Mag-subscribe

Menu

Susunod

"Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao" | Sipi 259

506 2020-07-16

Pang Araw-araw na Salita ng Diyos | “Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” | Sipi 259
Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala ang tao, isang buhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Kaya naman, nagkaroon ang tao ng mga magulang at mga kamag-anak at hindi na nag-isa. Magmula nang unang makita ng mga mata ng tao ang materyal na mundo, siya ay itinadhanang mamuhay sa loob ng pagtatalalaga ng Diyos. Ito ang hininga ng buhay mula sa Diyos na siyang sumusuporta sa bawat buhay na nilalang mula sa kanyang paglaki hanggang sa pagtanda. Sa prosesong ito, walang naniwala na ang tao ay nabubuhay at lumalaki sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Sa halip, pinanghahawakan nila na ang tao ay lumalaki sa ilalim ng pagmamahal at pangangalaga ng kanyang mga magulang, at ang kanyang paglaki ay saklaw ng batas ng buhay. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi kung paanong ang likas ng buhay ay lumilikha ng himala. Ang alam lamang ng tao ay ang pagkain ang basehan ng pagpapatuloy ng buhay, na ang tiyaga ay ang pinagmulan ng pag-iral ng buhay, at ang paniniwala sa kanyang utak ang siyang kayamanan sa kanyang kaligtasan sa buhay. Hindi nararamdaman ng tao ang grasya at panustos mula sa Diyos. Kung kaya’t aaksayahin ng tao ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.… Wala ni isang tao na araw at gabing minamasdan ng Diyos ang kusang loob na sambahin Siya. Ipinagpapatuloy ng Diyos ang gawain ayon sa Kanyang mga plano sa tao nang wala Siyang kahit anong inaasahan. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa kanyang panaginip at biglang maunawaan ang halaga at layunin ng buhay, maunawaan ang halaga kung saan binigay ng Diyos ang lahat sa tao, at malaman kung gaano nananabik ang Diyos na manumbalik ang tao sa Kanya. Wala pang nagsaalang-alang sa mga lihim na pinagmulan at pagpapatuloy ng buhay ng tao. Gayunpaman, tanging ang Diyos na siyang nakakaintindi ng lahat ng ito, ang tahimik na umiinda ng pasakit at mga dagok mula sa tao na tumanggap ng lahat mula sa Diyos ngunit walang pagpapasalamat. Binabalewala ng tao ang lahat ng pinakikinabangan niya sa buhay, at “sa ganitong paraan,” ang Diyos ay pinagtaksilan, kinalimutan, at kinikilan ng tao. Tunay bang ganoon kahalaga ang plano ng Diyos? Ang tao ba, ang nabubuhay na nilalang na nagmula sa kamay ng Diyos, ay tunay nga bang mahalaga? Ang plano ng Diyos ay lubos na mahalaga; gayunman, ang buhay na nilalang na nilikha sa pamamagitan ng kamay ng Diyos ay nabubuhay para sa Kanyang plano. Samakatuwid, hindi kaya ng Diyos na sayangin ang Kanyang plano ng dahil lamang sa galit sa sangkatauhang ito. Ito ay para sa kapakanan ng Kanyang plano at hiningang Kanyang inilabas kaya tinitiis ng Diyos ang lahat ng paghihirap, hindi para sa laman ng tao kundi para sa buhay ng tao. Nais Niya na mabawi hindi ang laman ng tao kundi ang buhay na Kanyang inihinga palabas. Ito ang Kanyang plano.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang Nakauunawa sa Maalab na Nais ng Diyos na Iligtas ang Tao

Mundo’y nilikha ng Diyos at tao’y dito dinala, ‘sang buhay na nilalang na binigyang buhay ng Diyos. Kaya tao’y may magulang at kamag-anak, ‘di na nag-iisa, tinadhanang sa pagtatalaga ng Diyos mabuhay. Ito’y hininga ng buhay galing sa Diyos na sumusuporta sa bawat nabubuhay na nilalang sa buong paglaki nila hanggang pagtanda. Sa buong prosesong ‘to, naniniwala sila na pasasalamat lang ‘to sa kalinga’t pag-ibig ng magulang nila. Wala ni ‘sang taong araw gabi’y Diyos nag-aaruga kusang sumamba sa Kanya. Patuloy na gumagawa ang Diyos gaya ng Kanyang plano sa tao, na tila walang anumang pag-asa. At S’ya’y umaasang ‘sang araw, na tao’y gigising sa panaginip n’ya, halaga’t layunin ng buhay makikita, maunawaan anong ginawa ng Diyos para ibigay lahat sa tao, pa’no S’ya nananabik na tao sa Kanya’y magbalik. Oo, pa’no S’ya nananabik na tao sa Kanya’y magbalik.

Walang naniniwala na nabubuhay at lumalaki ang tao sa pag-aalaga ng Diyos. Iniisip nila na paglaki ng tao’y likas sa buhay. Dahil ‘di nila alam sinong nagbigay buhay o sa’n ‘to nagmula, pa’nong likas ng buhay lumilikha ng himala. O, iniisip nilang pagkaing kinakai’y tumutustos sa buhay, tao’y nabubuhay dahil s’ya’y nagtitiyaga, na umiiral ang tao sa paniniwala. Bulag sila sa pagtustos ng Diyos. Kaya inaaksaya nila buhay na bigay ng Diyos. Wala ni ‘sang taong araw gabi, Diyos nag-aaruga kusang sumamba sa Kanya. Patuloy na gumagawa ang Diyos gaya ng Kanyang plano sa tao, na tila walang anumang pag-asa. At S’ya’y umaasang ‘sang araw, na tao’y gigising sa panaginip n’ya, halaga’t layunin ng buhay makikita, maunawaan anong ginawa ng Diyos para ibigay lahat sa tao, pa’no S’ya nananabik na tao sa Kanya’y magbalik. Oo, pa’no S’ya nananabik na tao sa Kanya’y magbalik. Wala ni ‘sang taong araw gabi, Diyos nag-aaruga kusang sumamba sa Kanya. Patuloy na gumagawa ang Diyos gaya ng Kanyang plano sa tao, na tila walang anumang pag-asa. At S’ya’y umaasang ‘sang araw, na tao’y gigising sa panaginip n’ya, halaga’t layunin ng buhay makikita, maunawaan anong ginawa ng Diyos para ibigay lahat sa tao, pa’no S’ya nananabik na tao sa Kanya’y magbalik. Oo, pa’no S’ya nananabik na tao sa Kanya’y magbalik.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon