Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Pagkakatawang-tao | Sipi 105

897 2020-07-01

Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Pagkatao man o pagka-Diyos man Niya ito, kapwa nagpapasakop ang mga ito sa kalooban ng Ama sa langit. Ang Espiritu ang diwa ni Cristo, ibig sabihin ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang diwa Niya ay ang sa Diyos Mismo; hindi gagambalain ng diwang ito ang sarili Niyang gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na sisira sa sarili Niyang gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa sarili Niyang kalooban. Samakatuwid, ganap na hindi gagawa kailanman ang Diyos na nagkatawang-tao ng kahit anumang gawaing gumagambala sa sarili Niyang pamamahala. Ito ang dapat maunawaan ng lahat ng mga tao. Ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao, at para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Katulad nito, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas din ang tao, at alang-alang ito sa kalooban ng Diyos. Yamang nagkatawang-tao ang Diyos, napagtatanto Niya ang diwa Niya sa loob ng Kanyang katawang-tao, na sapat ang katawang-tao Niya upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinalitan ng gawain ni Cristo habang nasa panahon ng pagkakatawang-tao, at ang nasa kaibuturan ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Hindi ito maaaring maihalo sa gawain mula sa anumang ibang kapanahunan. At yamang nagiging katawang-tao ang Diyos, gumagawa Siya sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang dumarating Siya sa katawang-tao, tinatapos Niya sa gayon sa katawang-tao ang gawaing dapat Niyang gawin. Espiritu ng Diyos man ito o si Cristo man ito, kapwa Sila ang Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit

Ang Diwa ni Cristo ay Nalalaman sa Gawa't Pagpapahayag Niya

Ang diwa ni Cristo ay nalalaman sa gawa't pagpapahayag Niya. May isang pusong totoo, ginaganap Niya 'yong pinagkatiwala, sinasamba ang Diyos sa langit at hinahanap ang kalooban ng Ama. Nalalaman 'to sa diwa't natural na pagbubunyag Niya. Natural na pagpapahayag Niya'y hindi panggagaya, o mula sa mga taong pag-aaral ng tao. Ang mga ito'y hindi natututunan, bagkus ito'y likas. Ang mga ito'y hindi natututunan, bagkus ito'y likas.

Maaaring ikaila ng tao ang gawa, pagpapahayag at pagkatao Niya, o ang normal na buhay Niya bilang tao, pero hindi ang Kanyang pusong tunay 'pag sinasamba ang Diyos sa langit. Walang magkakaila na pagparito Niya'y upang tupdin ang kalooban ng Ama. O ang sinsiridad Niyang hanapin ang Diyos Ama. Maaaring 'di kanais-nais ang Kanyang larawan sa pandama, ang pananalita Niya'y maaaring di kagila-gilalas, gawa Niya'y maaaring hindi nakakayanig sa langit at lupa, tulad ng inaakala ng imahinasyon ng tao. Pero Siya nga si Cristo, na tumutupad sa kalooban ng Ama, may tunay na puso, ganap na pagsuko at pagsunod hanggang kamatayan. Ito'y dahil ang diwa Niya'y yaong diwa ng Cristo. Katotohanang ito'y mahirap paniwalaan ngunit umiiral. Katotohanang mahirap paniwalaan ngunit umiiral. Katotohanang mahirap paniwalaan ngunit umiiral.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon