Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 303

722 2020-12-22

Bigo ang tao na matamo ang Diyos hindi dahil sa ang Diyos ay may emosyon, o dahil ayaw ng Diyos na makamit Siya ng tao, ngunit dahil ayaw makamit ng tao ang Diyos, at dahil hindi agarang hinahanap ng tao ang Diyos. Paano nangyari na ang isa sa mga tunay na naghahangad sa Diyos ay isusumpa ng Diyos? Paano nangyari na ang isang may mahusay na katinuan at sensitibong konsensya ay isusumpa ng Diyos? Paano nangyari na ang isang tunay na sumasamba at naglilingkod sa Diyos ay lalamunin ng mga apoy ng Kanyang poot? Paano nangyari na ang isang masayang sumusunod sa Diyos ay palalayasin sa bahay ng Diyos? Paano nangyari na ang isang hindi maaaring ibigin ang Diyos nang sapat ay mabuhay sa kaparusahan ng Diyos? Paano nangyari na ang sinuman na masaya na iwan ang lahat para sa Diyos ay walang makukuhang kahit na ano? Ayaw ng tao na matamo ang Diyos, ayaw niyang gugulin ang kanyang mga ari-arian para sa Diyos, at ayaw niyang maglaan ng magpakailanmang pagsisikap sa Diyos, at sa halip sinasabi na ang Diyos ay lumabis na, na maraming tungkol sa Diyos ang salungat sa pagkakaintindi ng tao. Sa ganitong uri ng pagkatao, kahit walang humpay ang inyong mga pagsisikap hindi pa rin ninyo matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos, huwag nang sabihin ang katotohanan na hindi ninyo hinahangad ang Diyos. Hindi ba ninyo alam na kayo ang depektibong produkto ng sangkatauhan? Hindi ba ninyo alam na walang katauhan ang higit na mas mababa kaysa sa inyo? Hindi ba ninyo alam kung ano ang “pamitagan na titulo” ninyo? Yaong mga tunay na umiibig sa Diyos ay tinatawag kayong mga ama ng lobo, mga ina ng lobo, mga anak ng lobo, mga apo ng lobo, kayo ang lahi ng mga lobo, ang mga tao ng lobo, at kailangan ninyong malaman ang inyong pagkakakilanlan at kailanman ay huwag limutin ito. Huwag isipin na kayo ay sinumang nakatataas na tao: Kayo ang pinakakasuklam-suklam na grupo ng mga hindi-tao sa gitna ng sangkatauhan. Hindi ba ninyo alam ang alinman dito? Hindi ba ninyo alam gaanong panganib ang sinuong Ko upang gumawa sa gitna ninyo? Kung ang inyong katinuan ay maibabalik sa normal, at ang inyong konsensya ay hindi gagana nang normal, kung gayon ay hindi kayo kailanman makalalaya sa bansag na “lobo”, hindi ninyo matatakasan ang araw ng sumpa, kailanman ay ’di matatakasan ang araw ng inyong kaparusahan. Kayo ay isinilang na mababa, isang bagay na walang kabuluhan. Kayo sa inyong kalikasan ay pangkat ng mga gutom na lobo, isang tumpok ng latak at basura, at, hindi kagaya ninyo, hindi Ako gumagawa sa gitna ninyo upang makakuha ng mga pabor, ngunit dahil sa pangangailangan sa gawain. Kung kayo ay magpapatuloy sa pagiging mapaghimagsik sa ganitong paraan, kung gayon ay ititigil Ko ang Aking gawain, at hindi na gagawa ulit sa gitna ninyo, bagkus, ililipat Ko ang aking gawain sa ibang grupo na napalulugod Ako, at sa ganitong paraan ay iiwan kayo magpakailanman, sapagkat hindi Ako titingin sa mga nakikipag-alitan sa Akin. Kaya kung ganoon, nais niyo bang maging kaayon sa Akin, o makipag-alitan sa Akin?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos

Mag-iwan ng Tugon