Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 257

555 2020-12-25

Sa Kanyang pagpapahayag ng katotohanan, ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon at diwa; ang Kanyang pagpapahayag ng katotohanan ay hindi nababatay sa mga buod ng sangkatauhan sa iba’t-ibang positibong bagay at mga pananalita na kinikilala ng sangkatauhan. Ang mga salita ng Diyos ay mga salita ng Diyos; ang mga salita ng Diyos ay katotohanan. Ang mga ito ang pundasyon at ang batas kung saan dapat umiral ang sangkatauhan, at yaong diumano’y mga doktrinang nagmumula sa sangkatauhan ay kinokondena ng Diyos. Hindi nakakamit ng mga ito ang Kanyang pagsang-ayon, at lalo nang hindi ang mga ito ang pinagmulan o batayan ng Kanyang mga pagbigkas. Ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon at ang Kanyang diwa sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Lahat ng salitang inilabas ng pagpapahayag ng Diyos ay katotohanan, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at Siya ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Ang katunayan na ang mga salita ng Diyos ay katotohanan ay hindi nagbabago, gaano man inilalagay o ipinapakahulugan ng tiwaling sangkatauhan ang mga ito, ni kung paano nila ipinapalagay o inuunawa ang mga ito. Ilang salita man ng Diyos ang nasambit na, at gaano man kinokondena nitong tiwali at makasalanang sangkatauhan ang mga ito, maging hanggang sa hindi mapalaganap ang mga ito, at maging hanggang sa puntong maharap ang mga ito sa pag-alipusta ng tiwaling sangkatauhan—kahit sa mga sitwasyong ito, nananatili ang isang katunayan na hindi mababago: Ang diumano’y kultura at mga tradisyon na pinahahalagahan ng sangkatauhan, sa kabila ng mga dahilang nakalista sa itaas, ay hindi magiging mga positibong bagay, at hindi magiging katotohanan. Hindi mababago iyan.

Ang tradisyonal na kultura at paraan ng pag-iral ng sangkatauhan ay hindi magiging katotohanan dahil sa mga pagbabago o paglipas ng panahon, at hindi rin magiging mga salita ng tao ang mga salita ng Diyos dahil sa pagkondena o pagiging malilimutin ng sangkatauhan. Hindi magbabago ang diwang ito kailanman; ang katotohanan ay palaging katotohanan. Anong katotohanan ang umiiral dito? Lahat ng kasabihang iyon na ibinuod ng sangkatauhan ay nagmumula kay Satanas—iyon ay mga imahinasyon at pagkaunawa ng tao, na nagmumula pa nga sa pagiging mainit ng dugo ng tao, at ni wala man lang kinalaman sa mga positibong bagay. Ang mga salita ng Diyos, sa kabilang dako, ay mga pagpapahayag ng diwa at katayuan ng Diyos. Para sa anong dahilan ang Kanyang pagpapahayag ng mga salitang ito? Bakit Ko sinasabing katotohanan ang mga ito? Ito ay dahil namumuno ang Diyos sa lahat ng batas, prinsipyo, ugat, diwa, aktwalidad, at hiwaga ng lahat ng bagay, at hawak ng kamay Niya ang mga ito, at ang Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat ng prinsipyo, aktwalidad, katunayan, at hiwaga ng lahat ng bagay; alam Niya ang pinagmulan ng mga ito at kung ano talaga ang mga pinag-ugatan nito. Samakatuwid, ang mga pakahulugan lamang ng lahat ng bagay na binanggit sa mga salita ng Diyos ang pinakatumpak, at ang mga kinakailangang gawin ng sangkatauhan na napapaloob sa mga salita ng Diyos ang tanging pamantayan para sa sangkatauhan—ang tanging sukatan na dapat pagbatayan ng pag-iral ng sangkatauhan.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Unang Bahagi)

Mag-iwan ng Tugon