15 Bible Verses about Love Tagalog - Ang Diyos ay Pag-ibig
Ang sinabi ng Panginoong Jesus, “Kung paanong inibig ako ng Ama, ay gayon din naman iniibig ko kayo: magsipanatili kayo sa aking pagibig” (Juan 15:9). Ang Diyos ay pag-ibig. Paano tayo minamahal ng Diyos? Paano tayo hinihiling ng Diyos na mahalin Siya? Paano mahalin ang mga kapatid sa isa't isa? Nasa ibaba ang ilang mga talata tungkol sa pag-ibig na magpapakita sa atin ng paraan upang malaman ang pag-ibig ng Diyos at ang paraan upang mahalin ang Diyos. Pakibasa ang mga ito.
- Quick Navigation
- Bible Verses about Love Tagalog
- Kung Paano Hinihiling ng Diyos sa Atin na Mahalin Siya
- Mga Kapatid Dapat Mahalin Ang Isa't isa
- Mga Salita ng Diyos Tungkol sa Pag-ibig
Bible Verses about Love Tagalog
Ang Diyos ay pag-ibig at lahat ng Kanyang ginagawa ay para sa kabutihan ng buhay ng sangkatauhan. Ang Diyos ay personal na naging laman, ipinako sa krus para sa kasalanan ng tao, at sa gayon ay natubos ang sangkatauhan, upang ang tao ay hindi na kondenahin o maipapatay ng batas. Kanya ring ipinangako na Siya ay darating sa mga huling araw, dadalhin ang mga mananampalataya sa Kanya sa kaharian ng langit, at pagkalooban sila ng buhay na walang hanggan. Ang pag-ibig ng Diyos ay isang bagay na walang sino mang tao ang may taglay. Ang mga sumusunod na talata at kaugnay na nilalaman ay tutulong sa atin upang malaman ang higit pang katunayan ng pag-ibig ng Diyos.
Juan 3:16
Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
1 Juan 4:9-10
Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya. Narito ang pagibig, hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan.
1 Juan 4:16-19
At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya. Dito'y naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayo'y magkaroon ng pagkakatiwala sa araw ng paghuhukom; sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito. Walang takot sa pagibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig. Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin.
Roma 5:8
Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.
Paano Natin Dapat Ibigin ang Diyos?
Iniibig tayo ng Diyos at iniligtas tayo, kaya dapat nating ibigin ang Diyos. Ito ang budhi at katwiran na dapat taglay natin, kaya paano dapat nating ibigin ang Diyos nang naaayon sa kalooban ng Diyos?
Deuteronomio 5:10
At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
Mateo 22:37-39
At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Juan 14:21
Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.
Juan 14:23
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.
Lucas 14:26
Kung ang sinomang tao'y pumaparito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko.
2 Juan 1:6
At ito ang pagibig, na tayo'y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo'y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.
Mga Kapatid Dapat Mahalin Ang Isa't isa
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Na kayo'y mangagibigan sa isa't isa, na gaya ng pagibig Ko sa inyo” (Juan 15:12). Iniibig tayo ng Diyos, kaya dapat nating ibigin ang mga kapatid. Ito ang kautusan ng Diyos at isa sa tunay na pagpapahayag ng ating pag-ibig sa Diyos. Kaya paano natin dapat ibigin ang mga kapatid?
Juan 13:34-35
Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa. Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa.
1 Juan 3:18
Mumunti kong mga anak, huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan.
1 Pedro 1:22
Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa't isa.
1 Pedro 4:7
Nguni't ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: kayo nga'y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin.
1 Pedro 4:12
Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Tanging ang Lumikha ang naaawa sa sangkatauhang ito. Tanging ang Lumikha ang nagpapakita ng lambing at pagmamahal sa sangkatauhang ito. Tanging ang Lumikha ang may tunay at hindi napapatid na pagmamahal para sa sangkatauhan. Gayundin, tanging ang Lumikha ang makakapagkaloob ng kaawaan sa sangkatauhang ito at umiibig sa Kanyang buong sangnilikha. Lumulundag at sumasakit ang Kanyang puso sa bawat kilos ng tao: Siya ay nagagalit, nababalisa, at nagdadalamhati sa kasamaan at katiwalian ng tao. Siya ay nalulugod, nagagalak, nagpapatawad at nagsasaya sa pagsisisi at paniniwala ng tao; ang bawat isa sa Kanyang mga kaisipan at mga ideya ay umiiral at umiikot para sa sangkatauhan; kung ano at kung anong mayroon Siya ay lubos na ipinahahayag para sa kapakanan ng sangkatauhan; ang kabuuan ng Kanyang mga damdamin ay nakaugnay sa pag-iral ng sangkatauhan. Para sa kapakanan ng sangkatauhan, naglalakbay Siya at nagmamadali; tahimik Niyang ibinibigay ang bawat himaymay ng Kanyang buhay; iniaalay Niya ang bawat minuto at segundo ng Kanyang buhay…. Hindi Niya kailanman nalaman kung paano kaawaan ang Kanyang sariling buhay, ngunit lagi Niyang kinakaawaan at minamahal ang sangkatauhan na Kanya Mismong nilikha …. Ibinibigay Niya ang lahat ng kung anong mayroon Siya para sa sangkatauhang ito…. Iginagawad Niya ang Kanyang awa at pagpaparaya nang walang kundisyon at walang inaasahang kagantihan. Ginagawa lamang Niya ito upang patuloy na mananatili ang sangkatauhan sa Kanyang harapan, na tinatanggap ang Kanyang tustos ng buhay; ginagawa lamang Niya ito upang maaaring isang araw ay magpasakop sa Kanya ang sangkatauhan at kilalanin na Siya ang Isa na nag-aalaga sa pag-iral ng tao at nagtutustos ng buhay ng buong sangnilikha.
Ang Makapangyarihan sa lahat ay may awa sa mga taong ito na malalim ang pagdurusa. Ganoon din, Siya ay sawang-sawa na sa mga tao na walang kamalayan, dahil kailangan pa Niyang maghintay ng napakahabang panahon para sa sagot ng mga tao. Hinahangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu. Nais ka Niyang dalhan ng pagkain at tubig at gisingin ka, upang hindi ka na uhaw, hindi na gutom. Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang maramdaman ang kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap sa iyong pagdating anumang oras. Nagbabantay Siya sa iyong tabi, naghihintay para sa iyong pagbabalik.
Ang pag-ibig ng Diyos ay umaabot sa malayo katulad ng tubig sa batis, at ibinigay sa iyo, at sa akin, at sa kanya, at sa lahat ng tunay na naghahanap ng katotohanan at naghihintay sa Kanyang pagpapakita.
- Tala ng Patnugot:
-
Kung ikaw ay sumasailalim sa ilang mga mahirap na kapaligiran at nais mong malaman ang higit pa tungkol sa pag-ibig ng Diyos, o kung nais mong matuto nang higit pa tungkol sa mga kinakailangan ng Diyos sa atin, o kung mayroon kang anumang iba pang mga katanungan, mangyaring malaya lang na pindutin ang kanang bahagi sa ibaba ng screen upang kumonekta sa amin. Handa kami na tulungan ka.