Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 4

5,972 2020-05-17

Kung, sa kaso ng taong nakasunod sa Diyos nang maraming taon at nakatamasa ng pagtustos ng Kanyang mga salita nang maraming taon, ang pakahulugan niya sa Diyos ay, sa kakanyahan nito, katulad ng sa isang taong sumasamba sa mga idolo, kung gayon ipinahihiwatig nito na ang taong ito ay hindi nakatamo sa katotohanan ng mga salita ng Diyos. Ito ay dahil talagang hindi siya nakapasok sa katotohanan ng mga salita ng Diyos, at sa kadahilanang ito, ang pagkatotoo, ang katotohanan, ang mga intensyon, at mga hinihingi sa sangkatauhan, na lahat ay nakapaloob sa mga salita ng Diyos, ay walang anumang kinalaman sa kanya. Ibig sabihin nito, gaano man katindi ang maaring gawing pagsisikap ng taong ito sa mababaw na kahulugan ng mga salita ng Diyos, ang lahat ay walang saysay: Dahil ang hinahabol niya ay mga salita lamang, ang makukuha niya ay hindi maiiwasang mga salita rin lamang. Kung ang mga salitang sinabi man ng Diyos ay, sa panlabas na anyo, malinaw o malalim, ang mga iyon ay mga katotohanang kailangang-kailangan ng tao sa pagpasok niya sa buhay; ang mga iyon ang pinagmumulan ng tubig na buháy na nagbibigay sa kanya ng kakayahang mabuhay kapwa sa espiritu at katawan. Ipinagkakaloob ng mga ito ang kailangan ng tao para manatiling buháy; ang doktrina at paniniwala para sa pagpapatakbo ng pang-araw-araw na buhay; ang daan, layunin, at direksyon na dapat daanan upang makatanggap ng kaligtasan; bawa’t katotohanan na dapat niyang taglayin bilang isang nilikha sa harapan ng Diyos; at bawa’t katotohanan tungkol sa kung paano sumusunod ang tao at sumasamba sa Diyos. Ang mga iyon ang garantiya na tumitiyak ng pananatiling buháy ng tao, ang mga iyon ang pang-araw-araw na tinapay ng tao, at ang mga iyon din ang matibay na suportang nagsasanhi sa tao na maging malakas at tumáyô. Sagana ang mga iyon sa katunayan ng katotohanan ng normal na pagkatao tulad ng pagsasapamuhay nito ng nilikhang sangkatauhan, mayaman sa katotohanan kung saan sa pamamagitan nito ang sangkatauhan ay nakakatakas mula sa kasamaan at nakakaiwas sa mga patibong ni Satanas, mayaman sa walang-pagod na pagtuturo, panghihikayat, pagpapalakas ng loob, at kaaliwan na ibinibigay ng Manlilikha sa nilikhang sangkatauhan. Ang mga iyon ang mga parolang gumagabay at nagliliwanag sa mga tao para maunawaan ang lahat ng positibo, ang garantiya na tumitiyak na ang mga tao ay magsasabuhay at magtataglay ng lahat ng matuwid at mabuti, ang pamantayan kung saan ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay ay lahat sinusukat, at ang tanda sa paglalakbay na nag-aakay sa mga tao tungo sa kaligtasan at sa daan ng liwanag. Tanging sa tunay na karanasan sa mga salita ng Diyos natutustusan ang tao ng katotohanan at ng buhay; tanging dito siya nagkakaroon ng kaunawaan kung ano ang normal na pagkatao, ano ang isang makahulugang buhay, ano ang isang tunay na nilalang, ano ang tunay na pagsunod sa Diyos; tanging dito siya dumarating sa pagkaunawa kung paano siya dapat magmalasakit sa Diyos, paano tumupad ng tungkulin ng isang nilikhang kabuuan, at kung paano magtaglay ng wangis ng isang tunay na tao; tanging dito lamang siya dumarating sa pagkaunawa kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya at tunay na pagsamba; tanging dito lamang niya nauunawaan kung sino ang Naghahari sa mga kalangitan at lupa at lahat ng bagay; tanging dito siya dumarating sa pagkaunawa ng pamamaraan kung saan ang Isa na Siyang Panginoon ng lahat ng sangnilikha ay naghahari, nangunguna, at nagkakaloob para sa sangnilikha; at tanging dito siya nakakarating sa pagkaunawa at pagkatarok ng paraan kung saan ang Isa na Siyang Panginoon ng buong sangnilikha ay umiiral, nahahayag, at gumagawa…. Hiwalay sa tunay na karanasan ng mga salita ng Diyos, ang tao ay walang tunay na kaalaman o panloob na pananaw tungo sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Ang ganitong tao ay talagang isang buhay na bangkay, isang lalagyang walang kalaman-laman, at lahat ng kaalaman na may kaugnayan sa Manlilikha ay walang anumang kinalaman sa kanya. Sa mga mata ng Diyos, ang ganitong tao ay hindi kailanman nanampalataya sa Kanya, ni hindi kahit minsan sumunod sa Kanya, kaya hindi siya kinikilala ng Diyos bilang Kanyang mananampalataya o Kanyang tagasunod, lalong hindi isang tunay na nilalang.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paunang Salita

Mag-iwan ng Tugon