Menu

Nagkaroon Ako ng Pagkilala Pagkatapos ng Dalawang Beses na Pakikipag-usap sa Aking Pastor (I)

Tala ng Patnugot:

Iniidilo niya talaga dati ang kanyang pastor, sapagkat ang kanyang pastor ay mahusay sa pagpapaliwanag sa Biblia at napakarami ng kanyang kaalamang pangteolohiya. Pagkatapos niyang tanggapin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw at maranasan ang dalawang pagtatangka ng pastor na gambalain siya, gayunpaman, nakita na niya sa wakas ang tunay na kulay ng pastor at naunawaan niya na, dahil lang sa mafaling ang isang tao sa pahpapaliwanag sa Biblia, hindi ito nangangahulugan na nakikilala nila ang Diyos.

Hindi pa natatagalan pagkatapos kong simulang maniwala sa Panginoon, ginawa akong katulong na manggagawa sa aking iglesia. Ang makita ang aking pastor na mahusay na nagpapaliwanag sa Biblia at taglay ang gayong kaalamang pangteolohiya, inidilo ko siya nang husto, at umasa ako na isang araw na maging maalam sa Biblia na kagaya niya. Pagkatapos ng ilang taon, gayunpaman, ipinangangaral ng pastor ang kaparehong dating mga bagaylamang, ang mga katulong na manggagawa ay nagpaplano ng masama laban sa isa’t isa, ang mga kapatid ay nagkabaha-bahagi sa maliliit na grupo at ang iglesia ay nasa ganap na kaguluhan. Ang aking espiritu ay hindi rin natutustusan, at kaya iniwan ko ang iglesia. Saglit akong nangapa at nakakita ng dalawang iglesia na ganap na magkapareho, at ako ay nalungkot nang husto; ang tangi kong magagawa ay ang hilingin ang agarang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Noong Setyembre 2018, nakilala ko ang Kapatid na Zhang sa online at ipinakita niya sa akin ang ilang pelikula at mga video na ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa pamamagitan ng aming mga pagtitipon at sa pagbabahagi sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakilala ko na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at kaagad kong tinanggap ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Nang malaman ni Pastor Liu na nagsimula na akong maniwala sa Makapangyarihang Diyos, pinadalhan niya ako ng isang mensahe na binabalaan ako na iwanan kaagad ang iglesia at sinasabi sa akin na hindi ako pinahintulutan na muling magkaroon ng anumang pakikipag-ugnayan sa mga kapatid sa iglesia, at sinabing ako ay itiniwalag sa iglesia. Kasunod ng mensaheng iyon, sinimulan na akong takutin ng aking pastor …

nagkaroon ako ng pagkilala-1

Aking Pastor ay Kusang Dumating upang Kausapin Ako Dahil Natanggap Ko ang Tunay na Daan

Isang araw, bigla na lang akong tinawagan ng Kapatid na Zhao at sinabi, “Gusto kang makausap ng pastor.” Nasorpresa ako nang husto dito, at naisip ko sa aking sarili: “Itiniwalag mo ako sa iyong iglesia at lubos na walang pakialam sa akin. Ano ang gusto mong sabihin sa akin ngayon? Gusto mo ba akong pigilan sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos?” Walang anu-ano, naalala ko ang dalawang pelikulang dati kong pinanood, ang “Nakamamatay na Kamangmangan” at ang “Kumawala sa Bitag.” Ang mga pelikulang ito ay tumatalakay sa mga pastor at mga nakatatanda na gumagambala sa manampalataya sa pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Sa panahong iyon, naroroon pa rin ang aking mga pag-aalinlangan, at naniniwala ako na, sapagkat ang pastor ay maalam sa Biblia at mayroong napakaraming kaalamang pangteolohiya, tiyak na hindi siya gagawa ng anumang bagay na lalaban sa Diyos, lalo na ang hadlangan ang sinuman sa pagtanggap sa tunay na daan. Ngayon, gayunpaman, dahil tinanggap ko na ang gawain ng nagbalik na Panginoon, hindi lamang ako natiwalag sa iglesia, bagkus gusto pa akong kausapin ng pastor, at wala akong magawa kundi ang mag-alala nang kaunti. Naisip ko sa aking sarili: “Napakaliit ng aking tayog, at kakaunti ang nalalaman kong katotohanan. Kung wala akong pagkilala at ako ay nalinlang, ako kung gayon ay nasa malaking panganib.” Kaagad akong tumangging makipag-usap sa pastor, ngunit nagpumilit ang Kapatid na Zhao na makipagkita ako sa kanya. Kung hindi ako nagpunta, mapapahiya ako, at kung pupunta naman ako, mag-aalala ako na hindi ko makakayanan ang kanyang mga tanong—ano ang gagawin ko? Sa kaawa-awa kong kalagayan, ang tangi kong magagawa ay ang manalangin sa Diyos. Pagkatapos manalangin, naalala ko nang, sa pelikulang “Kumawala sa Bitag,” ang mga kapatid ay naharap sa panlilinlang at pananakot ng pamahalaan ng Tsina at ng relihiyosong mundo. Hindi lamang sa hindi sila natakot sa halip, sa kabaligtaran, nanalig sila sa Diyos upang harapin ang kanilang sitwasyon at, sa ilalim ng paggabay ng mga salita ng Diyos, nanindigan sila sa kanilang patotoo. Ngayon, ang tangi kong haharapin ay ang pastor na gustong makipag-usap sa akin, lalo akong mas dapat umasa sa Diyos para harapin ang ganitong sitwasyon at dapat akong maniwala na gagabayan ako ng Diyos. Walang anu-ano, nagkaroon ako ng tiwala at nagpasyang makipagkita sa pastor upang ipaliwanag ko ang aking posisyon.

Ang Unang Pag-uusap: Sinubukan ng Pastor na Gamitin ang mga Pananaw ng CCP at ng Relihiyosong Mundo Upang Isuko Ko ang Tunay na Daan

Kinabukasan, nagtungo ako sa isang pagtitipon ng iglesia. Pagkapasok ko pa lang, nakita ko ang pastor na matuwid na nakaupo sa isang upuan mukha talagang kagalang-galang. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba habang iniisip ko kung ano ang maaari niyang sabihin. Ang pastor sa gayon ay magalang na ipinagsalin ako ng isang basong tubig at, nakangiti, sinabi niya sa isang malumanay na tinig, “Kapatid na Fang, kamusta ka na nitong bandang huli? Paano mo nakakayanan ang pagkakatiwalag sa iglesia?”

Naisip ko sa aking sarili: “Napakabait niya sa akin—ano ang binabalak niya?” Dahil hindi ko mawari ang layunin niya, ayaw kong sumagot sa kanya.

Pagkakita na nanatili akong tahimik, nagpatuloy siya. “Ang totoo, itiniwalag ka ng Tagapangaral na si Liu sa iglesia upang bumalik ka sa amin, at ito ay ginawa na ang ikabubuti mo ang iniisip. Ikaw ay isang katulong na manggagawa sa ating iglesia, pinili ng kalipunan ng mga diakono. Ikaw ay iginagalang nang husto, at kusa kang pinagsasanay ng iglesia. Ngunit binigo mo kami nang husto, ngayon ay nagwala ka na para maniwala sa Makapangyarihang Diyos.”

Nakinig ako sa kanya ngunit hindi ako sunagot. Walang anu-ano, ang Kapatid na Zhao, na nakatayo sa isang tabi, malungkot na sinabi sa akin, “Kita mo kung gaano kabuti ang pastor sa iyo. Siya ay masyadong nag-aalala sa iyo at gusto kang tulungan. Anak na babae ang turing niya sa iyo at sinusubukan niyang maging ama sa iyo. Masasabi mo ang anumang gusto mo sa kanya at tutulungan ka niya.”

Pagkakita sa kung gaano nag-aalala ang tingin sa akin ang kapatid na Zhao, nanghina ang aking puso, at naisip ko sa aking sarili: “Kung ang pastor ay hindi nag-aalala sa akin kung gayon ay hindi siya makikipag-usap sa akin nang mag-isa. Idagdag pa, binigyan niya ako ng isang basong tubig at malumanay siyang nakipag-usap sa akin, at dama ko na itinuturing niya akong anak.” Nang biglang, napagtanto ko ang sinabi ng Kapatid na Zhao, na sinusubukan ng pastor na maging ama sa akin ay mali, at kaya umusal ako ng isang madaliang panalangin sa aking puso: “O Diyos, liwanagan ako at tulutan mong magkaroon ako ng pagkilala kung ang pastor ay talagang nagmamalasakit sa akin o hindi.” Walang anu-ano, naisip ko na, kung ang pastor ay tunay na nag-aalala sa akin, kung gayon dapat siyang mag-isip kung ano ang painakainam para sa aking buhay. Ngunit malinaw na hindi pa niya ipinangaral ang daan, kaya paano niya ako papayagang tanggapin ang tunay na daan? Paano naman itong sinusubukang maging ama sa akin? Gusto lang nila akong linlangin, kaya hindi ako nakinig sa kanila.

Nakita ng pastor na lubos akong walang interes sa kanilang mga salita, kaya tinangka niyang takutin ako sa pagsasabing, “Ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang iglesia na minamasama at tinutuligsa ng CCP. Itinakwil ng lahat ng kalipunan ng mga relihiyon sa Taiwan ang Makapangyarihang Diyos, at huwag kang lalapit sa kanila sa ganyang kaliit na tayog. Kapag ginawa mo, ikaw kung gayon ay malilinlang ng kanilang mga sermon na ipinangangaral nila, at kapag nalinlang ka nila, hindi ka na makaaatras.”

Pagkarinig sa kanyang sinasabi ang ganito, hindi ko malaman kung paano ako sasagot at medyo hindi ako mapakali. Kaagad ako kung gayon tumawag sa Diyos para ingatan ang aking puso upang hindi ako malinlang sa sinasabi ng pastor. Pagkatapos manalangin, ang aking nag-aalalang puso ay nagging mahinahon, at sinabi ko sa aking sarili, “Sapagkat ako ay nakatitiyak na na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang tinig ng Diyos at ang katotohanan, hindi ako kailanman makalalayo sa tunay na daan anuman ang kanilang sabihin.” Saka ko naalala ang isang pagbabahagi na nakapaloob sa pelikulang “Kumawala sa Bitag,” kung saan may nagsabi: “Ang mga ateistang rehimen at halos lahat ng pinuno ng relihiyon ay mga pwersa ni Satanas na galit sa Diyos at sa katotohanan. Ang puntong ’yon ay mapapatunayan sa nangyari sa pagpapapako sa Panginoong Jesus sa krus. Kung gano’n, basta’t ’yon ang tunay na daan, tiyak na tatanggihan ’yon ng mga ateista at ng mga relihiyoso. At siguradong huhulihin at pahihirapan ang mga nangangaral ng tunay na daan at umaayon sa katotohanan. … Sa Kapanahunan ng Biyaya, alang-alang sa pagtubos sa sangkatauhan, ang Panginoong Jesus sa katawang-tao ay ipinako sa krus ng mga relihiyoso at pinuno noong panahong ’yon. Sa mga huling araw, ang pagpapahayag ng katotohanan at paghatol ng Makapangyarihang Diyos ay tinuligsa ng mga relihiyoso at CCP, at tinanggihan sa panahong ito. Tinutupad no’n ang salita ng Panginoong Jesus na: ‘Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito(Lukas 17: 24-25).” Sa pag-iisip tungkol dito, nagkaroon ako ng pagkilala sa mga salita ng pastor. Nakikita ko mula sa saloobing itinataguyod ng CCP at ng relihiyosong mundo tungo sa katotohanan at tungo sa Diyos na silang lahat ay tumututol sa Diyos at, kung mayroon mang magsusuri sa tunay na daan, paano nila mapaniniwalaan kung ano ang sinasabi ng CCP at ng relihiyosong mundo? Ang mga tupa ng Diyos ay nakikinig sa Kanyang tinig, at ang mga nasasabik sa pagpapakita ng Diyos ay nagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at kinikilala ang mga ito bilang katotohanan, at likas nilang nakikilala ang tinig ng Diyos at nakakaagapay sa mga hakbang ng Diyos, kaya papaanong masasabi ng CCP at ng relihiyosong mundo na ang mga tao ay nililinlang?

Nakita ng pastor na hindi pa ako nakapagsasabi kahit isang salita at, sa blankong mukha, sinabi niya, “Ilang taon na ang nakararaaan, naiulat sa Taiwan na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay iwewelga, na ang mga tao sa loob ng iglesiang iyon ay umiikot upang nakawin ang mga mananampalataya mula sa ibang mga iglesia at na dapat nating pigilan ang mga tao mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagkakaroon ng anumang pakikipag-ugnayan sa mga tao mula sa ating iglesia. Hindi ka na dapat magkaroon ng anumang kaugnayan sa kanila.”

Ang marinig siyang sinasabi ang ganito, nagalit ako, at naisip ko sa aking sarili: “Ang mga tupa ng Diyos ay nabibilang sa Diyos, hindi sa kaninuman, at walang sinuman ang may karapatan na pigilan ang mga tao sa paglapit sa Diyos at sa pagsusuri sa tunay na daan.”

Nginitian ako ng Kapatid na Zhao at sinabi sa akin, “Huwag maniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Balik na sa ating iglesia, OK?”

Tinitigan ko sila pareho, at matatag kong sinabi, “Sinuri ko ang ukol dito at nakikita ko na ang mga salitang ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan. Naunawaan ko ang maraming hiwaga sa Biblia mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, gayundin ang mga katotohanan kagaya ng ang pinakaugat na dahilan ng pagkawasak na makikita sa ibang mga iglesia, ang anim na libong taong plano sa pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan at kung paano maitatakwil ang mga gapos at pagpigil ng kasalanan, at ang aking buhay ay natutustusan nang husto. Sa mga pagtitipon sa aking dating iglesia, gayunpaman, hindi ko kailanman nadama na ako ay tinustustusan at ang aking buhay ay hindi lumago. Hindi ako makababalik.”

Sa nakitang katatagan ko, ang pastor ay nanatiling tahimik. Pinanood ko siya at ang Kapatid na Zhang na matamlay na nakaupo sa kanilang mga upuan, hindi malaman kung paano sasagot at mukhang napakalungkot. Nalungkot ako nang husto para sa kanila doon pa lang at nais kong ipangaral ang ebanghelyo sa kanila, ngunit kaunti lamang ang nalalaman kong mga katotohanan at hindi ko alam kung paano ako mangangaral sa kanila. Nalungkot ako nang husto para sa kanila, ngunit kasabay nito ay nagalak ako na nagawa kong umasa sa Diyos upang mapagtagumpayan ang sitwasyong ito.

Habang pauwi ako, ako ay lalong naginhawaan, at sa aking puso, pinasalamatan ko ang Diyos sa patuloy na pag-iingat sa akin at paggabay sa akin, Inakala ko na oto ay tapos na at na hindi ko na kailangang haraping muli ang mga tanong at pananakot ng pastor. Sa aking pagkabigla, gayunpaman, pagkalipas ng tatlong oras, biglang tumawag ang Kapatid na Zhao at sinabi, “Ang pastor ay talagang nag-aalala sa iyo at isiniayos niya ang pakikipagkita mo sa dalawang diakono. Tatawagan ka niya bukas dahil nais niyang tulungan kang maunawaan ang mga salita ng Diyos sa Biblia. Kailangan mong makipag-usap sa pastor.” Pagkarinig na sinasabi niya ito, alam kong gusto ng magpunta ng pastor at tatakutin niya ulit ako, kaya kaagad akong tumanggi. Ngunit nagpatuloy sa pagtawag at pagpapapdala ng mensahe ang Kapatid na Zhang, pinipilit akong makipagkita sa pastor. Inisip ko na isa siya sa mabubuti kong kapatid na babae kaya, dahil sa aking nararamdaman para sa kanya, nadama ko na wala akong mapagpipilian kundi ang sumang-ayon.

Bakit Hinahadlangan ng Pastor ang mga Mananampalataya sa Pagsusuri sa Tunay na Daan

Di nagtagal, sinabi ko kay Kapatid na Zhang na mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang tungkol sa nangyari, at binasahan niya ako pagkatapos ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, nagmamasid sa isang tao, at binubuntutan ni Satanas ang Kanyang bawat hakbang. Sinumang pinapaboran ng Diyos, binabantayan din ni Satanas, nakabuntot sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin lahat ni Satanas ang makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gagamitin ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at wasakin ang gawain ng Diyos upang kamtin ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na mataglay ng Diyos ang sinuman; nais nito ang lahat ng nais ng Diyos, ang sakupin sila, kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito, sa gayon ay makakagawa sila ng masasamang gawa kasabay nito. Hindi ba ito ang napakasamang layunin ni Satanas? … Si Satanas ay nakikipagdigma sa Diyos, sumusunud-sunod sa likuran Niya. Ang layunin nito ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, sakupin at kontrolin ang mga nais ng Diyos, ganap na puksain ang mga nais ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa sila kung gayon ay maaangkin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito.” Ang Kapatid na Zhang sa gayon ay nagbahagi sa akin: “Sinasabi ng mga salita ng Diyos sa atin na, saan man Siya magpunta upang tuparin ang Kanyang gawain, naroroon din si Satanas upang gambalain ito. Natanggap na natin ang tunay na daan at nagbalik sa Diyos, ngunit ayaw ni Satanas na lumapit tayo sa Diyos at kamtin ang Kanyang pagliligtas, kaya ginagamit nito ang lahat ng paraan na kanyang magagamit upang hadlangan tayo, nilalayong magawa nating itatwa at pagtaksilan ang Diyos, at mauuwi tayong tinataglay at nilalamon ni Satanas. Ang pastor ay nasa panig ng CCP at ng relihiyosong mundo at hinahatulan niya at hinuhusgahan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa harapan mo. Ginagawa niya ito upang mag-alinlangan ka sa gawain ng Diyos, at nagpapanggap siyang nagmamalasakit sa iyo na ipinagkamali mong tunay siyang nagmamalasakit sa iyo. Ang totoo, gusto niyang paglaruan ang iyong damdamin upang akitin ka, upang pasunurin sa kanya, itakwil ang tunay na daan at mawala ang iyong pagkakataon na magkamit ng kaligtasan. Sa likod ng di-mapigilang mga galit na ito ay isang digmaang espiritwal, si Satanas ay nakikipagpustuhan sa Diyos upang makita kung papanig ka sa Diyos o hindi kapag dumating ang pastor upang takutin ka. Sa pag-aninaw sa mga mapanlinang na pakana ni Satanas lamang tayo makapananatili sa tunay na daan, maging saksi, at makamit ng Diyos.”

Matapos makinig sa kanyang pagbabahagi, naunawaan ko na ang pagdating ng pastor upang takutin ako ay bahagi ng mapanlinlang na pakana ni Satanas. Pinapapelan talaga ng pastor ang bahagi ni Satans, at nagsabi siya ng maraming negatibong mga bagay laban sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagtatangka niyang iwan ko ang iglesia at upang mawalan ako ng pagkakataon na matamo ang pagliligtas ng Diyos. Hinihikayat niya ako ngayong magpunta at magbahagi tungkol sa Biblia na kasama niya, at ang kanyang mga layunin ay tiyak na hindi mabuti. Napagtanto ko na kailangan kong makaaninaw sa mga mapanlinlang na pakana ni Satanas, at na dapat akong maging saksi at huwag itatwa o pagtaksilan ang Diyos gaano man ako takutin ng pastor. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ang pastor, na maalam sa Biblia at naglingkod sa Diyos sa loob ng maraming taon, hindi hinanap o sinuri ang tunay na daan nang marinig niya ang balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, ngunit sa halip basta na lamang hinatulan at hinusgahan ito at ayaw akong payagan na tanggapin ito. At kaya, sinabi ko kay Kapatid na Zhang ang tungkol sa aking pag-aalinangan,

Itutuloy …

Ikalawang Bahagi: Nagkaroon Ako ng Pagkilala Pagkatapos ng Dalawang Beses na Pakikipag-usap sa Aking Pastor (II)

Mag-iwan ng Tugon