Menu

11 Mga Bible Verse Tungkol sa Pagpapatawad: Matutong Magpatawad sa Iba

Sa buhay, hindi natin maiiwasan ang mga problema sa landas ng ating pakikipag-ugnayan. Ang matutuhan na magpatawad sa iba ay isang mahalagang pagpapatupad ng pagbuo ng isang maayos na relasyon sa kapwa at pagkamit ng mga maayos na pakikipag-ugnayan. Kaya paano natin mapapatawad ang iba? Basahin ang sumusunod na mga talata ng Bibliya at mga kaugnay na nilalaman upang makahanap ng landas sa pagsasagawa at pagpasok.

Mateo 6:14

Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.

1 Pedro 3:9

Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, o ng alipusta ang pagalipusta; kundi ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala.

Mateo 18:35

Gayon din naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa kalangitan, kung hindi ninyo patatawarin sa inyong mga puso, ng bawa't isa ang kaniyang kapatid.

Juan 8:7

Datapuwa't nang sila'y nangagpatuloy ng pagtatanong sa kaniya, ay umunat siya, at sa kanila'y sinabi, Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya.

Colosas 3:13

Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin.

Marcos 11:25

At kailan man kayo'y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.

Lucas 6:37

At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo'y palalayain.

Lucas 17:3

Mangagingat kayo sa inyong sarili: kung magkasala ang iyong kapatid, sawayin mo siya; at kung siya'y magsisi, patawarin mo siya.

Lucas 17:4

At kung siya'y makapitong magkasala sa isang araw laban sa iyo, at makapitong magbalik sa iyo na sasabihin, Pinagsisisihan ko; patawarin mo siya.

Mateo 18:21-22

Nang magkagayo'y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya'y aking patatawarin? hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.

Kawikaan 19:11

Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit. At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Kaya sa Kapanahunan ng Biyaya ay nakikita natin ang Panginoong Jesus na halos palaging gumagamit ng wika ng tao upang ipahayag ang gusto Niyang ipakiusap sa sangkatauhan. Higit pa rito, nakikita natin Siya mula sa pananaw ng isang karaniwang patnubay na nakikipag-usap sa mga tao, tinutustusan ang kanilang mga pangangailangan, tinutulungan sila sa kung ano ang kanilang hiniling. Ang paraang ito ng paggawa ay hindi nakita sa Kapanahunan ng Kautusan na dumating bago ang Kapanahunan ng Biyaya. Siya ay naging mas malapit at naging mas mapagmalasakit sa sangkatauhan, gayundin mas nagagawang makamit ang mga praktikal na resulta kapwa sa anyo at sa pamamaraan. Ang metapora tungkol sa pagpapatawad sa mga tao nang makapitumpung pitong beses ay nililinaw talaga ang puntong ito. Ang layuning nakamit sa bilang ng metaporang ito ay upang tulutan ang mga tao na maintindihan ang layunin ng Panginoong Jesus sa panahong iyon nang sinabi Niya ito. Ang Kanyang layunin ay na dapat patawarin ng mga tao ang iba—hindi minsan o dalawang beses, at hindi rin nang pitong beses, kundi makapitumpung pito. Anong uri ng ideya itong “makapitumpung pito”? Ito ay upang kumbinsihin ang mga tao na gawin nilang sariling pananagutan ang pagpapatawad, isang bagay na dapat nilang matutuhan, at isang paraan na dapat nilang panatilihin. Bagama’t ito ay isa lamang metapora, ito ay nagsilbing isang mahalagang punto. Nakatulong ito sa mga tao na lubos na pahalagahan kung ano ang ibig Niyang sabihin at makita ang wastong mga pamamaraan ng pagsasagawa at ang mga prinsipyo at mga pamantayan sa pagsasagawa. Nakatulong ang metaporang ito na malinaw na makaunawa ang mga tao at nagbigay sa kanila ng tamang konsepto—na dapat silang matutong magpatawad at magpatawad nang kahit ilang beses nang walang mga kondisyon, ngunit kalakip ang saloobin ng pagpaparaya at pagkaunawa sa iba. Nang sinabi ito ng Panginoong Jesus, ano ang nasa puso Niya? Talaga bang iniisip Niya ang makapitumpung pito? Hindi. Mayroon bang takdang bilang na magpapatawad ang Diyos sa tao? Maraming tao ang totoong interesado sa “takdang bilang” na nabanggit, na gusto talagang maintindihan ang pinagmulan at kahulugan ng bilang na ito. Gusto nilang maintindihan kung bakit ang bilang na ito ay lumabas sa bibig ng Panginoong Jesus; naniniwala sila na mayroong isang mas malalim na pakahulugan sa bilang na ito. Sa katunayan, ito ay pagpapahayag lamang ng Diyos sa pagkatao. Anumang pagpapahiwatig o kahulugan ay dapat na maintindihan kasama ng mga kahilingan ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan. Nang ang Diyos ay hindi pa naging tao, hindi masyadong naintindihan ng mga tao ang Kanyang sinabi sapagkat ito ay nanggaling sa ganap na pagka-Diyos. Ang pananaw at ang nilalaman ng Kanyang sinabi ay hindi nakikita at hindi maabot ng sangkatauhan; ito ay ipinahayag mula sa espirituwal na dako na hindi makikita ng mga tao. Para sa mga taong nabuhay sa laman, hindi sila maaaring magdaan sa espirituwal na dako. Ngunit pagkatapos naging tao ang Diyos, nagsalita Siya sa sangkatauhan mula sa pananaw ng pagiging tao, at Siya ay lumabas at dinaig ang saklaw ng espirituwal na dako. Maaari Niyang ipahayag ang Kanyang banal na disposisyon, kalooban, at saloobin, sa mga bagay na maiisip ng mga tao at mga bagay na kanilang nakita at nakasagupa sa kanilang mga buhay, at gamit ang mga pamamaraan na matatanggap ng mga tao, sa isang wika na kanilang maiintindihan, at kaalaman na kanilang mauunawaan, upang tulutan ang sangkatauhan na maintindihan at makilala ang Diyos, upang maintindihan ang Kanyang layunin at ang Kanyang mga kinakailangan na pamantayan sa loob ng saklaw ng kanilang kakayahan, sa antas na kanilang makakaya. Ito ang pamamaraan at prinsipyo ng gawain ng Diyos sa pagkatao.

Hinango mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”

Welcome ka na gamitin ang Pang-kristiyanong debosyonal na mapagkukunan sa mga seksyon sa Mga Bersikulo ayon sa Paksa at Pag-aaral ng Bibliya upang pagyamanin ang iyong espirituwal na buhay.

Mag-iwan ng Tugon