Yaong mga hindi naghahanap ng pagsulong ay palaging nag-aasam para sa iba na maging negatibo at batugan din gaya ng kanilang mga sarili, yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan ay naiinggit sa mga nagsasagawa ng katotohanan. Yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan ay nagnanais palagi na linlangin yaong mga tanga at yaong salat sa pagtalos. Ang mga bagay na ibinubulalas ng mga taong ito ay nagsasanhi upang ikaw ay manghina, dumausdos pababa, magkaroon ng abnormal na mga kalagayan at mapuno ng kadiliman sa loob; nagsasanhi sila upang mapalayo ka mula sa Diyos, at gagawin ka nilang nagpapahalaga sa laman at nagpapasasa sa iyong sarili. Yaong mga hindi umiibig sa katotohanan, na palaging nakikitungo sa Diyos nang wala sa loob ay mga walang kaalaman sa sarili, at inaakit ng kanilang mga disposisyon ang mga tao tungo sa paggawa ng mga kasalanan at pagsuway sa Diyos. Hindi sila nagsasagawa ng katotohanan at hindi rin tinutulutan ang iba na magsagawa nito. Pinahahalagahan nila ang kasalanan at walang pagkamuhi para sa kanilang mga sarili. Hindi nila nakikilala ang kanilang mga sarili at pinipigilan ang iba mula sa pagkilala sa kanilang mga sarili, at pinipigilan nila ang iba mula sa pananabik para sa katotohanan. Yaong kanilang mga nililinlang ay hindi nakakakita sa liwanag at nahuhulog tungo sa kadiliman, hindi nakikilala ang kanilang mga sarili, mga hindi malinaw tungkol sa katotohanan at napapalayo nang napapalayo mula sa Diyos. Hindi sila nagsasagawa ng katotohanan at pinipigilan nila ang iba mula sa pagsasagawa ng katotohanan, dinadala ang mga taong hangal na yaon sa harap nila. Sa halip na sabihing naniniwala sila sa Diyos, mas makabubuting sabihin na naniniwala sila sa kanilang mga ninuno, na ang kanilang pinaniniwalaan ay ang mga diyos-diyosan sa kanilang mga puso. Pinakamabuti para sa mga taong yaon na nagsasabing sumusunod sila sa Diyos na buksan ang kanilang mga mata at tingnang mabuti upang makita kung sino talaga ang pinaniniwalaan nila: Ang Diyos ba talaga ang iyong pinaniniwalaan, o si Satanas? Kung nalalaman mo na hindi ang Diyos ang iyong pinaniniwalaan kundi ang iyong sariling mga diyos-diyosan, kung gayon pinakamabuting huwag sabihing ikaw ay isang mananampalataya. Kung talagang hindi mo alam kung sino ang iyong pinaniniwalaan kung gayon, uli, pinakamabuting huwag sabihing ikaw ay isang mananampalataya. Ang sabihin yaon ay magiging kalapastanganan! Walang sinuman ang pumipilit sa iyo na maniwala sa Diyos. Huwag sabihin na kayo ay naniniwala sa Akin, sapagka’t sapat na ang mga salitang yaon na Aking narinig matagal na panahon na ang nakararaan at ayaw Kong marinig ulit ang mga iyan, sapagka’t ang inyong pinaniniwalaan ay ang mga diyos-diyosan sa inyong mga puso at ang lokal na mga tampalasang ahas sa gitna ninyo. Yaong mga umiiling kapag naririnig nila ang katotohanan, na ngumingiti nang maluwang kapag naririnig nila ang usapan tungkol sa kamatayan ay mga lahi ni Satanas, at ang mga iyon ay mga bagay lahat na aalisin. Umiiral sa iglesia ang maraming tao na walang pagtalos. Kapag ang isang mapanlinlang na bagay ay nangyayari, naninindigan lamang sila sa panig ni Satanas, at kapag tinawag sila na mga sunud-sunuran kay Satanas ay nadarama pa nila na masyado silang minamasama. At maaaring sabihin ng isa na wala silang pagtalos, nguni’t palagi silang naninindigan sa panig ng walang katotohanan; hindi pa nagkaroon ng kahit isang alanganing pagkakataon na sila’y nanindigan sa panig ng katotohanan, wala kahit isang pagkakataon nang sila’y nanindigan at nakipagtalo para sa katotohanan—kaya wala ba talaga silang pagtalos? Bakit palagi silang naninindigan sa panig ni Satanas? Bakit hindi sila kailanman nagsasabi ng isang salita na makatarungan o makatwiran para sa katotohanan? Ang kalagayan bang ito ay talagang nilikha ng kanilang panandaliang pagkalito? Mas kaunti ang pagtalos ng mga tao, mas hindi sila nakakapanindigan sa panig ng katotohanan. Ano ang ipinakikita nito? Hindi ba nito ipinakikita na yaong mga walang pagtalos ay umiibig sa kasamaan? Hindi ba nito ipinakikita na yaong mga walang pagtalos ay mga tapat na anak ni Satanas? Bakit ba palagi silang nakakapanindigan sa panig ni Satanas at sinasalita ang kaparehong wika nito? Ang kanilang bawat salita at gawa, at ang kanilang mga ekspresyon ng mukha ay sapat na patunay na sila ay hindi anumang uri ng mangingibig ng katotohanan, bagkus, sila ay mga taong namumuhi sa katotohanan. Na makakapanindigan sila sa panig ni Satanas ay nagpapatunay nang husto na iniibig talaga ni Satanas ang mga maliliit na diyablong ito na nakikipaglaban para sa kapakanan ni Satanas sa buong buhay nila. Hindi ba’t ang lahat ng katunayang ito ay napakalinaw? Kung ikaw ay talagang isang tao na umiibig sa katotohanan, kung gayon bakit hindi ka nagkakaroon ng anumang pagsasaalang-alang sa mga yaon na nagsasagawa ng katotohanan, at bakit mo kaagad sinusunod yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan sa sandaling nagkakaroon sila ng pagbabago ng pagpapahayag? Anong uri ng suliranin ito? Wala Akong pakialam kung mayroon ka mang pagtalos o wala, wala Akong pakialam kung gaano mang kalaking halaga ang iyong naibabayad, wala Akong pakialam kung gaano man kalakas ang iyong mga puwersa at wala Akong pakialam kung ikaw man ay isang lokal na ahas na tampalasan o isang tagapangunang may dala ng bandila. Kung ang iyong mga puwersa ay malakas kung gayon iyon ay sa tulong lamang ng lakas ni Satanas. Kung ang iyong karangalan ay mataas, kung gayon iyon ay dahil lamang sa napakarami ang nakapaligid sa iyo na hindi nagsasagawa ng katotohanan. Kung hindi ka pa naititiwalag, kung gayon iyon ay dahil hindi ngayon ang panahon ng gawaing pagtitiwalag; sa halip ito ay panahon para sa gawaing pag-aalis. Walang pagmamadali na itiwalag ka ngayon. Kailangan Ko lamang maghintay para dumating ang araw na iyon, pagkatapos mong naalis, upang parusahan ka. Sinumang hindi nagsasagawa ng katotohanan ay maaalis!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan