Job 2:7–8 - Devotional Verses With Reflection Tagalog
Bible Verse of the Day Tagalog
Sa gayo'y umalis si Satanas mula sa harapan ng Panginoon, at pinasibulan si Job ng mga masamang bukol na mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa kaniyang puyo. At kumuha siya ng isang bibinga ng palyok upang ipangkayod ng langib; at siya'y naupo sa mga abo.
Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…
Mula sa mga talatang ito, makikita natin ang pagiging totoo at kabaitan ni Job. Bagaman siya ang pinakadakilang tao sa silangan, hindi niya ipinagmamalaki ang kanyang sarili batay sa kanyang katayuan o minamahal ang kanyang katayuan, ni hindi niya pinansin kung paano siya tinitingnan ng iba sa mga pagsubok. Sa halip, kumuha siya ng isang banga para alisan ng tubig ang ibabaw ng namamagang bukol habang nakaupo sa mga abo. Kumpara sa atin kay Job na tunay at mabait, madalas nating maingat na ipinagbabalat-kayo ang ating sarili para sa mukha, katanyagan at pakinabang, at katayuan, at ginagawa ang ating makakaya upang mapagtakpan ang ating mga kapintasan. Ayaw nating payagan ang iba na makita ang ating mga kakulangan, na nagpapaisip sa atin na ang buhay ay sobrang nakakapagod, at nagdadala sa atin ng matinding sakit. Ang ilang mga tao ay nakakaramdam na sila ay hindi gaanong masaya kumpara sa mga patay at palaging pumupunit ng laban sa lahat ng tao at lahat ng bagay. Ito ang mapait na bunga ng pamumuhay para sa mukha, katayuan, katanyagan at pakinabang na dinadala sa mga tao. Nang makaranas si Job ng mga paghihirap at nawawalan ng mukha at katayuan, tanging ang Diyos ang may lugar sa kanyang puso at si Job lamang ang nagmamalasakit sa pananaw ng Diyos sa kanya. Samakatuwid, hindi lamang di-nagreklamo si Job laban sa Diyos, ngunit pinuri ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Kung susundin natin ang soberanya at pagsasa-ayos ng Diyos tulad ni Job at may takot sa Diyos at itinataboy ang kasamaan, makakamit natin ang papuri ng Diyos at madadama natin ang kapayapaan sa ating mga puso. Tulad ng sinabi ng Diyos, “Basahin natin ang mga sumusunod: ‘Sa gayo’y umalis si Satanas mula sa harapan ni JEHOVA, at pinasibulan si Job ng mga masamang bukol na mula sa talampakan ng kanyang paa hanggang sa kanyang puyo. At kumuha siya ng isang bibinga ng palayok upang ipangkayod ng langib; at siya’y naupo sa mga abo’ (Job 2:7-8). Ito ay isang paglalarawan sa asal ni Job nang naglabasan ang namamagang bukol sa kanyang katawan. Sa oras na ito, si Job ay naupo sa mga abo habang tinitiis niya ang sakit. Walang gumamot sa kanya, at walang tumulong upang mabawasan ang sakit ng kanyang katawan; sa halip, ginamit niya ang isang bibinga ng palayok upang ipangkayod sa ibabaw ng masasamang bukol. Sa labas, ito ay isa lamang yugto sa paghihirap ni Job, at walang kaugnayan sa kanyang pagkatao at takot sa Diyos, dahil si Job ay hindi nagsalita upang ipahayag ang kanyang nararamdaman at paniniwala sa panahong ito. Ngunit ang mga pagkilos ni Job at ang kanyang asal ay mga tunay na pagpapahayag pa rin ng kanyang pagkatao. Sa talaan ng mga nakaraang kabanata ay nababasa natin na si Job ay ang pinakadakila sa lahat ng mga anak ng silanganan. Itong sipi sa ikalawang kabanata, samantala, ay nagpapakita sa atin na ang dakilang tao na ito ng silangan ay dapat kumuha ng isang bibinga ng palayok upang ipangkayod sa sarili niya habang nakaupo sa mga abo. Wala bang malinaw na pagsasalungat sa dalawang paglalarawan na ito? Ito ay ang kaibahan na nagpapakita sa atin ng totoong sarili ni Job: Sa kabila ng kanyang marangal na estado at katayuan, hindi niya kailanman minahal at binigyang pansin ang mga ito; wala siyang pakialam sa kung paano tiningnan ng iba ang kanyang katayuan, at hindi siya nag-alala kung ang mga kilos at asal niya ay may masamang epekto sa kanyang katayuan; hindi siya nagpakasasa sa yaman, at hindi siya nagsaya sa karangalan na kasama ng kanyang estado at katayuan. Nababahala lamang siya sa kanyang halaga at kabuluhan ng kanyang pamumuhay sa mga mata ng Diyos na Jehova. Ang totoong sarili ni Job ay ang kanyang mismong diwa: Hindi niya inibig ang katanyagan at kayamanan, at hindi siya nabuhay para sa katanyagan at kayamanan; siya ay totoo, at dalisay, at walang kasinungalingan.”
Inirekomendang pagbabasa: