Isang pandemya ang walang humpay na kumakalat at nagsimula nang magkaroon ng mga lindol, pagbaha, pananalasa ng mga insekto at taggutom. Maraming tao ang nasa kalagayan ng patuloy na pagkabalisa, at ang mga mananampalataya'y sabik na hinihintay ang pagparito ng Panginoon sakay ng isang ulap upang dalhin sila sa langit para salubungin Siya, para matakasan ang mga paghihirap sa gitna ng mga sakuna at makapasok sa kaharian ng Diyos. Hindi nila alam kung bakit hindi pa sila dinadala para salubungin ang Panginoon. Hindi sila mapalagay, na baka itinapon na sila ng Panginoon at nahulog sa mga sakuna. Nalilito sila’t naliligaw. Ipinropesiya ng Pahayag na ang Panginoong Jesus ay paparito bago ang mga sakuna at dadalhin tayo sa langit upang hindi tayo mamatay sa mga ito. Ngunit nagsimula nang umulan ng mga sakuna, kaya bakit hindi pa pumaparito ang Panginoon sakay ng isang ulap para tanggapin ang mga mananampalataya? Sa pamamagitan ng ating pananampalataya, pinatawad ang ating mga kasalanan, tayo'y biniyayaan ng kaligtasan, at pinagkalooban ng pagiging matuwid. Bakit hindi pa tayo dinadala sa kaharian ng langit? Ito ang mga tanong ng maraming mananampalataya. Buweno, ang kaligtasan ba sa pamamagitan ng pananampalataya ay talagang makapagpapapasok sa atin sa kaharian ng langit? Sa episode na ito ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya, maaari nating suriin ito nang sama-sama at hanapin ang sagot.