Mag-subscribe

Menu

Susunod

"Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao" | Sipi 258

233 2020-12-27

Pang Araw-araw na Salita ng Diyos | “Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” | Sipi 258
Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.

Sa pagkagat ng dilim, ang tao ay nananatiling walang malay, sapagkat ang puso ng tao ay hindi nakakaunawa kung paano lumalapit ang dilim o kung saan ito nanggaling. Habang tahimik na tumatakas ang gabi, sinasalubong ng tao ang liwanag ng umaga, ngunit ang puso ng tao ay lubhang mas malabo o hindi batid kung saan nanggaling ang liwanag at paano nito naitaboy ang kadiliman ng gabi. Ang paulit-ulit na salitan ng araw at gabi ang nagdadala sa tao sa isang panahon patungo sa isa pa, sumasabay sa galaw ng panahon, habang tinitiyak na ang gawain ng Diyos at ang Kanyang plano ay maisakatuparan sa bawat panahon at sa lahat ng oras. Ang tao ay naglakad ng mahabang panahon kasama ang Diyos, ngunit hindi alam ng tao na ang Diyos ang namumuno sa kapalaran ng lahat ng bagay at mga buhay na nilalang o kung paano isinasaayos o pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay. Ito ay isang bagay na naging mailap sa tao mula pa sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyang araw. Sa kung anong dahilan kung bakit, ito ay hindi dahil sa ang paraan ng Diyos ay masyadong mailap, o dahil ang plano ng Diyos ay dapat pang mapagtantuhan, kundi dahil ang puso at espiritu ng tao ay masyadong malayo sa Diyos. Kung kaya’t, kahit ang tao ay sumusunod sa Diyos, siya ay walang kamalay-malay na nananatili sa paglilingkod kay Satanas. Walang aktibong naghahanap ng mga yapak o wangis ng Diyos, at walang nagnanais na mamuhay sa pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Sa halip, sila ay handang umasa sa kaagnasan ni Satanas at kasamaan upang iangkop sa mundong ito at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng makasalanang sangkatauhan. Sa puntong ito, ang puso at espiritu ng tao ay isinakripisyo kay Satanas at siyang bumubuhay dito. Higit pa rito, ang puso at espiritu ng tao ay naging lugar kung saan si Satanas ay maaaring manirahan at naging akmang palaruan ito. Sa paraang ito, ang tao ay walang kamalay-malay na nawawala sa kanya ang pag-unawa ng mga prinsipyo ng pagiging tao, at ang halaga at layunin ng pag-iral ng tao. Ang mga batas mula sa Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao ay unti-unting naglalaho sa puso ng tao at hindi na naghahanap ang tao o nagbibigay pansin sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, ang tao ay hindi na nauunawaan kung bakit nilikha ng Diyos ang tao, ni hindi niya maintindihan ang mga salitang nagmula sa bibig ng Diyos o mapagtanto ang lahat ng galing sa Diyos. Nagsimula ang tao na labanan ang mga batas at kautusan mula sa Diyos; ang puso at espiritu ng tao ay naging mapurol…. Nawawala na sa Diyos ang taong Kanyang orihinal na nilikha, at nawawala na sa tao ang ugat ng kanyang pinanggalingan. Ito ang pighati ng sangkatauhang ito. Sa katunayan, magmula sa simula hanggang ngayon, ang Diyos ay nagtanghal ng trahedya para sa sangkatauhan kung saan ang tao ay kapwa bida at biktima, at walang kayang sumagot kung sino ang direktor ng trahedyang ito.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos

Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay

Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito, inumpisahan mo’ng gawin ang iyong tungkulin. Sa plano’t ordinasyon ng Diyos, tungkulin ay tinanggap mo, at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan. Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap, walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan, at walang may hawak ng kanilang tadhana, pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.

Mula sa sandaling umiral ang tao, patuloy ang Diyos sa Kanyang gawain, pagpapatnubay sa lahat ng mga bagay, pamamahala sa sanlibutan. Tulad ng lahat, tahimik at walang malay ang tao sa pagtanggap, sa biyayang tamis at ulan at hamog na mula sa Diyos. Tulad ng buong sansinukob ang tao’y buhay sa pagsasaayos ng Diyos. Puso’t espiritu ng tao’y nasa kamay ng Diyos, at ang buhay ng lahat ng tao’y tanaw ng Diyos.

Maniwala ka man dito o hindi, lahat ng mga bagay, may buhay o wala, magbabago, maglalaho, magsisimulang muli, lahat ay matutupad sa kagustuhan ng Diyos. Ganito mamuno ang Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon