Menu

Repleksyon sa Ebanghelyo Ngayon: Bakit gagawin ng Diyos ang Gawain ng Paghuhukom sa Huling mga Araw?

Bible Verse of the Day Tagalog

Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.

Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…

Mula sa talatang ito nakikita natin, ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay upang isagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Maraming mga kapatid na lalaki at babae sa Panginoon ang maaaring magtanong, hindi ba tayo direktang dagling-kukunin ng Panginoon patungo sa Kaharian ng Langit kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Bakit kailangan pa Niyang gawin ang gawain ng paghatol? Sa katunayan, ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng paglilinis ng tao at pagpeperpekto ng tao. Minsang ang Diyos ay nagsabi,“Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.(1 Pedro 1:16). “Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.(Pahayag 22:14). Ito ay malinaw na tanging ang mga tumatanggap ng paglilinis ang makakapasok sa kaharian ng langit. Noong tinanggap natin ang pagtubos ng Panginoong Jesus, tayo ay pinatawad sa ating mga kasalanan at iniligtas sa pamamagitan ng Kanyang biyaya; ito ay isang katotohanan. Subalit, habang naniniwala tayo sa Panginoon at sinusunod ang Panginoon, madalas din nating ipinagkakanulo ang mga turo ng Panginoon, at bumigay sa ating mga naisin sa laman na pagkakasala. Ginagawa natin ang mga bagay na tulad ng pagsisinungaling, pagsagawa ng pandaraya, panlilinlang, pakikibahagi sa intriga, paghahanap ng katanyagan at karangyaan, bumibigay tayo sa kawalang-kabuluhan, kasakiman para sa kayamanan, at sumusunod sa masasamang mga uso sa mundo ... Sa panahon ng kapaitan at pagsubok, madalas nating hindi maunawaan at sisihin ang Diyos, o kahit pa iwanan at ipagkanulo ang Diyos. Kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa mga kuru-kuro ng tao, walang ingat na hahatulan natin at parurusahan ang Diyos. Kasabay ng pagsunod natin sa Diyos, ay sumasamba tayo at sumusunod sa mga tao. Namumuhay tayo sa isang pag-ikot ng pagkakasala at pagsisisi, napakahirap na makatakas. Hindi natin mapalaya ang ating mga sarili mula sa mga pagkatali at kontrol ng ating maka-satanikong kalikasan, ito ay isang katotohanan. At kahit na ang gawain ng Panginoong Jesus ay tapos na, at ang ating mga kasalanan ay pinatawad, at hindi na tayo sinumpa dahil sa paglabag sa mga batas ng Diyos, at maaaring lumapit sa harap ng Diyos upang manalangin sa Kanya at matamasa ang kabuuan ng biyaya ng Diyos, ay hindi nangangahulugang ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan ay tapos na, dahil ang makasalanang kalikasan sa loob natin ay nananatili pa rin. Pinipilit pa rin tayo ng ating satanikong katangian upang tutulan at ipagkanulo ang Diyos. At ang walang pagkaka-kilala sa Diyos, ay hindi tayo kailanman matatakot sa Diyos at malalayo sa kasamaan, mas higit na ang makarating sa kalagayan ng lubos na pagsunod sa Diyos, ang pagiging naaayon sa Diyos at kabanalan. Hindi tayo tunay na nakamit ng Diyos. Alam nating lahat,na ang Diyos ay banal, at matuwid. Kung ang mga tao ay hindi nalinis, hindi nila makikita ang Panginoon. Hindi papahintulutan ng Diyos ang marumi o masama sa Kanyang kaharian. Ito ay pinagpasiyahan ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Kaya, sa mga huling araw, ang Diyos, ayon sa plano ng kanyang pamamahala upang iligtas ang sangkatauhan, ay nagsagawa ng Kanyang gawain ng paghatol at pag-parusa, upang alisin ang mga kadena at pagpigil ng kasalanan mula sa masamang sangkatauhan at ang mga sanhi ng pagkakasala at tulungan ang sangkatauhan na makatakas mula sa impluwensiya ni Satanas, mailigtas ng Diyos, at makapasok sa kaharian ng Diyos. Ang gawaing paghatol na ginagawa ng Diyos ng mga huling araw ay tiyak na kung ano ang mga pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan. Ito rin ang pangunahing yugto ng gawain na kailangang isagawa ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan.

Tulad lamang ng sinabi ng Diyos, “Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa huling mga araw, ngunit paano Siya bababa? Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos.

Kung ikaw ay interasado sa mga paksa tulad ng Paraan ng Pagbabalik ng Panginoon o Ang Gawain na Kanyang gagawin, maaari mong basahin ang mga sumusunod na mga artikulo o makipagugnayan sa amin online.

Mag-iwan ng Tugon