Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 143

297 2020-10-13

Sa panahon ng mga huling araw naparito ang Diyos pangunahin na upang wikain ang Kanyang mga salita. Nagsasalita Siya mula sa perspektibo ng Espiritu, mula sa perspektibo ng tao, at mula sa perspektibo ng ikatlong panauhan; nagsasalita Siya sa iba’t-ibang paraan, gamit ang isang paraan sa isang panahon, at gumagamit ng mga paraan ng pagsasalita upang baguhin ang mga pagkaintindi ng tao at alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao. Ito ang pangunahing gawain na naisakatuparan ng Diyos. Dahil naniniwala ang tao na naparito ang Diyos upang magpagaling, magpalayas ng mga demonyo, magpamalas ng mga milagro, at upang magkaloob ng mga materyal na biyaya sa tao, isinasagawa ng Diyos ang yugtong ito ng gawain—ang gawain ng pagkastigo at paghatol—upang alisin ang mga gayong bagay mula sa mga pagkaintindi ng tao, upang malaman ng tao ang pagiging-tunay at pagiging-karaniwan ng Diyos, at upang ang imahe ni Jesus ay maaaring maalis sa kanyang puso at mapalitan ng bagong imahe ng Diyos. Sa oras na ang imahe ng Diyos sa puso ng tao ay maging luma, ito ay nagiging isang idolo. Nang dumating si Jesus at isinagawa ang yugtong iyon ng gawain, hindi Niya kinatawan ang kabuuan ng Diyos. Nagpakita Siya ng mga tanda at mga kababalaghan, nagwika ng ilang mga salita, at sa bandang huli ay napako sa krus, at kumatawan Siya sa isang bahagi ng Diyos. Hindi Siya maaaring kumatawan sa kabuuan ng Diyos, nguni’t kumatawan sa Diyos sa paggawa ng isang bahagi ng gawain ng Diyos. Iyan ay dahil ang Diyos ay labis na dakila, at lubhang kamangha-mangha, at hindi maarok, at dahil ginagawa lamang ng Diyos ang isang bahagi ng Kanyang gawain sa bawa’t panahon. Ang pangunahing gawain ng Diyos sa panahong ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng sangkap at kalikasan ng tao at tiwaling disposisyon ng tao, ang pag-aalis ng mga relihiyosong pagkaintindi, piyudal na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nitong mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga tanda at kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang kagandahan ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga gawa ng Diyos. Noong Kapanahunan ng Kautusan, pinangunahan ni Jehova si Moises palabas ng Ehipto sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at nagwika ng ilang mga salita sa mga Israelita; noong panahong iyon, ang ilang bahagi ng mga gawa ng Diyos ay ginawang payak, nguni’t dahil ang kakayahan ng tao ay limitado at walang anumang makakapagpakumpleto ng kanyang kaalaman, ipinagpatuloy ng Diyos ang pagwiwika at paggawa. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nakitang muli ng tao ang bahagi ng mga gawa ng Diyos. Nakaya ni Jesus na magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, at mapako sa krus, tatlong araw matapos noon Siya ay muling nabuhay at nagpakita sa laman sa harap ng tao. Tungkol sa Diyos, wala nang iba pang nalaman ang tao bukod dito. Ang nalalaman lamang ng tao ay ang mga ipinakikita ng Diyos sa kanya, at kung ang Diyos ay wala nang ipakikita sa tao, kung gayon ay hanggang doon lamang ang hangganan ng Diyos para sa tao. Dahil dito, ang Diyos ay nagpapatuloy sa paggawa, upang ang pagkakilala ng tao sa Kanya ay maging mas malalim, at upang unti-unti niyang malaman ang sangkap ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng Kanyang mga salita upang gawing perpekto ang tao. Ang iyong tiwaling disposiyon ay isinisiwalat ng mga salita ng Diyos, at ang iyong mga relihiyosong pagkaintindi ay pinapalitan ng katotohanan ng Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, una sa lahat, ay dumating dito upang isakatuparan ang mga salita na “ang Salita ay nagiging katawang-tao, ang Salita ay dumarating sa katawang-tao, at ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao.” at kung wala kang sapat na kaalaman tungkol dito, kung ganoon hindi mo pa rin kayang tumayo nang matatag; sa panahon ng mga huling araw, unang-unang layunin ng Diyos ang makagawa ng isang yugto ng gawain kung saan ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao, at ito ay isang bahagi ng plano sa pamamahala ng Diyos. Kaya naman, ang inyong pagkakilala ay dapat maging malinaw; hindi alintana ang paraan kung paano gumagawa ang Diyos, hindi pinahihintulutan ng Diyos ang tao na limitahan Siya. Kung hindi ginawa ng Diyos ang gawaing ito sa panahon ng mga huling araw, kung gayon ang pagkakilala ng tao tungkol sa Kanya ay hindi maaaring lumawak pa. Malalaman mo lamang na ang Diyos ay maaaring mapako sa krus at maaaring wasakin ang Sodoma, at si Jesus ay maaaring maibangon mula sa mga patay at magpakita kay Pedro…. Nguni’t hindi mo kailanman masasabi na matutupad ng mga salita ng Diyos ang lahat, at maaaring lupigin ang tao. Sa pamamagitan lamang ng pagdaranas sa mga salita ng Diyos na maaari kang makapagsalita tungkol sa gayong pagkakilala, at kung higit pang gawain ng Diyos ang iyong maranasan, higit ding magiging lubos ang pagkakilala mo sa Kanya. Doon mo lamang maititigil ang paglilimita sa Diyos sa iyong mga pagkaintindi. Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng Kanyang gawain, at walang iba pang tamang paraan upang kilalanin ang Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon

Mag-iwan ng Tugon