Job 2:6 - Devotional Verses With Reflection Tagalog
Bible Verse of the Day Tagalog
At ang Panginoon ay nagsabi kay Satanas, Narito, siya'y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kaniyang buhay.
Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…
Mula sa utos ng Diyos na Jehova kay Satanas, makikita natin si Satanas ay masama sa sukdulan, umaasa ng walang kabuluhan na pinsalain ang buhay ni Job. Makikita na kinasusuklaman ni Satanas ang mga tao na pinahahalagahan ng Diyos at nilalayon na makamit ang utak ng mga buto nito at walang pasubali na nakakapinsala sa kanila. Tulad ng ayaw ni Satanas na makita ang sangkatauhan na natatakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, o nakikita ang Diyos na nakakamit ang mga tao, at hindi ito makapaghintay upang sirain ang mga taong natatakot sa Diyos nang hindi makamit ng Diyos ang mga tao, laging naghahanap upang makipagkumpetensya sa Diyos para sa kaluluwa ng mga tao. Ngunit ang Diyos ay Makapangyarihan sa lahat, at ang Kanyang Awtoridad ay pinakamataas, kaya't si Satanas ay hindi maglalakas-loob na lumabag sa awtoridad ng Diyos kahit gaano ito kalala. Ang mga salitang sinabi ng Diyos kay Satanas ay talagang isang utos na inisyu kay Satanas at pagpapakita ng awtoridad ng Diyos. Tulad ng sinasabi ng salita ng Diyos: “Kung nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan si Satanas, mapápasámâ kaya nito ang sangkatauhan? Kung nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan si Satanas, maipapahamak kaya nito ang sangkatauhan? Kung nagtataglay ng kapangyarihan at awtoridad si Satanas, matatalikuran kaya ng sangkatauhan ang Diyos at mapapaharap na sa kamatayan? Yamang walang awtoridad at kapangyarihan si Satanas, ano ang maaari nating pagtibayin tungkol sa diwa ng lahat ng ginagawa nito? Mayroon yaong mga nagpapakahulugan sa lahat ng ginagawa ni Satanas bilang panlilinlang lamang, nguni’t naniniwala ako na hindi masyadong naaangkop ang gayong pakahulugan. Ang masasama bang gawain ng paggawang-tiwali nito sa sangkatauhan ay panlilinlang lamang? Ang masamang kapangyarihan kung saan inabuso ni Satanas si Job at ang mabagsik na pagnanasà nito na abusuhin at lamunin siya, ay hindi makakamit ng panlilinlang lamang. Sa pagbabalik-tanaw, sa isang iglap, ang mga kawan at mga bakahan ni Job, na nakakalat nang malayo at malawak sa buong kaburulan at kabundukan, ay nawala; sa isang iglap, nawala ang malaking kayamanan ni Job. Kaya ba iyong makamit ng panlilinlang lamang? Ang kalikasan ng lahat ng ginagawa ni Satanas ay tumutugon at akma sa mga negatibong termino gaya ng para maminsala, para manggambala, para manira, para manakit, kasamaan, paghahangad ng masama, at kadiliman, at kaya ang pangyayari ng lahat nang hindi matuwid at masama ay mahigpit na nakadikit sa mga gawa ni Satanas, at hindi maihihiwalay sa masamang diwa ni Satanas. Kahit gaano pa ‘kalakas’ si Satanas, kahit gaano pa ito kapangahas at kaambisyoso, kahit gaano pa katindi ang abilidad nito para magdulot ng pinsala, kahit gaano pa kalawak ang mga paraan kung saan ginagawang masama at inaakit nito ang tao, kahit gaano pa kagaling ang mga pandaraya at mga pakana niya sa pananakot sa tao, kahit gaano pa pabago-bago ang anyo ng pag-iral nito, hindi pa ito kailanman nakakalikha ng kahit isang buháy na nilalang, hindi kailanman nakakapagtakda ng mga batas at patakaran para sa pag-iral ng lahat ng mga bagay, at hindi pa kailanman nakakapaghari o nakapagkontrol ng anumang bagay, mayroon mang buhay o walang buhay. Sa buong kalawakan ng sansinukob, wala ni isang tao o bagay ang naisilang mula rito, o umiiral nang dahil dito; wala ni isang tao o bagay ang pinaghaharian nito, o kinokontrol nito. Sa kabaligtaran, hindi lamang nito kailangang sumailalim sa dominyon ng Diyos, kundi, higit pa rito, kailangang sumunod sa lahat ng mga utos at kautusan ng Diyos. Kung walang pahintulot ang Diyos, mahirap para kay Satanas na hipuin kahit isang patak ng tubig o butil ng buhangin sa lupa; Kung walang pahintulot ang Diyos, ni hindi malaya si Satanas na ilipat man lamang ang mga langgam sa lupa—lalo na ang sangkatauhan, na nilikha ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, mas mababa pa si Satanas sa mga liryo ng kabundukan, sa mga ibon na lumilipad sa himpapawid, sa isda sa karagatan, at sa mga uod sa lupa. Ang papel nito sa lahat ng mga bagay ay para pagsilbihan ang lahat ng mga bagay, at gumawa para sa sangkatauhan, at pagsilbihan ang gawain ng Diyos at ang Kanyang plano ng pamamahala. Kahit gaano pa kasama ang hangarin ng kalikasan nito, at gaano kasama ang diwa nito, ang tanging bagay na nagagawa nito ay ang tapat na pagtalima sa tungkulin nito: pagiging lingkod ng Diyos, at pagsalungat sa Diyos. Gayon ang kakanyahan at kinatatayuan ni Satanas. ang diwa nito ay hindi kaugnay sa buhay, hindi kaugnay sa kapangyarihan, hindi kaugnay sa awtoridad; laruan lamang ito sa mga kamay ng Diyos, isang makina na nagsisilbi sa Diyos!”