Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 49
Nagbabago ang mga bundok at mga ilog, umaagos ang mga batis sa daanan ng mga ito, at hindi nagtatagal ang buhay ng tao gaya ng daigdig at himpapawid. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang walang-hanggang buhay at muling binuhay, na nagpapatuloy sa pagdaan ng mga henerasyon, nang walang hanggan! Ang lahat ng bagay at pangyayari ay nasa Kanyang mga kamay, at si Satanas ay nasa ilalim ng Kanyang paa.
Ngayon, sa pamamagitan ng itinadhanang pagpili ng Diyos, inililigtas Niya tayo mula sa galamay ni Satanas. Talagang Siya ang ating Manunubos. Ang walang-hanggang muling pagkabuhay ni Cristo ay ginaganap sa loob natin, kaya natatadhana tayong maugnay sa buhay ng Diyos, upang tayo’y tunay na makaharap sa Kanya, kainin Siya, inumin Siya, at tamasahin Siya. Ito ang di-makasariling handog na ginawa ng Diyos sa halaga ng dugo ng Kanyang puso.
Dumarating at lumilipas ang mga panahon, dumadaan sa hangin at matinding lamig, sinasalubong ang napakaraming pasakit ng buhay, mga pag-uusig, at mga kapighatian, napakarami sa mga pagtanggi at paninira ng mundo, napakarami sa mga ikinasang paratang ng pamahalaan, ngunit hindi nababawasan ang pananampalataya ng Diyos ni ang paninindigan Niya sa kaliit-liitan. Buong-pusong nakatalaga sa kalooban ng Diyos, at sa pamamahala at plano ng Diyos, upang sila’y maisakatuparan, isinasantabi Niya ang Kanyang sariling buhay. Para sa buong karamihan ng Kanyang bayan, wala Siyang iniiwasang sakit, maingat silang pinapakain at tinutubigan. Gaano man tayo nasa kadiliman, o gaano man kaligalig, kailangan lamang nating magpasakop sa harapan Niya, at babaguhin ang ating dating pagkatao ng muling pagkabuhay ni Cristo…. Para sa mga panganay na anak na ito, walang kapagurang gumagawa Siya, lumiliban sa pagkain at kapahingahan. Ilang araw at gabi, sa gitna ng gaano karaming mga nakapapasong init at nagyeyelong lamig, buong-puso Siyang nagbabantay sa Sion.
Ang mundo, tahanan, gawain at lahat na ay lubusang ipinagpaliban, nang may kasiyahan, nang kusang-loob, at walang kinalaman ang mga makamundong kasiyahan sa Kanya…. Ang mga salita mula sa Kanyang bibig ay humahagupit sa atin, inilalantad ang mga bagay na nakatago nang malalim sa ating mga puso. Paano tayong hindi mahihikayat? Ang bawat pangungusap na lumalabas sa Kanyang bibig ay maaaring magkatotoo anumang oras sa atin. Anumang ating gawin, sa Kanyang presensya o tago sa Kanya, walang hindi Niya nalalaman, walang hindi Niya nauunawaan. Ang lahat ay tunay na mahahayag sa harapan Niya, sa kabila ng ating mga sariling plano at pagsasaayos.
Nakaupo sa harapan Niya, nasisiyahan ang ating mga espiritu, panatag at mahinahon, ngunit laging nararamdamang hungkag at totoong may pagkakautang sa Diyos. Isa itong kababalaghang di-malirip at mahirap makamit. Sapat na napatutunayan ng Banal na Espiritu na ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang tunay na Diyos! Ito’y katunayan na di-mapagdududahan! Tayo sa pangkat na tao ay pinagpala sa paraang hindi mailarawan! Kung hindi dahil sa biyaya at awa ng Diyos, mapupunta lamang tayo sa kapahamakan at sumunod kay Satanas. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang makapagliligtas sa atin!
Ah! Ang Makapangyarihang Diyos na praktikal na Diyos! Ikaw itong nagbukas sa aming espirituwal na mga mata, na pinapahintulutan kaming mamasdan ang mga hiwaga ng espirituwal na mundo. Walang katapusan ang tanawin ng kaharian. Maging mapagbantay at naghihintay tayo. Hindi maaaring maging masyadong malayo pa ang araw na iyon.
Umaalimpuyo ang mga apoy ng digmaan, napupuno ang hangin ng usok ng kanyon, nagbabago ang lagay ng panahon, nagbabago ang klima, lalaganap ang isang salot, at mamamatay ang mga tao, na walang pag-asa na manatiling buhay.
Ah! Makapangyarihang Diyos na praktikal na Diyos! Ikaw ang aming matibay na muog. Ikaw ang aming kanlungan. Nag-uumpukan kami sa ilalim ng mga pakpak Mo, at hindi kami maaabot ng sakuna. Ganito ang Iyong maka-Diyos na pag-iingat at pangangalaga.
Nagtataas kaming lahat ng aming mga tinig sa awitin, umaawit kami sa pagpuri, at ang tunog ng aming papuri ay umaalingawngaw sa buong Sion! Nakapaghanda na para sa atin ng maluwalhating hantungan ang Makapangyarihang Diyos na praktikal na Diyos. Maging mapagbantay—oh, magbantay! Sa kasalukuyan, hindi pa labis na huli ang oras.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 5