Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob. Hinarap niya ang walang tigil na pagpapahirap ng pulisya ng Komunistang Partido ng Tsino. Siya ay nagpatuloy sa isang lubhang nakatutuliro, nakatatakot na kalagayan. Sa mapanganib na kapaligirang ito, paulit-ulit siyang nanalangin sa Diyos at hiniling sa Diyos na ingatan siya upang siya ay makapanindigan at makapagpatotoo. Sa ilalim ng paggabay at pangunguna ng salita ng Makapangyarihang Diyos, napagtagumpayan niya ang masamang mga pakana ng pulisya at napaglabanan niya ang kanilang paulit-ulit na pagpapahirap. Sa bandang huli, sa ilalim ng pag-iingat ng Makapangyarihang Diyos, himalang nagawa niyang makatakas sa loob ng lungga ng demonyo. Pagkatapos maranasan ang pag-uusig ng pamahalaan ng Komunistang Tsino, malinaw niyang nakita na sila ay masasamang demonyo at na kinasusuklaman nila ang katotohanan. Ang kanilang esensiya ay gaya sa isang radikal na kalaban ng Diyos. Nakita niya mismo ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa ibabaw ng lahat ng bagay at ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa. Nadama niya ang pagkalinga at pag-ibig ng Diyos sa bawat posibleng paraan, Nanindigan siya na ibigay ang kanyang buong buhay sa Diyos at tuparin ang kanyang mga pananagutan bilang isa sa Kanyang mga nilikha upang masuklian ang biyaya ng Diyos.