Menu

Mga Talata sa Biblia Tungkol sa Mananagumpay

Tulad ng alam natin, tanging ang mga nagawang mananagumpay ng Diyos sa mga huling araw ang maaaring maprotektahan ng Diyos at makaligtas sa matinding kapighatian, at sa huli ay madala sa kaharian ng Diyos. Kaya ano ang isang mananagumpay at paano tayo maaaring maging mananagumpay ng Diyos bago ang matinding kapighatian? Ang mga sumusunod na talata tungkol sa mananagumpay at mga kaugnay na nilalaman ay magpapakita sa iyo ng mga sagot.

Pahayag 14:1–5

At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo. At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa: At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa. Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila'y mga walang dungis.

» Tagalog Gospel Movie "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom

Pahayag 3:11–12

Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.

Pahayag 7:14

Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.

Pahayag 22:14

Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.

Natupad na ang mga propesiya sa pagbalik ng Panginoon, kumakatok ang Panginoon, paano natin Siya sasalubungin? Sumali sa aming mga online meeting upang malaman.

neiwen-CAT

Pahayag 21:7

Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako'y magiging Dios niya, at siya'y magiging anak ko.

Pahayag 2:17

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago, at siya'y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.

Zacarias 13:9

At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Si Jehova ay aking Dios.

» Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"

Pahayag 3:10

Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Sa kanila na tinutukoy ng Diyos na mga mananagumpay ay yaong nagagawa pang tumayong saksi, napapanatili ang kanilang pagtitiwala, at ang kanilang katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas at nasa ilalim ng pag-atake ni Satanas, iyon ay, kapag nasa loob ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring mapanatili ang isang puso ng kadalisayan at ang iyong tunay na pag-ibig para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay tumatayong saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang mananagumpay.

Yaong mga ginagawang ganap bago ang sakuna ay masunurin sa Diyos. Nabubuhay silang umaasa kay Cristo, sumasaksi kay Cristo, at dinadakila Siya. Sila ang matagumpay na mga batang lalaki at mabubuting mga kawal ni Cristo.

Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano ng pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakarating na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng nakasunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.

Sa mga huling araw, ang Diyos ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, kung gayon magiging imposible na gawing malinaw ang realidad ng Diyos, kaya imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subali’t gumagamit ng salita upang diligan at akayin ang tao, at pagkatapos nito ay nakakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang pagkakilala ng tao sa Diyos. Ito ang minimithi ng gawaing ginagawa Niya at ng mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit ng maraming iba’t ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang pagpipino, pakikitungo, pagtatabas, o pagtutustos ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba’t ibang mga perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagiging kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay nagagawang ganap sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kwalipikado siya na tumingin sa mga tanda at mga kababalaghan. Kapag ikaw ay mayroong pagkakilala sa Diyos at nakakayang sumunod sa Diyos kung anuman ang ginagawa Niya, ikaw ay makakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, sapagkat hindi ka magkakaroon ng mga pagkaintindi tungkol sa realidad ng Diyos. Sa sandaling ito, ikaw ay tiwali at walang kakayahang ganap na sumunod sa Diyos—kwalipikado ka bang makakita ng mga tanda at mga kababalaghan? Ang sandali na nagpapamalas ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan ay kapag pinaparusahan ng Diyos ang tao, at saka kapag ang kapanahunan ay nagbabago, at, dagdag pa, kapag ang kapanahunan ay nagwawakas. Kapag ang gawain ng Diyos ay normal na isinasakatuparan, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan ay masyadong madali, ngunit hindi iyon ang prinsipyo ng gawain ng Diyos, ni iyon ang mithiin ng pamamahala ng Diyos sa tao. Kung ang tao ay nakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at kung ang espirituwal na katawan ng Diyos ay magpapakita sa tao, hindi kaya lahat ng tao ay maniniwala sa Diyos? Dati Ko nang nasabi na ang isang grupo ng mga mananagumpay ay natatamo mula sa Silangan, mga mananagumpay na nagmumula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng ganoong mga salita? Ang ibig sabihin ng mga iyon ay ang mga taong ito na natamo na ay tunay lamang na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagtatabas at lahat ng uri ng pagpipino. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay hindi malabo at mahirap unawain, ngunit tunay. Hindi pa sila nakakakita ng anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi sila nagsasalita ng malabong mga titik at mga doktrina, o malalalim na kabatiran; sa halip mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos. Ang ganoon bang grupo ay walang mas higit na kakayahang gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos?

Salamat sa pagbasa sa aming nilalaman sa itaas. Kasalukuyan, ang mga sakuna ay nangyayaring madalas. Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay talagang natupad na. Paano natin masasalubong ang Panginoon bago ang malaking kapighatian at matamo ang pagkakataong magawang mananagumpay ng Diyos?

Pinahabang Pagbabasa:
Ano ang Tinutukoy na mga Mananagumpay sa Biblia?
Ano ang Kahulugan ng “Pagdala Bago Ang Mga Kalamidad”? Ano ang Kahulugan ng “Mga Nagawang Mananagumpay Bago Ang Mga Kalamidad”?
Tagalog Christian Movie | Paano Nagiging Mananagumpay ang mga Mananagumpay? (Tampok na Extract)
Tagalog Christian Movie | Gumagawa ng mga Mananagumpay ang Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw (Tampok na Extract)
Paano dinadalisay at inililigtas ang sangkatauhan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw

Mag-iwan ng Tugon