Menu

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 103 Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 103
00:00/ 00:00

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 103

00:00
00:00

Bagama’t ang Sangkatauhan ay Nagawa nang Tiwali, Nabubuhay pa rin Ito sa Ilalim ng Kataas-taasang Kapangyarihan ng Awtoridad ng Lumikha

Libu-libong taon nang ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Nakagawa na ito ng hindi-masabing dami ng kasamaan, nakapanlinlang na ng sunud-sunod na henerasyon, at nakagawa na ng mga karumal-dumal na krimen sa mundo. Naabuso na nito ang tao, nalinlang ang tao, naakit ang tao na salungatin ang Diyos, at nakagawa na ng masasamang pagkilos na nakalito at paulit-ulit na nagpahina sa plano ng pamamahala ng Diyos. Gayunman, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, ang lahat ng bagay at buhay na nilalang ay patuloy na sumusunod sa mga patakaran at batas na itinalaga ng Diyos. Kumpara sa awtoridad ng Diyos, ang masamang kalikasan at kayabangan ni Satanas ay napakapangit, sobrang nakakadiri at kasuklam-suklam, at napakaliit at napakahina. Kahit na naglalakad si Satanas sa gitna ng lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, hindi nito kayang gumawa ng katiting na pagbabago sa mga tao, bagay, at layon na iniutos ng Diyos. Nakalipas na ang ilang libong taon, at tinatamasa pa rin ng sangkatauhan ang liwanag at hangin na ipinagkaloob ng Diyos, hinihinga pa rin ang hininga na inihinga ng Diyos Mismo, tinatamasa pa rin ang mga bulaklak, ibon, isda at mga insektong nilikha ng Diyos, at tinatamasa ang lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos; patuloy pa rin ang araw at gabi sa pagpapalitan sa isa’t isa; ganoon pa rin ang paghahalinhinan ng apat na panahon; ang lumilipad na gansa sa papawirin ay umaalis sa taglamig, at bumabalik pa rin sa susunod na tagsibol; ang mga isda sa tubig ay hindi kailanman umaalis sa mga ilog at lawa—na kanilang tahanan; ang mga sikada sa lupa ay malakas na kumakanta sa mga araw ng tag-init; ang mga kuliglig sa mga damo ay marahang humuhuni nang sabay sa hangin sa panahon ng taglagas; ang mga gansa ay nagsasama-sama sa kawan, habang nananatiling mag-isa ang mga agila; tinutustusan ng mga grupo ng leon ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pangangaso; hindi lumalayo ang usa sa damo at mga bulaklak…. Ang bawat uri ng buhay na nilalang sa gitna ng lahat ng bagay ay umaalis at bumabalik, at muling umaalis pagkatapos, milyun-milyong pagbabago ang nangyayari sa isang kisap-mata—ngunit ang hindi nagbabago ay ang kanilang mga likas na gawi at ang mga batas ng pananatiling buhay. Nabubuhay sila sa ilalim ng panustos at pagpapakain ng Diyos, at walang sinuman ang makakapagbago ng kanilang mga likas na gawi, at walang sinuman ang makakasira sa kanilang mga patakaran ng pananatiling buhay. Bagama’t ang sangkatauhan, na namumuhay sa gitna ng lahat ng bagay, ay nagawa nang tiwali at nalinlang ni Satanas, hindi pa rin maaaring mawala sa tao ang tubig na ginawa ng Diyos, at ang hangin na ginawa ng Diyos, at ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos, at namumuhay pa rin at dumadami ang tao sa espasyong ito na ginawa ng Diyos. Ang likas na gawi ng sangkatauhan ay hindi nagbago. Nakadepende pa rin ang tao sa kanyang mga mata para makakita, sa kanyang mga tainga para makarinig, sa kanyang utak para makapag-isip, sa kanyang puso para makaunawa, sa kanyang mga binti at paa para maglakad, sa kanyang mga kamay para magtrabaho, at iba pa; ang lahat ng likas na gawi na ipinagkaloob ng Diyos sa tao para matanggap niya ang mga panustos ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago, ang mga kakayahan na ginagamit ng tao para makipagtulungan sa Diyos ay hindi nagbago, ang kakayahan ng sangkatauhan para gumanap ng tungkulin bilang isang nilikhang katauhan ay hindi nagbago, ang mga pangangailangang espirituwal ng sangkatauhan ay hindi nagbago, ang pagnanais ng tao para mahanap ang kanyang mga pinagmulan ay hindi nagbago, ang paghahangad ng sangkatauhan na mailigtas ng Lumikha ay hindi nagbago. Ganyan ang kasalukuyang mga kalagayan ng sangkatauhan, na namumuhay sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, at nakapagtiis na ng madugong pagkasira na ginawa ni Satanas. Bagaman ang sangkatauhan ay napasailalim na sa pagpapahirap ni Satanas, at hindi na sina Adan at Eba mula sa simula ng paglikha, ngunit sa halip ay puno ng mga bagay-bagay na laban sa Diyos, tulad ng kaalaman, imahinasyon, kuru-kuro, at iba pa, at puno ng mga tiwali at satanikong disposisyon, sa mga mata ng Diyos, ang sangkatauhan ay ang parehong sangkatauhan pa rin na Kanyang nilikha. Ang sangkatauhan ay pinaghaharian at isinasaayos pa rin ng Diyos, at namumuhay pa rin sa loob ng landas na pinangangasiwaan ng Diyos, at kaya sa mga mata ng Diyos, ang sangkatauhan, na ginawa nang tiwali ni Satanas, ay nababalot lamang ng dumi, may kumakalam na sikmura, may kaunting kabagalan ang reaksyon, may memorya na hindi na kasingtalas ng dati, at medyo may katandaan na—ngunit ang lahat ng paggana at likas na gawi ng tao ay lubos na hindi nasira. Ito ang sangkatauhan na hinahangad ng Diyos na iligtas. Kailangan lamang marinig ng sangkatauhang ito ang tawag ng Lumikha, at marinig ang tinig ng Lumikha, at tatayo siya at magmamadaling hanapin ang pinagmumulan ng tinig na ito. Kailangan lamang makita ng sangkatauhang ito ang anyo ng Lumikha at siya ay mawawalan na ng pakialam sa lahat ng iba pa, at tatalikuran ang lahat, para ilaan ang kanyang sarili sa Diyos, at ibubuwis pa nga ang kanyang buhay para sa Kanya. Kapag naintindihan ng puso ng sangkatauhan ang taos-pusong mga salita ng Lumikha, tatanggihan ng sangkatauhan si Satanas at lalapit sa tabi ng Lumikha; kapag lubos nang nahugasan ng sangkatauhan ang dumi mula sa kanyang katawan, at muling natanggap ang panustos at pagpapakain ng Lumikha, kung gayon ay mapanunumbalik ang alaala ng sangkatauhan, at sa pagkakataong ito ang sangkatauhan ay tunay nang magbabalik sa pamamahala ng Lumikha.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Mag-iwan ng Tugon