Menu

7 Mga Talata ng Bibliya Tungkol sa Bagong Langit at Bagong Lupa

Ang mga propesiya sa Bibliya na ang bagong langit at bagong lupa ay lilitaw, na kung saan ay isang maganda at walang hanggang kaharian ng Diyos ay itinayo para sa Kanyang bayan. Ito ang pangako ng Diyos sa Kanyang bayan, at kung ano ang minimithi natin. kaya paano magaganap ang bagong langit at ang bagong lupa? Paano ang isang magandang buhay sa bagong langit at bagong lupa? Ang mga sumusunod na nilalaman ay gagabay sa iyo upang mas marami pang malaman.

7 Mga Talata ng Bibliya Tungkol sa Bagong Langit at Bagong Lupa

Isaias 66:22

Sapagka't kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa, na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko, sabi ng Panginoon, gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan.

Mga Hebreo 12:22

Datapuwa't nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa bayan ng Dios na buhay, ang Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel.

Isaias 65:17-18

Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man. Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan.

2 Pedro 3:13

Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran.

Daniel 2:44

At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man.

Pahayag 11:15

At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man.

Pahayag 21:1-4

At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na. At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Habang nagaganap ang Aking mga salita, unti-unting nabuo ang kaharian sa mundo at unti-unting nabalik sa pagiging normal ang tao, at sa gayo’y naitatatag sa mundo ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, nababawi ng buong bayan ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan ng isang mundo ng mga lungsod sa tagsibol, kung saan tagsibol sa buong taon. Hindi na nahaharap ang mga tao sa malungkot at miserableng mundo ng tao, hindi na nila tinitiis ang maginaw na mundo ng tao. Hindi nag-aaway-away ang mga tao, hindi nagdidigmaan ang mga bansa, wala nang patayan at dugong dumadaloy mula sa patayan; lahat ng lupain ay puno ng kaligayahan, at sa lahat ng dako ay punung-puno ng init ng pagmamahal ang mga tao sa isa’t isa. Kumikilos Ako sa buong mundo, nasisiyahan Ako mula sa kaitaasan ng Aking trono, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng mga bituin. At naghahandog sa Akin ang mga anghel ng mga bagong awitin at mga bagong sayaw. Hindi na sinasanhi ng kanilang kahinaan na umagos ang mga luha sa kanilang mga mukha. Hindi Ko na naririnig, sa Aking harapan, ang tinig ng pag-iyak ng mga anghel, at wala na ring nagrereklamo sa Akin ng kahirapan. Ngayon, lahat kayo ay nabubuhay sa harapan Ko; bukas, mamamalagi kayong lahat sa Aking kaharian. Hindi ba ito ang pinakadakilang pagpapala na ipinagkakaloob Ko sa tao?

‘Kumikilos Ako sa ibabaw ng lahat ng mga tao at nagmamasid Ako sa lahat ng dako. Walang nagmumukhang matanda, at walang tao na katulad ng kung ano siya dati. Namamahinga Ako sa trono, sumasandig Ako patawid sa buong sansinukob….’ Ito ang kinalabasan ng kasalukuyang gawain ng Diyos. Ang lahat ng mga piniling tao ng Diyos ay bumabalik sa kanilang orihinal na anyo, na siyang dahilan kung bakit ang mga anghel, na nagdusa sa napakaraming taon, ay inilabas, tulad ng sinasabi ng Diyos, ‘may mukha na gaya ng sa banal na isa sa kaibuturan ng puso ng tao.’ Dahil ang mga anghel ay gumagawa sa lupa at naglilingkod sa Diyos sa lupa, at lumalaganap ang kaluwalhatian ng Diyos sa buong mundo, ang langit ay dinadala sa lupa, at ang lupa ay itinataas sa langit. Samakatuwid, ang tao ang kawing na nag-uugnay sa langit at lupa; ang langit at lupa ay hindi na magkabukod, hindi na magkahiwalay, kundi magkaugnay bilang isa. Sa buong mundo, tanging Diyos at tao ang umiiral. Walang alabok o dumi, at lahat ng bagay ay napabago, tulad ng isang maliit na tupa na nakahiga sa isang luntiang damuhan sa ilalim ng langit, tinatamasa ang lahat ng biyaya ng Diyos. At dahil ito sa pagdating ng pagkaluntiang ito na ang hininga ng buhay ay sumisikat, sapagka’t dumarating ang Diyos sa mundo upang mamuhay katabi ng tao sa buong kawalang-hanggan, tulad ng sinabi mula sa bibig ng Diyos na “muli Akong maninirahan nang mapayapa sa Sion.” Ito ang simbolo ng pagkatalo ni Satanas, ito ang araw ng kapahingahan ng Diyos, at ang araw na ito ay pupurihin at ipahahayag ng lahat ng tao, at gugunitain ng lahat ng tao. Kung kailan namamahinga ang Diyos sa trono ay iyon din ang kung kailan tinatapos ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa, at ang mismong sandali na ang lahat ng mga misteryo ng Diyos ay ipinakikita sa tao; ang Diyos at ang tao ay magpakailanmang magkakasundo, hindi kailanman magkakabukod—ang mga ito ang magagandang mga tagpo sa kaharian!

Mag-iwan ng Tugon