Christian Music | "Ang Paghatol ng Diyos sa Lahat ng Bansa at Tao"
Ang kaharian ng Diyos ay lubusan nang natanto at nakababa na ito sa mundo nang hayagan;
higit pa ay nangangahulugan ito na ganap nang bumagsak ang paghatol ng Diyos.
Lahat ng sakuna ay isa-isang babagsak;
lahat ng bansa at lahat ng lugar ay makakaranas ng mga sakuna—
ang salot, gutom, baha, tagtuyot at mga lindol ay nasa lahat ng dako.
Ang mga sakunang ito ay hindi lamang basta nangyayari sa isa o dalawang lugar,
ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw,
bagkus ay lalawak ang mga iyon sa loob ng palawak nang palawak na mga lugar,
at ang mga sakuna ay magiging patindi nang patindi.
Sa loob ng panahong ito
lahat ng anyo ng mga salot na insekto ay lilitaw nang sunud-sunod,
at ang penomeno ng kanibalismo ay mangyayari sa lahat ng dako.
Ito ang paghatol ng Diyos sa lahat ng bansa at mga bayan.
Ang pangalan ng Diyos ay dapat na umabot sa lahat ng mga direksiyon at sa lahat ng dako,
upang maaaring malaman ng bawat isa ang Kanyang banal na pangalan at makilala Siya.
Ang pangalan ng Diyos ay lalaganap nang malawak sa pagsapit ng mga sakuna,
at kung kayo ay hindi maingat mawawala sa inyo ang bahagi na dapat maging sa inyo;
hindi ba kayo natatakot?
Ang pangalan ng Diyos ay umaabot sa lahat ng relihiyon, lahat ng uri ng pamumuhay,
lahat ng bansa at lahat ng denominasyon.
Ito ang gawain ng Diyos ginagawa sa isang maayos na paraan,
sa mahigpit ang pagkakakawing na mga ugnayan;
nangyayaring lahat ito sa pamamagitan ng marunong na pagsasaayos ng Diyos.
Inaasam lamang ng Diyos na kaya ninyong sumulong kasabay ng bawat hakbang,
sumusunod nang maigi sa Kanyang mga yapak.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin