Ang katangian ba ng Panginoong Jesus ay Tanging Pagka-maawain at mapagmahal lamang?
Sa tuwing pag-uusapan natin ang Panginoong Jesus, iniisip nating lahat ang Kanyang masaganang pag-ibig para sa atin; personal Siyang pumunta sa mundo upang tubusin ang sangkatauhan at isang inosenteng Tao na ipinako sa krus, at ang aktong ito ay ganap na inihahayag ang Kanyang pag-ibig sa buong sangkatauhan. Sinasabi ng Biblia, “Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios, Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin, Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan” (Lucas 1:78–79). Bawat Kristiyano na tumatanggap sa kaligtasan ng Panginoon ay tinatamasa ang masaganang biyaya na ipinagkakaloob Niya sa atin at nararanasan natin ang kapayapaan at kaligayahang ibinibigay Niya sa atin. Kaya naman maraming tao ang naniniwala na ang disposisyon ng Panginoong Jesus ay habambuhay na mapagmahal at maawain.
Ito rin ang pinaniniwalaan ko, matapos maniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon. Ngunit nabasa ko ang isang sipi sa Biblia kung saan pinagsalitaan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo: “Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating” (Mateo 12: 31–32). Mula sa mga salitang ito kung saan hinahatulan at isinusumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, nakita ko na ang Kanyang saloobin sa kanila ay pagkasuklam at pagkamuhi. At naintindihan ko mula rito na ang disposisyon ng Diyos ay mayroon ding bahagi kung saan hindi pinalalampas ang kasalanan. Labis akong nagulat nang mapagtanto ko ito, at naisip ko sa aking sarili: Maaari kayang ang disposisyon ng Panginoong Jesus ay hindi lamang maawain at mapagmahal, ngunit maringal at mabagsik rin? Dahil hindi ko ganap na maunawaan ang bagay na ito, nag-umpisa akong saliksikin ang sagot.
Salamat sa Panginoon na, matapos ang ilang panahon, nagbunga ang pagsasaliksik ko. Nakakita ako ng ilang sipi ng mga salita mula sa isang aklat: “Una sa lahat alam natin na ang disposisyon ng Diyos ay kamahalan, ay poot. Hindi Siya isang tupa na maaaring patayin ng sinuman; higit pa, hindi Siya isang sunud-sunuran upang maging kontrolado ng mga tao sa anumang gusto nila. Hindi rin Siya walang halaga na inuutus-utusan ng mga tao. Kung talagang naniniwala ka na may Diyos, dapat may puso kang natatakot sa Kanya, at dapat mong malaman na ang diwa ng Diyos ay hindi dapat ginagalit.” “Ano ang saloobin ng Diyos sa mga taong pinapalubha ang Kanyang disposisyon, at nagkakasala sa mga atas ng Kanyang pamamahala? Matinding pagkasuklam! Matindi ang poot ng Diyos sa mga taong hindi nagsisisi sa pagpapalubha sa Kanyang disposisyon! Ang “matinding poot” ay isa lamang pakiramdam, isang kondisyon; hindi nito kinakatawan ang isang malinaw na saloobin. Ngunit ang pakiramdam na ito, ang kondisyon na ito, ay magdudulot ng isang kalalabasan para sa taong ito: Pupunuin nito ng matinding pagkamuhi ang Diyos!” “Ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay hindi isang uri ng pagpapalayaw o pamimihasa; ang Kanyang awa at pagpaparaya sa sangkatauhan ay hindi mapagpalayaw o walang pakialam. Sa kabilang banda, ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan ay para pahalagahan, kaawaan, at igalang ang buhay; Ipinahihiwatig ng Kanyang awa at pagpaparaya ang mga inaasahan Niya sa tao; Ang Kanyang awa at pagpaparaya ang kailangan ng sangkatauhan upang mabuhay. Ang Diyos ay buhay, at talagang mayroong Diyos; Ang Kanyang saloobin sa sangkatauhan ay may prinsipyo, hindi isang dogmatikong batas, at maaari itong baguhin. Ang Kanyang kalooban para sa sangkatauhan ay unti-unting nagbabago at nagbabago sa paglipas ng panahon, ng pangyayari, at sa saloobin ng bawat tao.”
Mula sa mga siping ito, naintindihan ko na ang Diyos ay ang Panginoon ng nilikha at na, bagaman puno Siya ng awa at pagmamahal sa sangkatauhan, kapita-pitagan din Siya, at mas bihirang hayaan ng Kanyang disposisyon ang anumang kasalanan. Kapag walang-prinsipyong nilapastangan ng mga tao ang Diyos at lalung-lalo na upang lumaban sa Kanya at tutulan Siya, dumarating sa kanila ang kaparusahan ng Diyos. Gayunpaman, sa mga sumusunod sa mga salita ng Diyos, na sinusunod ang Kanyang gawain at mayroong mga puso na may takot sa Diyos ay mapagmahal at maawain ang Diyos. Mula rito ay makikita natin na ang saloobin ng Diyos sa tao ay hindi nagbabago, ngunit sa halip ay nagbabago iyon kasabay ng saloobin ng tao sa Diyos—ito ang makatuwirang disposisyon ng Diyos.
