Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw: Ang Pagkakatawang-tao | Sipi 131
Dahil ang Diyos ang pinakadakila sa buong sansinukob at sa kaharian sa kaitaasan, kaya lubos ba Niyang maipaliliwanag ang Kanyang Sarili gamit ang imahe ng isang katawang-tao? Ang Diyos ay nagkatawang-tao para gawin ang isang yugto ng Kanyang gawain. Walang kabuluhan sa imahe ng katawang-tao, at wala itong kaugnayan sa paglipas ng mga kapanahunan, at walang anumang kinalaman sa disposisyon ng Diyos. Bakit hindi pinahintulutan ni Jesus na manatili ang Kanyang imahe? Bakit hindi Niya hinayaan ang tao na iguhit ang Kanyang imahe para ito ay maipasa sa susunod na mga salinlahi? Bakit hindi Niya pinahintulutan ang mga tao na kilalanin na ang Kanyang larawan ay ang larawan ng Diyos? Bagama’t ang imahe ng tao ay nilikha sa larawan ng Diyos, paanong kinakatawan ng anyo ng tao ang marangal na larawan ng Diyos? Nang ang Diyos ay nagkatawang-tao, basta na lamang Siya bumaba mula sa langit sa isang partikular na katawang-tao. Ang Kanyang Espiritu ay bumaba sa isang katawang-tao, sa pamamagitan nito Niya ginagawa ang gawain ng Espiritu. Ang Espiritu ay ipinahahayag sa katawang-tao, at ginagawa ng Espiritu ang Kanyang gawain sa katawang-tao. Lubos na kinakatawan ng gawaing ginawa sa katawang-tao ang Espiritu, at ang katawang-tao ay para sa kapakanan ng gawain, ngunit hindi niyon magagawang ipalit sa larawan ng katawang-tao para sa tunay na larawan ng Diyos Mismo; hindi ito ang layunin at kabuluhan ng Diyos na nagkatawang-tao. Siya ay nagiging katawang-tao para lamang magkaroon ang Espiritu ng isang lugar na matitirhan na angkop sa Kanyang paggawa, upang mas mabuti Niyang matamo ang Kanyang gawain sa katawang-tao, upang makita ng mga tao ang Kanyang mga gawa, maunawaan ang Kanyang disposisyon, mapakinggan ang Kanyang mga salita, at malaman ang himala ng Kanyang gawain. Kinakatawan ng Kanyang pangalan ang Kanyang disposisyon, kinakatawan ng Kanyang gawain ang Kanyang pagkakakilanlan, ngunit hindi Niya kailanman sinabi na kinakatawan ng Kanyang anyo sa katawang-tao ang Kanyang larawan; yaon ay isa lamang paniwala ng tao. At kaya, ang pinakamahalagang mga punto ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay Kanyang pangalan, ang Kanyang gawain, ang Kanyang disposisyon, at ang Kanyang kasarian. Ginagamit Niya ang mga ito upang kumatawan sa Kanyang pamamahala sa kapanahunang ito. Ang Kanyang anyo sa katawang-tao ay walang kinalaman sa Kanyang pamamahala, at para sa kapakanan lamang ng Kanyang gawain sa panahong yaon. Ngunit imposible para sa Diyos na nagkatawang-tao na hindi magkaroon ng partikular na anyo, at kaya pinipili Niya ang angkop na sambahayan upang pagpasyahan ang Kanyang anyo. Kung ang anyo ng Diyos ay mayroong kinatawang kabuluhan, kung gayon ang lahat ng mga iyon na nagtataglay ng kaparehong mga katangiang pangmukha sa Kanya ay kumakatawan din sa Diyos. Hindi ba iyon isang napakalaking pagkakamali? Ang larawan ni Jesus ay iginuhit ng tao upang ang tao ay maaaring sumamba sa Kanya. Sa panahong iyon, walang natatanging mga tagubilin na inilaan ang Banal na Espiritu, at kaya ipinasa ng tao ang naguni-guning larawang iyon hanggang sa kasalukuyan. Sa katunayan, alinsunod sa layunin ng Diyos, hindi ito dapat ginawa ng tao. Tanging ang sigasig ng tao ang naging sanhi na manatili ang larawan ni Jesus hanggang sa kasalukuyan. Ang Diyos ay Espiritu, at hindi kailanman makakaya ng tao na mabuo nang eksakto kung ano ang Kanyang larawan. Ang Kanyang larawan ay maaari lamang katawanin ng Kanyang disposisyon. Hindi mo magagawang buuin ang anyo ng Kanyang ilong, ng Kanyang bibig, ng Kanyang mga mata, at ng Kanyang buhok. Nang dumating ang paghahayag kay Juan, nakita niya ang larawan ng Anak ng tao: Mula sa Kanyang bibig ay isang matalas na espada na mayroong magkabilang talim, ang Kanyang mga mata ay kagaya ng ningas ng apoy, ang Kanyang ulo at buhok ay puting kagaya ng lana, ang Kanyang mga paa ay parang pinakintab na tanso, at mayroong isang ginintuang laso sa palibot ng Kanyang dibdib. Bagama’t ang Kanyang mga salita ay napakatingkad, ang larawan ng Diyos na Kanyang inilarawan ay hindi ang larawan ng isang nilalang. Ang kanyang nakita ay isang pangitain lamang, at hindi ang larawan ng isang tao mula sa materyal na mundo. Si Juan ay nakakita ng isang pangitain, ngunit hindi niya nasaksihan ang tunay na anyo ng Diyos. Ang larawan ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang larawan ng isang paglikha, at may kakayahan ito na kumatawan sa disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito. Nang nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, Kanyang sinabi na Kanyang ginawa ito sa Kanyang larawan at nilikha ang lalaki at babae. Sa panahong iyon, Kanyang sinabi na Kanyang ginawa ang lalaki at babae sa larawan ng Diyos. Bagama’t ang larawan ng tao ay nakakahawig ng larawan ng Diyos, hindi nangangahulugan na ang anyo ng tao ay ang larawan ng Diyos. Hindi mo maaaring gamitin ang wika ng tao upang ganap na gawing ehemplo ang larawan ng Diyos, sapagkat ang Diyos ay napakarangal, napakadakila, napakahiwaga at hindi maaarok!
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao