Menu

Susunod

Christian Music | "Pag-aalay ng Pinakamahalagang Sakripisyo sa Diyos"

2,387 2020-04-28

Christian Music | "Pag-aalay ng Pinakamahalagang Sakripisyo sa Diyos"

Pagkaraan ng ilang taon,

naranasan ang paghihirap ng pagpipino at pagkastigo,

ang tao ay nabugbog na ng panahon

ang tao ay nabugbog na ng panahon.

Kahit naiwala na ng tao ang “kaluwalhatian” at “pag-iibigan” ng mga panahong nakalipas,

hindi-namamalayang nakarating na siya

sa pagkaunawa sa mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao,

at nagkaroon ng pagpapahalaga sa ilang taon ng panata ng Diyos

sa pagliligtas ng sangkatauhan,

at nagkaroon ng pagpapahalaga sa ilang taon ng panata ng Diyos

sa pagliligtas ng sangkatauhan.

Ang tao ay marahang nagsisimulang masuklam sa kanyang sariling kagaspangan.

Sinisimulan niyang kamuhian ang kanyang kabangisan,

at lahat ng hindi-pagkaunawa sa Diyos,

at ang mga wala-sa-katwirang kahilingan na nagawa na niya sa Kanya.

Hindi maibabalik ang panahon.

Ang mga nakaraang kaganapan ay nagiging malungkot na mga alaala ng tao,

at ang mga salita at pag-ibig ng Diyos

ay nagiging puwersang magdadala sa bagong buhay ng tao.

Hindi maibabalik ang panahon.

Ang mga nakaraang kaganapan ay nagiging malungkot na mga alaala ng tao,

at ang mga salita at pag-ibig ng Diyos

ay nagiging puwersang magdadala sa bagong buhay ng tao.

Ang mga sugat ng tao ay naghihilom araw-araw, ang kanyang kalakasan ay nanunumbalik,

at siya ay tumatayo at tumitingin sa mukha ng Makapangyarihan sa lahat …

upang matuklasan lamang na Siya ay palaging nasa aking tabi,

at ang Kanyang ngiti at ang Kanyang magandang mukha

ay lubhang nakapupukaw pa rin.

Ang Kanyang puso ay nagtataglay pa rin

ng malasakit para sa sangkatauhan na Kanyang nilikha,

at ang Kanyang mga kamay ay kasing init pa rin at makapangyarihan tulad ng sa simula.

Para bang ang tao ay bumalik sa Hardin ng Eden,

nguni’t sa sandaling ito

ang tao ay hindi na nakikinig sa mga pang-aakit ng ahas,

hindi na tumatalikod palayo sa mukha ni Jehova.

Ang tao ay lumuluhod sa harapan ng Diyos,

tumitingala sa nakangiting mukha ng Diyos,

at iniaalok ang kanyang pinakamahalagang sakripisyo—

O! Aking Panginoon, aking Diyos!

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon