Menu

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 45 Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 45
00:00/ 00:00

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 45

00:00
00:00

Kapag ang Tagapaligtas ay dumating sa panahon ng mga huling araw, kung Siya ay tinatawag pa ring Jesus, at muling isinilang sa Judea, at ginawa ang Kanyang gawain sa Judea, samakatwid ito ay magpapatunay na nilikha Ko lamang ang bayang Israel at tanging tinubos lamang ang bayang Israel, at na wala Akong kinalaman sa mga Hentil. Hindi kaya ito sasalungat sa Aking mga salita na “Ako ang Panginoon na lumikha ng mga langit at lupa at lahat ng mga bagay”? Umalis Ako sa Judea at ginawa ang Aking mga gawain sa mga Hentil sapagkat hindi lamang Ako Diyos ng bayang Israel, subalit Diyos ng lahat ng mga nilikha. Nagpakita Ako sa mga Hentil sa panahon ng mga huling araw dahil hindi lamang Ako si Jehova, ang Diyos ng bayan ng Israel, ngunit, bukod diyan, dahil sa Ako ang Maylalang ng lahat ng Aking mga pinili sa mga Hentil. Hindi Ko lamang nilikha ang Israel, Egipto, at Lebanon, subalit nilikha Ko rin ang mga bansang Gentil sa ibayo ng Israel. At dahil dito, Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha. Ginamit Ko lamang ang Israel bilang panimulang punto ng Aking gawain, kinasangkapan ang Judea at Galilea bilang matibay na mga tanggulan ng Aking gawain ng pagtubos, at ginamit ang mga bansang Gentil bilang base na mula sa kung saan Aking dadalhin ang buong kapanahunan sa isang katapusan. Ginawa Ko ang dalawang yugto ng gawain sa Israel (ang dalawang yugto ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya), at isinasakatuparan Ko ang dalawang karagdagang mga yugto ng gawain (ang Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kaharian) sa buong mga kalupaan sa ibayo ng Israel. Sa gitna ng mga bansang Gentil, isasagawa Ko ang gawaing panlulupig at sa gayon wawakasan ang kapanahunan. Kung palagi Akong tinatawag ng tao na Jesucristo, ngunit hindi nalalaman na nasimulan Ko na ang isang bagong kapanahunan sa panahon ng mga huling araw at nakapagsimula na sa isang bagong gawain, kung palaging sumasagi sa alaala ng tao ang paghihintay sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas, samakatwid tatawagin Ko ang mga ganitong tao bilang mga taong hindi naniniwala sa Akin. Sila ay mga taong hindi nakakakilala sa Akin, at ang kanilang paniniwala sa Akin ay isang paimbabaw. Maaari kayang masaksihan ng mga taong ganoon ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas mula sa langit? Ang kanilang hinihintay ay hindi ang Aking pagdating, ngunit ang pagdating ng Hari ng mga Hudyo. Hindi nila pinananabikan ang Aking paglipol sa maruming lumang mundong ito, sa halip ay hinahangad nila ang ikalawang pagdating ni Jesus, pagkatapos niyon sila ay matutubos; inaasahan nila si Jesus na muling tutubusin ang lahat ng sangkatauhan mula sa nadumihan at di-matuwid na lupang ito. Paano maaaring mangyari na ang mga tao ay maging yaong magagawang ganap ang Aking gawain sa panahon ng mga huling araw? Ang mga pagnanais ng tao ay walang kakayahan na makamit ang Aking mga hangarin o isakatuparan ang Aking mga gawain, pagkat tanging hinahangaan o pinapahalagahan lamang ng tao ang mga nagawa Ko dati, at walang ideya na Ako ang Diyos Mismo na palaging bago at kailanman ay hindi naluluma. Ang alam lang ng tao ay na Ako si Jehova, at Jesus, at walang malay na Ako ang Katapusan, ang Siyang magdadala sa sangkatauhan sa katapusan. Lahat nang pinananabikan at nalalaman ng tao ay mula sa kanyang sariling pagkaintindi, at tanging yaon na maaari niya lamang makita ng kanyang sariling mga mata. Hindi ito ayon sa gawaing ginagawa Ko subalit di-pagkakaisa dito. Kung ang Aking gawain ay isinasagawa ayon sa mga ideya ng tao, samakatwid kailan kaya ang katapusan nito? Kailan kaya maaaring pumasok ang sangkatauhan sa kapahingahan? At paano Ko magagawang pumasok sa ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga? Gumagawa Ako ayon sa Aking plano. Ayon sa Aking layunin, at hindi ayon sa intensyon ng tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”

Mag-iwan ng Tugon