Anong panloob na tayog ng mga tao ang tinututukan ng mga pagsubok na ito? Ang mga ito ay nakatutok sa disposisyong suwail sa mga tao na walang kakayahang magbigay-kasiyahan sa Diyos. Mayroong napakaraming hindi malinis sa kalooban ng tao, at napakaraming mapagkunwari, at kaya isinasailalim sila ng Diyos sa mga pagsubok upang sila’y dalisayin. Ngunit kung, ngayon, iyong nagawang bigyang kasiyahan ang Diyos, sa gayon ang mga pagsubok sa hinaharap ay pagpeperpekto para sa iyo. Kung, ngayon, hindi mo nagagawang bigyan Siya ng kasiyahan, sa gayon ang mga pagsubok sa hinaharap ay tutukso sa iyo, at ikaw ay hindi namamalayang matutumba, at sa oras na iyon hindi mo matutulungan ang iyong sarili, sapagka’t hindi mo kayang tumupad sa mga gawa ng Diyos, at hindi mo taglay ang tunay na tayog. At kaya, kung nais mong makapanindigan sa hinaharap, mabuting pasayahin ang Diyos, at sumunod sa Kanya hanggang sa katapus-tapusan, ngayon ay kailangan mong bumuo ng isang malakas na pundasyon, dapat mong pasayahin ang Diyos sa pagsasabuhay ng katotohanan sa lahat ng mga bagay, at maging maingat sa Kanyang kalooban. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, magkakaroon ng pundasyon sa kalooban mo, at pasisiglahin ng Diyos sa iyo ang isang pusong nagmamahal sa Kanya, at magbibigay Siya sa iyo ng pananampalataya. Isang araw, kapag ang isang pagsubok ay tunay na napasaiyo, maaari kang lubos na magdusa ng kaunting sakit, at maramdamang nasasaktan hanggang sa isang tiyak na punto, at magdusa ng nakadudurog na kalungkutan, na parang ikaw ay namatay—nguni’t ang iyong pag-ibig sa Diyos ay hindi magbabago, at magiging mas malalim. Ganyan ang mga pagpapala ng Diyos. Kung iyong magagawang tanggapin ang lahat ng sinasabi ng Diyos at ginagawa ito ngayon nang may isang pusong masunurin, sa gayon ikaw ay tiyak na pagpapalain ng Diyos, at sa gayon ikaw ay magiging isang taong pinagpala ng Diyos, at tumatanggap ng Kanyang pangako. Kung, ngayon, hindi ka nagsasagawa, kapag ang mga pagsubok ay napasaiyo isang araw mawawalan ka ng pananampalataya o mapagmahal na puso, at sa oras na iyon ang pagsubok ay magiging tukso; ikaw ay malulublob sa gitna ng tukso ni Satanas at hindi magkakaroon ng paraan upang makatakas. Ngayon, maaari kang manindigan kapag ang isang maliit na pagsubok ay naipasa sa iyo, nguni’t hindi nangangahulugang magagawa mong manindigan kapag naipasa sa iyo ang isang malaking pagsubok balang araw. Ang ilang tao ay napakataas ang paniniwala sa sarili, at nag-iisip na sila ay malapit nang maging perpekto. Kung hindi ka sisisid nang mas malalim sa nasabing mga pagkakataon, at mananatiling kampante, sa gayon ikaw ay manganganib. Ngayon, ang Diyos ay hindi gumagawa ng malalaking pagsubok, lahat ay tila maayos sa itsura, nguni’t kapag sinusubukan ka ng Diyos, iyong matutuklasang ikaw ay masyadong kulang, dahil ang iyong tayog ay masyadong mababa, at ikaw ay walang kakayanang tiisin ang malalaking pagsubok. Kung, ngayon, hindi ka susulong, kung mananatili ka sa isang lugar, sa gayon babagsak ka sa pagdating ng daluyong. Dapat ninyong tingnan nang madalas kung gaano kababa ang inyong tayog; ito lamang ang magbibigay sa inyo ng progreso. Kung sa mga panahon lamang ng pagsubok mo nakikitang mababa ang iyong tayog, na ang iyong pagpapasya ay napakahina, na tunay na kakaunti lamang sa loob mo ang tunay, at ikaw ay hindi sapat para sa kalooban ng Diyos—at kung doon mo lamang mapagtanto ang mga bagay na ito, ito ay huling-huli na.
Kung hindi mo alam ang disposisyon ng Diyos, kung gayon ikaw ay tiyak na mahuhulog sa panahon ng mga pagsubok, dahil hindi mo alam kung paano ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao; at sa anong paraan Niya ginagawang perpekto ang mga ito, at kapag dumating ang mga pagsubok ng Diyos sa iyo at hindi sila tumutugma sa iyong mga paniniwala, hindi mo magagawang manindigan. Ang totoong pagmamahal ng Diyos ay ang Kanyang buong disposisyon, at kapag ang buong disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa iyo, ano ang dala nito sa iyong laman? Kapag ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa iyo, ang iyong laman ay tiyak na daranas ng matinding pananakit. Kung hindi mo pagdurusahan ang sakit na ito, sa gayon hindi ka maaaring gawing perpekto ng Diyos, at hindi ka rin maaaring mag-ukol ng totoong pagmamahal sa Diyos. Kung ikaw ay ginagawang perpekto ng Diyos, tiyak na ipakikita Niya sa iyo ang Kanyang buong disposisyon. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, hindi pa kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon—nguni’t sa mga huling araw Kanyang ibinubunyag ito sa grupong ito ng mga tao na Kanyang itinalaga at pinili, at sa pagpeperpekto sa mga tao Kanyang inilalantad ang Kanyang mga disposisyon, kung saan sa pamamagitan nito ay Kanyang ginagawang ganap ang isang grupo ng mga tao. Ganyan ang tunay na pag-ibig ng Diyos sa mga tao. Ang pagdanas ng tunay na pag-ibig ng Diyos para sa kanila ay nangangailangan sa mga tao na magtiis ng matinding sakit, at magbayad ng isang malaking halaga. Pagkatapos lamang nito na sila ay makakamit ng Diyos at magagawang magsukli ng kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, at doon lamang masisiyahan ang puso ng Diyos. Kung nais ng mga tao na gawin silang perpekto ng Diyos, at kung nais nilang gawin ang Kanyang kalooban, at ganap na ipagkaloob ang kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, dapat nilang maranasan kung gayon ang lalong higit na pagdurusa at maraming mga pasakit mula sa mga pagkakataon, at magdusa ng sakit na masahol pa kaysa kamatayan, sa kasukdulan mapipilitan silang ibigay ang kanilang totoong puso pabalik sa Diyos. Kung mayroon mang tunay na nagmamahal sa Diyos o wala ay nabubunyag sa panahon ng kahirapan at pagpipino. Dinadalisay ng Diyos ang pag-ibig ng mga tao, at ito rin ay nakakamit lamang sa gitna ng paghihirap at pagpipino.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos