki-pakinabang. Matapos bayaran ng malaking halaga ang iyong pagsusumikap, magbibigay ito sa iyo ng higit na kaliwanagan sa kalooban: Mararamdaman mong ikaw ay tunay na nasisiyahan sa pag-ibig ng Diyos, at maunawaan na ang Diyos ay tapos na sa gawain ng kaligtasan ng mga tao, na ang Kanyang pagpipino sa mga tao ay upang linisin sila, at nililitis ng Diyos ang mga tao upang subukin kung ang mga ito ay tunay na nagmamahal sa Kanya. Kung lagi mong ilalagay ang katotohanan sa pagsasagawa sa ganitong paraan, sa gayon ay unti-unti kang makabubuo ng isang malinaw na kabatiran ng lawak ng gawa ng Diyos, at sa panahong iyon ay lagi mong mararamdaman na ang mga salita ng Diyos sa iyong harapan ay kasing linaw ng kristal. Kung kaya mong malinaw na maunawaan ang maraming katotohanan, mararamdaman mo na ang lahat ng bagay ay madaling ilagay sa pagsasagawa, na makakaya mong pagtagumpayan ang suliraning ito, at pagtagumpayan ang tuksong iyon, at makikita mo na walang kahit anumang problema para sa iyo, na kung saan ikaw ay magiging labis na ligtas at malaya. Sa sandaling ito iyong matatamasa ang pag-ibig ng Diyos, at ang tunay na pag-ibig ng Diyos ay darating sa iyo. Pinagpapala ng Diyos ang mga taong may mga pangitain, na may katotohanan, na may kaalaman, at tunay na nagmamahal sa Kanya. Kung nais ng mga tao na pagmasdan ang pag-ibig ng Diyos, dapat nilang isagawa ang katotohanan sa tunay na buhay, dapat handa silang magtiis sa sakit at talikuran ang kanilang iniibig upang pasiyahan ang Diyos, at sa kabila ng mga luha sa kanilang mga mata, dapat pa rin silang magbigay-kasiyahan sa puso ng Diyos. Sa ganitong paraan, tiyak na pagpapalain ka ng Diyos, at kung matitiis mo ang paghihirap tulad nito, ito ay susundan ng gawa ng Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng tunay na buhay, at sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos, ang mga tao ay magagawang makita ang kagandahan ng Diyos, at sa paglasap lamang sa pagmamahal ng Diyos na tunay nila Siyang mamahalin.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag