Menu

Susunod

Tagalog Christian Movie Trailer | "Mga Alaala ng Aking Kabataan"

4,362 2021-11-05

Si Zhao Xinliang ay nananalig na sa Diyos kasama ng kanyang mga magulang magmula pa noong bata siya. Tapos noong Mayo 2014, sa edad na 20 taong gulang lang, inaresto siya ng mga pulis habang nasa isang pagtitipon at dinala siya para i-brainwash sa isang sentro ng pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon. Ginamit ng mga pulis ang lahat ng uri ng pamamaraan sa pagpapahirap sa pagtatangkang pilitin siyang traydurin ang iglesia, kasama na rito ang pagpaso sa kanyang mga utong at sa ibabang bahagi ng katawan niya gamit ang may sinding mga sigarilyo, at pagsasaboy ng apat na takure ng kumukulong tubig sa buong katawan niya at sa kanyang ari, na iniwan siyang punung-puno ng kapwa maliliit at malalaking paltos ng dugo at ang kanyang balat ay kakila-kilabot tingnan. Sa kanyang paghihirap, nagsimula si Zhao Xinliang na hilingin na mamatay na siya, pero sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaliwanagan at paggabay ng mga salita ng Diyos, nanumbalik ang pananampalataya niya at nagkaroon siya ng lakas ng loob na magpatuloy, lubos na determinadong tumayong saksi para sa Diyos. Bago pa man gumaling ang kanyang balat, nagpatuloy ang mga gurong nangbe-brainwash sa kanilang walang-tigil na pagtatangkang i-brainwash siya, at salitan silang nagtrabaho. Samantala, palagian siyang pinagbabantaan at tinatakot ng mga pulis, sinusubukan na pilitin siyang itatwa at ipagkanulo ang Diyos. Sa harap ng brutal na pang-uusig na ito ng pulisya ng Partido Komunista ng Tsina at ng mga gurong nangbe-brainwash, magagawa ba ni Zhao Xinliang na tumayong saksi sa huli? Panoorin ang Mga Alaala ng Aking Kabataan para malaman.

Mag-iwan ng Tugon