Ang pagsapit ng mga kalamidad sa mga ayaw tumanggap sa Makapangyarihang Diyos ay parusa ng Diyos
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo yaong mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga ligaw sa guni-guni yaong mga hindi tinatanggap ang daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na magpakailanmang kamumuhian ng Diyos yaong mga taong hindi tinatanggap si Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lamang. Naniniwala ka sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang daan. Hindi mo maaaring isipin lamang ang magkamit ng mga pagpapala habang wala kang kakayahang tumanggap ng katotohanan at walang kakayahang tumanggap ng paglalaan ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay lahat yaong mga tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ito ang landas na dapat tahakin ng yaong lahat ng mga papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip pinarurusahan, nilalapastangan, o inuusig din Siya, kung gayon nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo tatanggapin ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng yaong mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu. Sinasabi Ko rin sa iyo na kapag nilalabanan mo si Cristo ng mga huling araw, kung tatanggihan mo nang may paghamak si Cristo ng mga huling araw, wala nang sinuman ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan alang-alang sa iyo. Higit pa rito, simula sa araw na ito at sa mga susunod pa hindi ka magkakaroon ng isa pang pagkakataong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang tubusin ang sarili mo, hindi mo muling mapagmamasdan ang mukha ng Diyos. Sapagkat hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang mahinang nilalang ang tinatanggihan mo nang may paghamak, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang magagawa mo, kundi isang karumal-dumal na krimen. Kaya naman pinapayuhan Ko ang lahat na huwag ilabas ang mga pangil ninyo sa harap ng katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lamang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang makapagpapahintulot na muli kang isilang at mapagmasdang muli ang mukha ng Diyos.
Hinango mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sinasabi Ko sa inyo, yaong mga naniniwala sa Diyos dahil sa mga tanda ay tiyak na nasa kategorya ng mga pupuksain. Yaong mga walang kakayahang tanggapin ang mga salita ni Jesus na nagbalik sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategoryang isasailalim sa walang-hanggang pagkalipol. Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at gagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri?
Hinango mula sa “Kapag Namasdan Mo na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Tanging ang mga sumusunod lamang sa mga yapak ng Cordero hanggang sa katapus-tapusan ang magkakamit ng pangwakas na pagpapala, samantalang ang mga “tusong tao,” na hindi nakakasunod hanggang sa katapus-katapusan ngunit naniniwala na nakamtan na nila ang lahat, ay walang kakayahang masaksihan ang pagpapakita ng Diyos. Bawat isa sa kanila ay naniniwala na siya ang pinakamatalinong tao sa lupa, at pinuputol nila ang patuloy na pag-unlad ng gawain ng Diyos na wala naman talagang dahilan, at sila ay tila naniniwala nang may lubos na katiyakan na isasama sila ng Diyos sa langit, silang “mayroong lubos na katapatan sa Diyos, sumusunod sa Diyos, at tumatalima sa mga salita ng Diyos.” Kahit na sila ay mayroong “lubos na katapatan” sa mga salitang sinabi ng Diyos, ang kanilang mga salita at kilos ay nakasusuklam pa rin dahil kanilang tinututulan ang gawain ng Banal na Espiritu, at gumagawa ng panlilinlang at masama. Yaong mga hindi sumusunod hanggang sa katapus-katapusan, na hindi sumasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at kumakapit lamang sa mga lumang gawain ay hindi lamang nabigo sa pagkamit ng katapatan sa Diyos, ngunit sa kabaligtaran, naging yaong mga sumasalungat sa Diyos, naging yaong mga tinatanggihan ng bagong kapanahunan, at siyang mapaparusahan. Mayroon pa bang mas nakakaawa kaysa kanila?
Hinango mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa panahong ito, yaong mga naghahangad at yaong mga hindi naghahangad ay dalawang ganap na magkaibang uri ng mga tao, na may labis na magkaiba ring mga hantungan. Yaong mga nagtataguyod sa kaalaman ng katotohanan at nagsasagawa ng katotohanan ang mga siyang pagdadalhan ng Diyos ng kaligtasan. Yaong mga hindi nababatid ang tunay na daan ay mga demonyo at kaaway; mga inapo sila ng arkanghel at magiging mga pakay ng pagwasak. Kahit yaong mga maka-Diyos na tagapaniwala ng isang malabong Diyos—hindi ba’t mga demonyo rin sila? Ang mga taong nagtataglay ng mabubuting budhi ngunit hindi tinatanggap ang tunay na daan ay mga demonyo; paglaban sa Diyos ang kanilang diwa. Yaong mga hindi tinatanggap ang tunay na daan ay yaong mga lumalaban sa Diyos, at kahit nagtitiis ng maraming hirap ang gayong mga tao, wawasakin pa rin sila. Yaong mga mabigat sa kalooban na talikdan ang mundo, na hindi matiis na mawalay sa kanilang mga magulang, at hindi makatiis na alisin sa kanilang mga sarili ang mga pagtatamasa sa laman ay masuwayin sa Diyos, at magiging mga pakay ng pagkawasak. Sinumang hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ay malademonyo at, higit pa rito, wawasakin sila. Yaong mga may pananampalataya ngunit hindi isinasagawa ang katotohanan, yaong mga hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao, at yaong mga hinding-hindi naniniwala sa pag-iral ng Diyos ay magiging mga pakay din ng pagwasak. Lahat yaong mga pahihintulutang manatili ay mga taong nagdaan na sa pagdurusa ng pagpipino at matatag na nanindigan; mga tao itong tunay na tiniis ang mga pagsubok. Sinumang hindi kumikilala sa Diyos ay isang kaaway; ibig sabihin, sinumang hindi kumikilala sa Diyos na nagkatawang-tao—nasa loob man sila o nasa labas ng daloy na ito—ay isang anticristo!
Hinango mula sa “Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa kalawakan ng mundo, umaapaw ang karagatan hanggang sa kaparangan, tumatabon ang kaparangan sa karagatan, nang paulit-ulit. Maliban sa Kanya na namumuno sa bawat bagay sa lahat ng bagay, walang sinumang may kakayahang umakay at gumabay sa sangkatauhan. Walang sinumang makapangyarihang magtatrabaho o maghahanda para sa sangkatauhang ito, lalo nang walang sinumang makakaakay sa sangkatauhang ito tungo sa hantungang liwanag at magpapalaya rito mula sa mga kawalan ng katarungan sa mundo. Nananangis ang Diyos sa hinaharap ng sangkatauhan, nagdadalamhati sa pagkahulog ng sangkatauhan, at nasasaktan dahil naglalakad ang sangkatauhan, nang dahan-dahan, patungo sa pagkabulok at sa landas na wala nang balikan. Wala pang nakakaisip kung saan ang maaaring patunguhan ng isang sangkatauhan na bumigo sa puso ng Diyos at nagtakwil sa Kanya para hanapin ang diyablo. Ito mismo ang dahilan kung bakit walang nakadarama sa galit ng Diyos, kung bakit walang naghahanap ng paraan para mapalugod Siya o nagsisikap na mapalapit sa Kanya, at bukod pa riyan, kung bakit walang naghahangad na maunawaan ang Kanyang dalamhati at pasakit. Kahit matapos marinig ang tinig ng Diyos, patuloy na tumatahak ang tao sa sarili niyang landas, pilit na lumalayo sa Diyos, umiiwas sa biyaya at kalinga ng Diyos, at lumalayo sa Kanyang katotohanan, mas ginugustong ibenta ang kanyang sarili kay Satanas, ang kaaway ng Diyos. At sino na ang nakapag-isip—dapat bang ipilit ng tao ang katigasan ng kanyang ulo—tungkol sa kung paano kikilos ang Diyos sa sangkatauhang ito na nagpaalis na sa Kanya nang hindi man lang lumilingon? Walang nakakaalam na ang dahilan ng paulit-ulit na mga paalala’t pangaral ng Diyos ay dahil inihanda na Niya sa Kanyang mga kamay ang isang walang-katulad na kalamidad, yaong hindi kakayanin ng katawan at kaluluwa ng tao. Ang kalamidad na ito ay hindi lamang isang kaparusahan sa katawan, kundi pati na rin sa kaluluwa. Kailangan mong malaman ito: Kapag nabigo ang plano ng Diyos, at kapag walang tumugon sa Kanyang mga paalala at pangaral, anong klaseng galit ang Kanyang ipamamalas? Isang bagay ito na hindi pa nararanasan o naririnig ng sinumang nilalang. Kaya sinasabi Ko, ang kalamidad na ito ay walang katulad, at hindi na mauulit kailanman. Sapagkat ang plano ng Diyos ay minsan lamang likhain ang tao, at minsan lamang iligtas ang sangkatauhan. Ito ang unang pagkakataon, at ito rin ang huli. Samakatuwid, walang makakaunawa sa matitiyagang intensyon at taimtim na pag-asam ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan sa pagkakataong ito.
Hinango mula sa “Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Hindi gusto ng Diyos na mas maraming tao ang maparusahan, bagkus ay umaasa na mas maraming tao ang maligtas, at mas maraming tao ang makasabay sa mga yapak Niya at makapasok sa kaharian Niya. Nguni’t kung tumatanggi ang mga tao na kilalanin ang mga pagkakamali nila, kung hindi nila matatanggap ang katotohanan nang may mapagpakumbabang puso, subali’t sa halip ay namumuna, naghahanap ng mali at nagkukunwaring nakakaunawa gayong hindi naman talaga, sa gayon sila ang mga mawawalan sa huli. Hindi naghihintay kaninuman ang gawain ng Diyos. Ang pagliligtas Niya ay hindi tulad ng ilang piraso ng basura, na basta-basta itinatapon kahit kanino lang. Bagkus ito ay tinutudla, na may layon at pagpili. Kung hindi mo alam na pahalagahan ito, kung gayon ang tanging naghihintay sa iyo ay ang matuwid na paghatol at kaparusahan ng Diyos. Trinatrato ng Diyos ang lahat ng tao nang may pagkamatuwid; anuman ang edad mo, gaano ka man katanda o kahit na gaano karaming pagdurusa ang napagdaanan mo na, ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay di-nababago magpakailanman sa harap ng mga bagay na ito. Hindi trinatrato ng Diyos ang sinuman nang may mataas na pagkilala, ni pinapaboran Niya ang sinuman. Ang Kanyang saloobin tungo sa mga tao ay batay sa kung natatanggap nila ang katotohanan o hindi at tinatanggap ang Kanyang bagong gawain sa pamamagitan ng pagbitaw sa lahat ng mga bagay. Kung natatanggap mo ang Kanyang bagong gawain at tinatanggap ang katotohanan na Kanyang ipinapahayag, kung gayon makakaya mong kamtin ang pagliligtas ng Diyos. Kung ikaw ay mapagmataas sa iyong beteranong katayuan at ipinagmamalaki mo ang iyong katandaan, naglalatag ng mga kondisyon sa Diyos, kung gayon ikaw ay itatatwa mula sa pagliligtas ng Diyos. Katulad lamang ng mga Judio, na hindi matanggap si Jesucristo kundi naghintay lamang para sa Mesias, ang bumagsak sa kanila sa huli ay ang sumpa at ang galit ng Diyos; ito ay isang katunayan na nariyan para makita ng lahat. …
… Patuloy na ginagawa ng Diyos ang Kanyang bagong gawain, ipinagpapatuloy ang Kanyang pamamahala, palaging bago at hindi luma kailanman. At paano naman ang mga tao? Lagi silang nakahawak nang mahigpit sa ilang makalumang bagay na iniisip nila na kabuuan ng mga pahayag ng Diyos, pinupuri ang kanilang mga sarili, namimintog sa pagmamataas, hinihintay ang Diyos na magkaloob sa kanila ng mga gantimpala na may saloobin na naniniwalang hindi sila kailanman itatapon ng Diyos, hindi sila kailanman tratratuhin nang hindi patas. At ano ang kinalabasan? Nagpapatuloy ang gawain ng Diyos na di-nahahadlangan, na may mas maraming tao ng bagong kapanahunan na sumusunod sa Kanya at tumatanggap sa Kanyang bagong gawain, habang ang mga naghihintay sa Diyos na magkaloob ng mga gantimpala sa kanila ay inaalis ng bagong gawain ng Diyos, at higit pang maraming tao ang nahuhulog sa kaparusahan ng Diyos. Sa sandaling nag-uumpisa ang kanilang kaparusahan, ang kanilang buhay na naniniwala sa Diyos ay tapos na, at ang kanilang katapusan, at kanilang hantungan, ay natapos na. Hindi ito isang bagay na nais ninuman na makita, nguni’t ito ay nangyayari na di-namamalayan sa harap ng ating mga mata. Kung gayon ito ba ay dahil sa pagiging walang-awa ng disposisyon ng Diyos, o ito ay dahil sa ang paghahanap ng mga tao ang may mali? Hindi ba talagang mahalaga na lubusang suriin ng sangkatauhan ang kanilang mga sarili?
Hinango mula sa Pagtatapos na Pananalita sa Mga Klasikong Halimbawa ng Kaparusahan sa Paglaban sa Makapangyarihang Diyos