Iniisip ang panahong dumating ang Panginoong Jesus sa mundo upang gawin ang Kanyang gawain, nagpahayag Siya ng maraming katotohanan at gumawa ng maraming palatandaan at himala. Ang mga Fariseo, mga pari at eskriba ay alam na alam na ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan. Ngunit upang protektahan ang sarili nilang mga posisyon at kabuhayan, walang ingat silang gumawa ng mga sabi-sabi at hinusgahan at nilait nila ang Panginoong Jesus, sinasabi na pinalalayas Niya ang mga demonyo sa pamamagitan ng pag-asa sa Demonyo, at sinubukan nilang pigilan ang mga karaniwang tao mula sa pagsunod sa Kanya. Ang kanilang pagkilos ng pagiging galit sa katotohanan at sawa sa katotohanan ay nakasakit sa disposisyon ng Diyos. At iyon ang dahilan kung bakit namuhi sa kanila ang Panginoong Jesus at isinumpa silang makaranas ng kamalasan, sinasabing nabibilang sila sa mga ahas at mga anak ng impiyerno. Pagkatapos ay nariyan si Judas, ang alagad ng Panginoong Jesus, na palaging nagnanakaw ng pera mula sa Panginoong Jesus at ginagasta iyon, na hindi minahal ang Kanyang mga salita at ni walang pagmamahal sa katotohanan. Ibinenta din niya ang Panginoong Jesus para sa 30 piraso ng pilak, kaya naging isang kahiya-hiyang taksil na labis na nasaktan ang disposisyon ng Diyos. At siyang, sa huli, ay isinumpa ng Diyos at namatay sa pagsambulat ng mga laman ng kanyang tiyan. Nariyan din ang kuwento ni Ananias at ng kanyang asawa na lihim na nagtabi ng bahagi ng pera na nagmula sa pagbebenta ng kanilang lupain. Sa paggawa nito, hindi lamang nila niloko ang ibang tao, ngunit maliwanag din na nagsinungaling sila sa Banal na Espiritu. Kaya naman sinaktan nila ang disposisyon ng Diyos at pinabagsak sila ng Diyos. Ang mga katotohanang ito tungkol sa gawain ng Diyos ay nagpapatunay na ang disposisyon ng Diyos ay hindi lamang maawain at mapagmahal, ngunit maringal at mabagsik din iyon, at ito ang sagisag ng makatuwirang disposisyon ng Diyos. Kahit na mahal ng Diyos ang sangkatauhan na ginawa Niya gamit ang Kanyang sariling mga kamay, para sa mga lumalaban sa Kanya at hayagang sumasalungat sa Kanya, ipinapakita Niya ang isa pang bahagi ng Kanyang makatuwirang disposisyon—iyon ay ang malalim na galit. Kaya naman, nagawa kong maintindihan na ang awa at pagmamahal ng Panginoong Jesus ay hindi ibinibigay sa atin nang walang hangganan. Kapag hindi natin sinusunod ang paraan ng Diyos at kinakalaban natin ang Diyos at kumikilos nang masama laban sa Kanya, noon Niya pakakawalan ang Kanyang pagiging maringal at matinding galit sa atin. At ang ginawa ng Panginoong Jesus na handog sa kasalanan para sa atin ay mawawalan ng bisa. Gaya ng sinasabi ng Biblia, “Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan” (Mga Hebreo 10:26).
Gayunpaman, para sa mga nagmamahal sa katotohanan, na tumatanggap sa katotohanan, na tunay na nagsisisi at nagawang sumunod sa mga salita ng Diyos, hangga’t hindi sila nagsasalita ng masama laban sa Banal na Espiritu, kung ganoon ay palaging magiging maawain at mapagmahal sa kanila ang Diyos. Halimbawa na lang sina Pedro at Juan na mga taga-sunod ng Panginoong Jesus, gayundin ang mga tao na gaya ng kolektor ng buwis na si Mateo, na nagsisi at nangumpisal sa Panginoon. Nang marinig nila ang pagtawag ng Panginoong Jesus, isinuko nila ang lahat at sumunod sa Kanya. Masunurin silang sumunod sa Kanyang mga sermon, nauhaw sa Kanyang mga salita, at trinato sila ng Panginoong Jesus nang may awa at pagmamahal. Madalas ding mamuhay ang Panginoon kasama nila, ibinibigay sa kanila ang Kanyang mga biyaya at gabay. Nang mga panahong iyon, dahil hindi naintindihan ni Pedro ang gawaing kailangang gawin ng Panginoong Jesus, sinubukan niyang harangan ang gawain ng Diyos dahil sa kabutihan ng kanyang puso bago ipinako sa krus ang Panginoon, kaya naman naging isa sa mga kampon ni Satanas. Nang sinabi niyang: “Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo” (Mateo 16:22), mahigpit siyang sinaway ng Panginoon, sinasabing “Lumagay ka sa likuran ko, Satanas” (Mateo 16:23). Mula sa mga salitang ito, makikita natin na kinasuklaman ng Panginoong Jesus ang ikinilos ni Pedro. Gayunpaman ay pinag-aaralang mabuti ng Panginoon ang mga puso ng tao at pinatatawad Niya ang maliit na tayog ng mga tao. Kaya naman hindi niya pinarusahan si Pedro, ngunit sa halip ay binigyan ito ng pagkakataon na magsisi. Nang mapagtanto ni Pedro ang ginawa niya, lalo siyang nakaramdam ng labis na pagsisisi sa kanyang ginawa at, sa huli, hindi na naalala ng Panginoon ang pagsuway ni Pedro, ngunit sa halip ay binigyan siya ng tungkulin ng paggabay sa iglesia.
Noon ako nakatiyak na ang disposisyon ng Panginoong Jesus ay hindi lamang mapagmahal at maawain, ngunit makatuwiran, maringal at mabagsik. Kung habambuhay nating lilimitahan ang Panginoong Jesus sa pagiging mapagmahal at maawain lamang na Diyos dahil tinatamasa natin ang pagmamahal at awa ng Panginoon, at kung maniniwala tayo na hindi kailanman magagalit sa atin ang Diyos anuman ang kasalanang gawin natin, ngunit sa halip ay magiging maawain Siya at hindi mahigpit sa atin, kung ganoon ay malamang na hindi malugod ang Diyos sa ating mga kilos at masaktan ang Kanyang disposisyon dahil sa kawalan natin ng pusong may takot sa Diyos. Noon ko nabasa ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang Diyos ay isang Diyos na buhay, at dahil magkakaiba ang paggawa ng mga tao sa iba’t ibang sitwasyon, ang saloobin ng Diyos sa mga paggawang ito ay magkakaiba rin sapagkat Siya ay hindi isang sunud-sunuran, at hindi rin Siya walang halaga. Ang pagkilala sa saloobin ng Diyos ay isang mahalagang hangarin para sa sangkatauhan. Dapat malaman ng mga tao kung paano, sa pamamagitan ng pagkilala sa saloobin ng Diyos, nilang malalaman ang disposisyon ng Diyos at maunawaan ng paunti-unti ang Kanyang puso. Kapag unti-unti mong maunawaan ang puso ng Diyos, hindi mo mararamdaman na mahirap gawin ang pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Dagdag pa, kapag naiintindihan mo ang Diyos, malamang ay hindi ka gagawa ng mga konklusyon tungkol sa Kanya. Kapag tumigil ka sa paggawa ng mga konklusyon tungkol sa Diyos, malamang na hindi ka magkakasala laban sa Kanya, at walang kamalayan na dadalhin ka ng Diyos sa pagkakilala sa Kanya, at sa gayong paraan magkakaroon ka ng takot sa Diyos sa iyong puso. Titigil ka sa pagtukoy sa Diyos gamit ang mga doktrina, ang mga liham, at ang mga teyorya na iyong pinagkadalubhasaan. Sa halip, sa pamamagitan ng palaging paghahanap sa mga layunin ng Diyos sa lahat ng bagay, hindi mo mamamalayang nagiging isa kang tao na naaayon sa puso ng Diyos.” Naging dahilan ang siping ito upang maintindihan ko na, tanging sa pag-alam ng disposisyon ng Diyos lamang natin magagawang lapitan ang bawat bagay na makakasalubong natin nang may pag-iingat at pangangalaga. Lalo na sa napakahalagang panahon na ito ng mga huling araw kung saan sasalubungin natin ang pagbabalik ng Panginoon. Hindi natin malalaman ang mga bagay gaya ng kung paano darating ang Panginoon sa mga huling araw, anong uri ng gawain ang Kanyang gagawin, base sa sarili nating mga ideya at imahinasyon, lalo na ang limitahan ang Panginoon sa anumang paraan. Dapat tayong magtaglay ng pusong may takot sa Diyos at maghanap sa lahat ng bagay upang maiwasan ang paglilimita at pagsuway sa Diyos, sinasaktan ang disposisyon ng Diyos at ginagawa ang kaparehong pagkakamali tulad ng sa mga Fariseo sa pamamagitan ng ating mga maling pananaw at imahinasyon. Maliwanag na napakahalaga sa bawat mananampalataya ng Diyos ang disposisyon Niya.